CHAPTER 22

1534 Words

Ilang segundo pa ang lumipas bago bumuga ng hangin si Ross. “You’re such a tease,” mahinang usal ng binata bago binuksan ang pinto sa tabi nito at bumaba ng sasakyan. Huminga rin nang malalim si Bianca at kumilos upang buksan ang pinto sa tabi niya subalit naunahan na siya ni Ross. Inalalayan pa siya nito na makababa ng kotse. Bigla na naman siyang na-tense nang muling mapatingin sa coffee shop. Noon lang niya naalala na ilang linggo pa lang ang nakararaan ay nagtatrabaho siya roon. Kilala pa siya ng guwardiya at ng staff. Sa pagkakataong iyon, malalaman na ni Ross ang sana ay aaminin na ni Bianca noong huli silang magkita roon—na hindi siya customer sa coffee shop kundi isa sa mga miyembro ng staff. Pero wala na `yon kompara sa iniisip niya na kabit ka ng isang matandang abogado, Bian

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD