Felia
"Aba't nandito na pala ang leader niyong saksakan ng yabang?!" Mayabang na wika ni Ben. Nakangisi itong tumayo sa harapan ko. Nakapilig ang kaniyang ulo sa isang banda. Nasa likuran nito ang nasa benteng kasama niya. What a coward. Tss.
"Hindi mo ba idadagdag iyong saksakan ng ganda?" I asked. Nagtaas ako ng isang kilay sa kaniya na para bang hinahamon ko siya.
I was about to spat more words when I felt Levy's arm snaked on my waist. His possessive stunt made me look at his hand resting on my waist. Nagtaas ako ng isang kilay habang pinagmamasdan iyon bago ko siya binalingan nang nakataas pa rin ang isa kong kilay.
He looks casual. Parang walang pakialam sa nagiging tingin ko sa kaniya.
"Hands, please?" I uttered para naman maging aware siya sa kaniyang kilos.
"What?" Inosenteng tanong niya.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero wala man lang akong nakitang sindak sa kaniya.
Hinayaan ko siya sa huli. Sa tingin ko naman ay hindi niya talaga aalisin ang kaniyang kamay sa bewang ko.
Ibinalik ko ang aking tingin sa aking harapan. Naabutan ko lang nakangisi si Ben sa amin.
Tinapik siya ng isang lalaki sa kaniyang likuran at may ibinulong ito sa kaniya na kaagad niya namang tinanguan habang nakatingin sa kasama kong nakatingin lang sa akin— at least that's what I am seeing from my peripheral vision.
Lahat rin ng mga taong naroon sa lugar ay nagsilapitan na sa amin. Ang mga nag-eensayo para sa magaganap na race mamaya ay tumigil rin para manood sa amin o para maki-usyoso na rin.
"So... you brought a Hydari with you, huh?" he scoffed.
Siguro ay iyon ang ibinulong ng pangit niyang asungot sa kaniya kanina.
"Bakit?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay at napahalukipkip. "Do you have any business with him?" I asked.
His shoulder shrugged and then pouted after.
"Kumusta naman ang leader ng Blade Monster?" He inquired. "Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin, iisipin ko na naman sanang takot ka talaga sa akin..." pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Okay naman ako..." Walang buhay kong untag. "Pero... noong nalaman kong nandito ka, nawalan na ako ng ganang pumunta rito. But I'm here. Standing In front of you. But sad to say hindi ikaw ang pinuntahan ko dito at wala akong paki alam sa iisipin mo." I raised my eyebrow. I heard the laughter of crowd when I said that.
"Mayabang ka talaga ano?" aniya.
"Yes I am, at sa nakikita kong reaksyon mo parang ikaw ata ang takot sa atin, e. Kayabangan ko pa nga lang at pagiging leader ko sa isang gang ang alam mo pero, mukhang nagsisisi ka ng kinausap mo pa ako." Naka ngisi kong wika. Nagdidiwang ako dahil alam kong tinamaan siya sa sinabi ko. Bahagya kong nilingon si Levy ng mas humigpit ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko. Tila sinasabing tumigil na ako.
"Nasobrahan ka talaga sa kayabangan. Ito ha, sasabihin ko sayo hindi ako takot sayo naiintindihan mo ba ha?" halos lumabas na ang usok sa ilong niya dahil sa galit niya sa akin.
"Iba ang nakikita ko sayo... Ikaw wag mo akong tratuhin na parang bata porque trenta kana eh feeling mo ikaw ang mas maraming alam—"
"Twenty four palang ako wag mo—"
"Wala sa edad yan Benten! Nasa diskarte yan hindi yan nadadaan sa anumang yabang kahit gaano kang kayabang kong palpak lahat ng plano mo. Hindi ka magtatagal diyan sa pwesto mo ngayon. Bago ka palang sa pagiging leader ng Elferdo mayabang kana... alam mo ikaw? Wag mo akong mahamon hamon dahil hindi ako pumapatol sa feeling mayabang, e takot ka naman pag pinatulan!" mahaba kung lintanya na ikinanganga niya.
"Ang lakas pa ng loob mong maghamon e nasa teritoryo naman kita!" I hissed.
"Ano ba ya — akala ko makaka score na ako dito kay Benten malapit ko ng malagyan ng black eye, e!" wika ni Rigor.
"Tanga ikaw sana yung may black eye ngayon kung hindi pa dumating si Margot!" Africa said.
"Ang dami mo namang satsat... wala akong paki alam sa anumang meron ka. ang gusto ko lang malaman bakit narito ang isang Hydari sa ganitong lugar at kasama mo pa?"
"Bakit type mo?" tanong ni Africa na ikinatawa na naman ng lahat maliban sa kasama ni Benten.
"Babe!" nagulat ako ng bigla akong hilain ng kadarating lang na si Gabby. Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig kay Levy.
"Bakit nakalingkis ka kay Felia?" Gabby asked to Levy. Na ngayon at titig na titig sa kamay ni Gabby na nakahawak sa kamay ko.
"Girlfriend mo?" tiimbagang na tanong ni Levy.
"Soon!" mabilis na sagot ni Gabby. Napangisi ako.
"Mangarap ka nalang dahil hindi siya magiging sayo... Dahil hindi ko binibigay o pinapahiram ang akin!" Seryusong wika ni Levy atsaka ako hinila mula kay Gabby.
"What do you mean?" kunot nuong tanong ni Gabby dahil sa pagkalito.
"Si Felia, sayo? Oh come on Levy. Alam naman nating hindi yan nag seseryoso sa tulad nating lalaki—"
"Oh shut up, Benten! Wag kang sumabat diyan dahil kahit anong sabihin mo lampa ka parin sa pangingin ko!" I hissed. I saw his reaction changed. Nangaasar to naasar.
"Hambog!" galit na sigaw niya.
"Yeah, that's me!" nang aasar na sagot ko na mas lalong ikinagalit niya.
"Saka mo na ako yabangan kapag natalo muna ako mamaya sa karerahan!"
"No problem!" sagot ko. "Wanna watch kung paano ko matalo ang isang to?" tanong ko kay Levy. Na ngayon ay mas humigpit pa ang pagkaka pulupot ng kamay sa aking bewang.
"You're not going to race!" He answered and pull me out of there.
"Kami na ang bahala rito!" naka ngising wika ni Africa.
"Paano ba yan Benten tuloy na natin yong laban na—aray!!" daing ni Rigor ng batukan siya ng malakas ni Africa na ikina-iling ng mga naroon.
"Tanga sa batok ko sayo umaaray ka sa suntok ng iba hindi!" Iritang Sabi ni Africa.
"Felia!" sigaw ni Gabby. Hindi siya makalapit sa amin dahil nasa harapan nito ang mga myembro ng Blade Monster. Hindi siya hinahayaang makatakas.
"Let me go!" I hised. Tila walang siyang narinig dahil hindi man lang niya ako nilingon. Sa inis ko ay pahaklit kong binawi ang aking kamay pagkatapos ay pinag cross ko ang mga braso ko sa aking dibdib at salubong ang kilay at matalim ang tingin ng bumaling ako sa kaniya.
"Don't be a brat, Felia!"
"Don't be possessive, Levy!" nakataas ang kilay na sabi ko sa galit na si Levy.
"You're my fiancee now, Felia! I have te right para ipagdamot ka!"
"I know that!"
"Ang kaisa-isang ayaw ko na gawin mo ay nilabag mo! Sinong hindi maiinis don?"
"Nakipag usap lang ako, hindi ako nakipag landian at sila naman ang lumapit hindi naman ako. Anong magagawa ko ang ganda ko! Ikaw naman kasi bakit kasi sobrang ganda ng fiancee mo?" I chuckled.
Paano ba amuhin ang isang Levy?
Wala man lang nag bago sa reaksyon niya. Galit parin siya. salubong ang kilay at matalim ang tingin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Now!
"I have a deal!" bulong ko. "I HAVE A DEAL!" medyo iritang wika ko ng hindi man lang siya tumugon.
"What?" tamad niya sagot.
"Kapag nanalo ako sa race ngayon laban kay Ben pwede na akong makipag usap sa ibang lalaki at kapag natalo maman ako ikaw at mga relatives ko nalang na mga lalaki ang kakausapin ko!"
"You're in?" dagdag ko.
Huminga siyang malalim. Hinapit niya ako papalapit sa kaniya.
"Deal." He whispered after pulling me closer to him and claimed my lips.
itutuloy—