CHAPTER 26

1884 Words

“SIGURADO ka ba na okay ka lang? Nasaan ka? Sino ang kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Mrs. Charito nang tawagan ni Bianca.       Bahagyang napakunot ang noo ni Bianca nang may nahimigang kakaiba sa tono ni Mrs. Charito; pag-aalala na may kahalong hindi niya mawari kung ano. Masyadong tensiyonado ang babae na noon lang niya narinig.       “Okay lang ho ako. K-kaibigan ko ang kasama ko. Nagpasama lang siya. Babalik din ako kaagad. Kayo na lang ho muna ang bahala sa nanay ko, ha? Pasensiya na ho talaga,” sabi na lang ni Bianca.       Ilang sandaling hindi nagsalita si Mrs. Charito bago bumuntong-hininga. “Sige. Ako na ang bahala sa nanay mo. Basta pagbalik mo ay sabihin mo sa akin ang totoo. Okay?”       Nakagat ni Bianca ang ibabang labi. Hindi siya sigurado kung magagawang sabihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD