KANINA pa tila nagwawala ang puso ni Bianca at nag-aalala siya na baka marinig ni Ross ang mabilis at malakas na t***k ng kanyang puso. Idagdag pa ang tila kuryenteng kumakalat sa kanyang buong katawan dahil nakapaikot sa baywang niya ang braso ng binata at nakadikit siya sa katawan nito. Gustuhin mang pumiksi palayo, tila may sariling isip ang kanyang katawan. She loved the feel of his hard body against hers. Dapat ay hindi nararamdaman ni Bianca ang ganoon. Dapat ay magalit siya dahil sinira ni Ross ang kanyang plano para sa araw na iyon. Okay na ang lahat, pinag-uusapan na ng mga tao na may ibang babae si Ferdinand Salvador. Subalit sinira iyon ni Ross. Nakalabas na sila ng venue nang matauhan si Bianca. Kumilos siya upang lumayo kay Ross subalit humigpit ang braso nito sa kanyang bay

