CHAPTER 27

2766 Words

NAPAKURAP si Bianca nang lumabas siya ng kusina at mapagtantong hindi binuksan ni Ross ang ilaw sa loob ng bahay. Madilim na sa labas dahil lampas alas-sais na ng gabi. Ang tanging liwanag ay ang ilaw sa kusina at sa direksiyon ng nakabukas na French doors. Naglakad siya patungo roon. Muli siyang napakurap nang makita ang hardin. Katulad nang nadaanan nila papunta sa bahay, maganda rin ang pagkaka-landscape ng mga halaman sa hardin. Sa gawing kanan ay may maliit na gazebo na ang mga poste ay may mga gumagapang na halaman at may maliliit na ilaw. Ang mga iyon at ilang lampposts lamang ang ilaw ngunit kataka-takang maliwanag pa rin sa hardin. Napatingala si Bianca sa langit. Maliwanag ang bilog na bilog na buwan. Iyon pala ang dahilan kung bakit maliwanag sa paligid. Bumaba ang tingin niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD