CHAPTER 23

1767 Words

AYAW pa sana ni Ross na maghiwalay sila ni Bianca. Malay ba niya kung kailan na naman niya ito makikita. Subalit kailangan niyang pagbigyan ang dalaga. At least, for now. Sa susunod, hindi na niya hahayaan na umiwas si Bianca sa pagsagot sa kanyang mga tanong. Isa pa, may napala naman si Ross sa pag-uusap nila. Nabigyan ng kasagutan ang ilan sa kanyang mga tanong. Nabigyang-linaw kung bakit palaging nasa coffee shop si Bianca noon tuwing umaga. Kaya pala noong huling beses na nagkita sila sa coffee shop, sa loob nanggaling ang dalaga at hindi sa front entrance. Nagtatrabaho pala ito roon. Night shift. s**t! Wala bang nararamdamang takot si Bianca? Delikado sa isang babae ang magtrabaho sa isang establisimyento na maaaring pasukin ng kahit na sino nang ganoong oras. Ano ba ang iniisip ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD