Felia "Oh, The Dornans are here!" sarcastic na bungad ni Lyvina. Umirap pa ito na ikinatawa ni Grandpa. Bakit kapag kami ang iirap, galit siya, samantalang itong babaeng ito iniirapan lang kami. Lyvina Hydari is Levy's older sister. May pagka-maldita pero... ayos lang naman. "Lyvina!" Saway ni Mrs. Hydari kay Lyvina. "What, Mom? I was just welcoming our guest!" natatawa siyang nagkibit balikat na para bang normal lang iyon sa kaniya. "What a brat," dinig kong bulong ni Vica sa gilid ko habang nakahalukipkip at nakataas ang isa niyang kilay. Coming from her talaga, ha? Lihim akong napangisi. Kahit saan talaga ay umaatake ang pagka-maldita nito, e. Kung sa bagay, sa akin nga ay maldita siya... sa hindi pa kaya kadugo? "I am terribly sorry for that everyone. Lyvina's just kind

