Wildest Dream
Chapter 2
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Hoy! Kiel, ano? Walk out lang? Hindi pa ako tapos magsalita." sabi ni Peachy. Sinundan niya si Kiel, na umakyat sa second floor ng bahay nito.
"Peachy, kahit na hindi mo tapusin ang sasabihin mo ay alam ko na kung ano ang gusto mong sabihin." seryosong sabi ni Kiel.
Nagpatuloy sa pag-akyat si Kiel, sa hagdanan ng bahay niya. Alam naman niya ang gustong sabihin ni Peachy. Isang taon na yata siyang kinukulit nito na ibigay ang isa sa mga sinulat niyang kuwento sa V Studio para gawin pelikula. Ngunit makailang beses na rin siyang tumanggi dahil parang natrauma siya sa nangyari sa the jail love story.
"Puwede bang mag-usap na muna tayo bago ka magreact ng ganyan. Please?" pakiusap na sabi ni Peachy.
Sa totoo lang ay nagdadalawang isip si Peachy na puntahan ngayon si Kiel, dahil alam naman niyang hindi ito papayag sa alok niya. Pero sa pagkakataon na ito ay sisiguraduhin niyang papayag na ito sa alok niyang kunin ang isa sa mga sinulat nito para gawin pelikula ng V Studio
"Peachy, ayoko na maulit ang nangyari noon. Nakakatakot, nakakatrauma at sobrang nakakapanghina ang nangyari sa "the jail love story". seryosong sabi ni Kiel. Nandito sila ngayon sa mini office niya sa bahay.
Nagpasadya talaga si Kiel ng maliit na kuwarto sa kanilang bahay. Madalas ay dito siya sumusulat ng mga kuwento. Nandito lahat ang mga hard copy ng kanyang mga naisulat at mga napublished na mga libro.
"Kiel, alam ko naman iyon. Hindi lang ikaw ang naapektuhan kundi tayong lahat. Tignan mo nga nakapag-publish ka nang bagong libro mo. Anong nangyari? Naging best selling novel pa iyon 'di ba? Ibig sabihin ay unti-unting tinatanggap ng mga tao ang mga bl o boys love story. Lalo na ngayon tinatangkilik ng mga tao ang bL series sa thailand. Paano na lang kapag nalaman nilang masusundan ang the jail love story?" ngiting sabi ni Peachy.
Kinakusap siya noong nakaraang linggo ni Miss Chin pinapakumbinsi ulit nito si Kiel na pumayag na gawin pelikula ang isa nitong sinulat. Isang taon na yata siyang nangungulit kay Kiel para pumayag ito sa alok nila ni Miss Chin. Isang taon din silang tinatanggihan ni Kiel.
Ngayon ay susubukan na naman ni Peachy na kumbinsihin si Kiel kumbinsihin. Alam niyang madugong usapan ang magaganap sa kanila ngayon. Pero hindi siya uuwi ng bahay at babalik sa V Studio kung hindi niya nakuha ang matamis na "Oo" ni Kiel.
"Iba ang mga taga Thailand, sa Pilipinas. Ang mga tao dito ay masyadong mapanghusga! Akala mo ikakamatay nila kapag meron silang nakitang magka-holding hands na parehong kasarian. Kung makadikta o makapagsalita sila sa mga katulad natin ay parang makasalanan tayo? Parang salot tayo sa lipunan? Parang wala tayong ambag sa ekonomiya ng Pilipinas!? Kung tutuusin nga 'yung mga nakaupo dyan ang salot sa lipunan. Walang ginawa kundi kumurakot ng kumurakot sa kaban ng bayan. Kaya nga hindi umaasenso ang Pilipinas. Bullshit sila lahat!" galit na galit na sabi ni Kiel.
Hindi napigilan ni Kiel, na mapaiyak dahil sa kanyang nararamdaman na sama ng loob. Naramdaman na lang niya na niyakap siya ni Peachy, at doon ay lalo siyang napahagulgol.
Sobrang nasaktan talaga si Kiel sa mga natanggap niyang mga masasakit na salita mula sa mga bumatikos sa mga kuwentong ginawa niya noon. Hindi niya akalain na mangyayari iyon sa kanya.
Sobrang nagpapasalamat talaga si Kiel dahil meron siyang mga kaibigan tulad ni Peachy, na dumamay sa kanya. Lalo na ang kanyang asawa na si Jerome, na hindi siya nito iniwan.
"Sshh… Ano ba 'yan Kiel, masyado na tayong madrama." ngiting sabi ni Peachy.
Dinaan na lang ni Peachy sa biro ang sitwasyon ngayon. Masyado talaga sensitive si Kiel pagdating sa mga issue na kinasangkutan ng "the jail love story".
"Pasensya ka na Peachy, ganito siguro kami mga writer? Masyadong madrama. Hahaha!" ngiting sabi ni Kiel.
Pinunasan ni Kiel ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay. Baka kasi makita siya ng kanyang asawa na si Jerome, na umiiyak. Baka mag-alala na naman iyon sa kanya.
"Alam ko ang sa loobin mo Kiel. Sa totoo lang ay natatakot din ako na muling gumawa ang V Studio ng gay movie. Nakakatakot dahil baka maulit muli ang nangyari noon. Pero naisip ko kung matatakot tayong lahat ibig sabihin ay hindi natin kayang ipaglaban ang karapatan natin. Hindi bilang isang bakla, transgender o parte ng l***q+ community kundi bilang isang tao. Tao rin tayo hindi tayo naiiba sa kanila. Tao tayong may pakiramdam tulad nila. Nandito ako ngayon sa harapan mo Kiel, para tulungan mo kong ipaglaban ang karapatan natin. Sa pamamagitan ng mga akda mo. Wag kang matakot nandyan ang asawa mong si Jerome. Kami nila Miss Chin, sila Celix at Jix. Sila Herald at Jace, lalo na ang mga kapatid natin na l***q+ community. Sabik na sabik na silang makita at mapanuod sa big screen ang mga akda mo." ngiting sabi ni Peachy.
Mula sa puso ang mga sinabi ni Peachy kay Kiel. Noon pa man ay sinasabihan siya ni Miss Chin, na wag matakot sa mga bumabatikos sa mga tulad nilang l***q+.
Matagal na nag-uusap si Peachy at Miss Chin, na gumawa ulit sila ng gay movies tulad ng "the jail love story". Naagaw ang pansin nila sa pagbukas ng pintuan ng opisina ni Kiel. Isang napakaguwapo at makisig na lalaki na nakasuot ng puting sando ang pumasok sa opisina ni Kiel.
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ninyo ah?" ngiting sabi ni Jerome.
Kanina pa dumating si Jerome at kanina pa siya nakikinig sa usapan nila Peachy at ng asawa niyang si Kiel. Alam niyang masyadong apektado ang kanyang asawa sa nangyari noon.
Pero lagi sinasabihan ni Jerome na maging matatag ang kalooban nito sa mga taong bumabatikos ng mga sinulat nitong kuwento. Parte iyon ng trabaho nito nilang writer.
Wala yatang araw na hindi kinukumbinsi ni Jerome na sumulat ulit ng mga bagong kuwento ang kanyang asawa na sumasalalim sa mga katulad nilang l***q+ community.
Sobra natutuwa si Jerome noong nakapag-publish ito ng isang novela na naging best selling novel. Nilapitan niya ang kanyang asawa na si Kiel, at isang matamis na halik sa labi ang binigay niya. Pinunasan pa niya ang luha sa guwapong mukha nito.
Pumunta si Jerome sa likuran ng upuan nh kanyang asawa at minasahe niya ito sa balikat. Lagi niyang minamasahe si Kiel tuwing nakikita niya itong stress.
"Hi! Papa Jerome! Natanggap mo ba ang text ng asawa mo?" ngiting sabi ni Peachy.
Sanay na sanay na si Peachy sa masyadong ka-sweet-an ng dalawang guwapo at makisig na lalaking nasa harapan niya.
"Ah? 'Yun pinapabili ninyo sa Rald's Box Café. Oo nasa dining area na ito. Mabuti pa ay kumain na muna tayo sigurado akong gutom na gutom na kayo." ngiting sabi ni Jerome.
Hinawakan ni Jerome ang kamay ng kanyang asawa at sabay na silang lumabas ng opisina nito. Nagkatinginan pa silang dalawa ng kanyang asawa ay isang matamis na halik na halik sa labi ang ibinibay niya.
"Biglaan yata ang pagbisita mo sa amin Peachy?" kunwaring tanong ni Jerome.
Alam naman ni Jerome ang dahilan kung bakit nandito si Peachy sa bahay nila. Matagal na nilang pinag-uusapan ng kanyang asawa ang tungkol sa muling pagtratrabaho nito sa V Studio.
"Ano pa nga ba kundi makikikain ulit ng lunch at dinner! Hahaha!" birong sabi ni Peachy.
Pumunta si Peachy sa kitchen area ng bahay nila Kiel at Jerome. Kumislap ang mga mata niya dahil nakita na niya ang black box na may green ribbon na cake box ng Rald's Box Café. At meron siyang nakita sa ibabaw ng lamesa ang tatlong malalaking baso na sa tingin niya ay capuccino. 'Yun lang naman kasi ang iniinom nilang tatlo kapag pumupunta sila sa Rald's Box Café.
"Hindi ka yata pinapakain maayos ng asawa mong si Daniel Sy? Kamusta na pala iyong pare ko na iyon?" ngising sabi ni Jerome.
Nasusupladuhan si Jerome sa asawa ni Peachy na si Daniel Sy. Bihira lang kasi nilang makasama at makita ito dahil abala ito sa mga negosyong nagpapayaman lalo sa mag-asawang Sy. Pero masasabi niyang mabuti asawa si Daniel kay Peachy dahil ni minsan ay wala silang narinig na reklamo o negative tungkol sa pagsasama ng dalawa.
"Ayun busy sa trabaho. Pero wag ka hindi ako ginugutom ng hubby ko. Gabi-gabi niya ako pinapakain ng sariwang gatas at malaking sausage. Hahaha!" natatawang sabi ni Peachy.
Umupo na si Peachy sa bakanteng upuan. Nakita niyang napatawa ang dalawang makikisig na lalakinh nasa harapan niya.
Pinanuod ni Peachy si Jerome, na alisin ang green ribbon na nakatali sa cake box. Para siyang batang nanonood ng pagbukas ng regalo tuwing pasko. At sa wakas ay nakita na niya ang napakasarap na cheesecake sa buong mundo. Ang classic blueberry cheesecake ng Rald's Box Café.
"Puwede ba ay wag natin pag-usapan ang ganyang bagay dahil kakain tayo." ngiting sabi ni Kiel.
Natanggap ng mahinang hampas si Kiel sa matipunong braso niya galing kay Peachy. Pabiro pa nga niya itong sinumbong sa kanyang asawa na si Jerome.
"Virgin ka ba Kiel? Bakit hindi ka ba pinapakain ni Jerome, na sariwang gatas at sausage?" ngising sabi ni Peachy.
Nakita ni Peachy namula ang guwapong mukha ni Kiel. Natatawa siya kapag ang usapan nila ay tungkol sa s*x dahil agad na namumula ang guwapong mukha ni Kiel. Para bang hindi ito sanay na pag-usapan ang tungkol sa s*x.
"Peachy, naman! Wag ganun! Tignan mo namula tuloy ang mukha ng asawa ko." ngising sabi ni Jerome.
Niyakap ni Jerome ang kanyang asawa dahil sa nahihiya itong ipakita ang mukha nito. Isinubsob niya ang guwapong mukha ni Kiel sa kanyang matipunong dibdib.
"Arte mo naman Kiel! Parang virgin na virigin ka ah? Parang hindi ka sumusulat ng mga malalaswang bagay sa kuwento mo?" tuksong sabi ni Peachy.
Natatawa na lang si Peachy dahil masyado talagang pabebe itong kaibigan niyang si Kiel. Kapag kasama nito ang asawa nito ay daing oa nito ang isang teenager na babae. Sobrang clingy si Kiel sa asawa nitong si Jerome.
"Araw-araw din ako pinapakain ng sausage at sariwang gatas ni Jerome. Actually kanina lang bago ito umalis papunta sa Chavez Mall ay pinakain niya ako." ngising sabi ni Kiel.
Umupo si Kiel sa tabi ni Jerome para makakain na sila. Nagtawanan pang silang tatlo sa kanyang sinabi. Nagkatinginan silang dalawa ng kanyang asawa. Kumindat pa ito sa kanya na para may ibig sabihin ito?
"Honey naman baka wala sa oras ay ipapakain ko sa'yo ang malaki kong sausage!" ngising sabi ni Jerome.
Bigla kasi uminit ang buong katawan ni Jerome dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Masyado silang active pagdating sa s*x. Kahit na madalas silang natatalik ay hinding-hindi siya nagsasawa.
"Mamaya na lang kapag umalis na si Peachy, honey." ngiting sabi ni Kiel.
Pasimpleng hinawakan ni Kiel ang harapan ng kanyang asawang si Jerome sa ilalim ng lamesa. Agad niyang naramdaman ang medyo matigas na b*rat nito sa loob ng suot nitong basketball short.
"Ehem! Mamaya na 'yang kalandian ninyo. Nandito pa ako konting respeto lang. Anyway, mabalik ako sa usapan natin Kiel. Pumayag ka na Kiel. Pumayag ka na magtrabaho muli sa V Studio." pakiusap na sabi ni Peachy.
Nakita pa ni Peachy nagkatinginan sila Kiel at Jerome, sa isa't-isa. Medyo kinakabahan siya na baka tumaggi na naman si Kiel sa kanyang alok. Ngunit umaasa siya na pumayag na ito ngayon. Para hindi na rin siya pabalik-balik sa bahay nito. Nakakapagod din naman kasi na mag-long drive. Ang layo-layo pa naman ng bahay ng mag-asawang sila Jerome at Kiel.
"Sa totoo lang ay napag-usapan na namin 'yan ni Kiel. Nung una ay ayaw niya pero ngayon ay gusto na niya. Gusto na niyang magtrabaho ulit sa V Studio. Gusto na niyang isapelikula ninyo ang mga akda niya." ngiting sabi ni Jerome. Isang matamis na halik sa labi ang binigay niya sa kanyang asawa.
"I-ibig sabihin ay pumapayag ka na sa alok ko Kiel? K-kala ko ba a-ayaw mo?" kunot noo tanong ni Peachy
Hindi makapaniwala si Peachy sa sinabi ni Jerome sa kanya. Dahil kani-kanina lang ay nagdradrama si Kiel sa harapan niya. Pero ngayon ay nakita niyang napangisi si Kiel habang nakatingin ito sa kanya.
"Talaga ayaw ko dahil natatakot ako. Nagkausap nga kami ng guwapo kong asawa tungkol dyan sa alok mo. Nangako siya na susuportahan niya ako hanggang sa huli." ngiting sabi ni Kiel.
Pahihirapan sana muna ni Kiel ang kanyang kaibigan na si Peachy. Ngunit sinabi nang kanyang asawa na pumapayag na siya at wag na pahirapan ang kaibigan nilang si Peachy.
Matagal na pinag-uusapan ni Kiel at ng kanyang asawa na si Jerome tungkol sa muling pagtratrabaho niya sa V Studio. Una pa lang ay ayaw niya pero nakumbinsi rin siya ng kanyang guwapong asawa na si Jerome.
"Gago mo talaga Kiel! Pinapahirapan mo pa talaga ako! Eh?! Ano 'yung drama mo kanina?" takang tanong ni Peachy.
"Drama? Totoong iyak iyon Peachy. Alam mo naman na trauma talaga ako noon. Pero sa tulong ng aking guwapong asawa ay nakabangon muli ako." ngiting sabi ni Kiel.
Isang matamis na halik sa labi ang ibinigay ni Kiel sa kanyang makisig na asawang si Jerome. Nagpapasalamat talaga siya na dumating ito sa kanyang buhay.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Salamat ulit sa pagsagot mo Mr. Kiel Santos," ngiting sabi ni Tallie.
"Welcome," masayang tugon ni Kiel.
"Ang ikatatlo at panghuling katanungan ko. Bakit "Ang Init Sa Magdamag" ang napili ninyo isapelikula. Sa mga hindi nakakaalam ay sobrang mainit talaga ang mga eksena ng kuwento na iyon. Kukunin ba ang buong storya o may mga piling mga maiinit na eksena lang ang kukunin sa storya para ipalabas sa big screen?" ngiting sabi ni Tallie Drey.
Nabasa na ni Tallie Drey ang kuwentong isinulat ni Kiel Santos na "ang init sa magdamag".
Habang binabasa ni Tallie iyon noon ay hindi niya maiwasan na uminit ang kanyang katawan. Sobrang maraming mga maiinit na eksena sa kuwento na iyon. Bawat chapter yata ay meron mga eksena na maiinit.
Masasabi naman ni Tallie na maganda ang plot ng storya at lahat yata ng emosyon ay nandoon sa kuwento. Natatawa na lang siya sa kanyang sarili dahil kahit na bxb ang binabasa niya ay naapektuhan pa rin siya.
Naisip ni Tallie na paano na lang kung mapapanuod ng live action ang "ang init sa magdamag" sa big screen? Baka mabaliw ang mga tao sa sobrang maiinit na eksena ng mga bida at kontra bidang karakter sa kuwento.
"Buong kuwento ang kukunin namin. Siguro ay magdadagdag pa kami ng mga ilang eksena. Sa sinasabi mong mga maiinit na eksena ay syempre hindi all out iyon." ngiting sabi ni Miss Chin.
Nagtatalo nga ang isipan ni Miss Chin kung ang "ang init sa magdamag" ang kukunin nila para ipalabas sa big screen. Bilang ito ay isang malaking come back movie ng V Studio.
Naisip ni Miss Chin na gagamitin nila ang mga hindi magagandang komento at mga bad publicity. Sabi nga all publicity is good publicity. Kailangan lang nilang maging wais.
"Nagulat ako ng sabihin sa akin nila Miss Chin at Miss Peachy, na "ang init sa magdamag" ang gusto nilang unang isapelikula pagkatapos ng "the jail love story". Sinabi ko nga sa kanila kung seryoso ba sila? Nagtawanan lang ang dalawang magagandang dilag na kasama ko ngayon. Masasabi kong isa ito sa mga magagandang mga naisulat ko. At pinanindigan ko talaga ang title na iyon. Tungkol naman sa mainit na eksena ng storya. Ang direktor na ang bahala kung paano nito kukunan ang eksena na iyon." ngising sabi ni Kiel.
Hindi nga makapaghintay si Kiel na mabuhay ang mga karakter niya sa kuwento ng "ang init sa magdamag". Gusto na niyang malaman kung paano magiging diskarte ng magiging direktor ng nasabing pelikula.
"As long as wala kami inaapakan na tao ay matutuloy ang movie project na ito. 'Yun lang." taas kilay pang sinabi iyon ni Peachy.
Nakahanda na si Peachy pati ang V Studio, sa mga hahadlang na matuloy ang movie project na ito. Hindi sila susugod sa giyera kung wala silang hawak na sandata o hindi sila handa?
Nagsipalakpakan ang mga tao sa venue dahil sa mga sagot nila. Nagpasalamat din sa kanila si Tallie Drey, sa pagsagot sa mga tanong nito. At nagpasalamat din sila sa magandang binibini.
"Jusko unang reporter pa lang ang iinit nang tanong. Paano na lang kaya sa mga susunod na reporter. Lalo na nandito pa naman si Tita Rose," ngiting sabi ni Peachy.
Mahina lang ang pagkakasabi ni Peachy. Tanging sila Miss Chin at Kiel lang ang nakarinig sa kanyang mga sinabi.
Pasimple tinignan ni Peachy si Tita Rose na abala sa cellphone nito. Mukhang may kausap ito sa cellphone nito? Naramdaman niyangay kumalabit sa kanyang tagiliran at nakita niyang si Kiel ang kumalabit sa kanya.
"Siguradong hot seat tayong tatlo dyan," ngising sabi ni Kiel.
Ang totoo ay walang pakialam si Kiel kay Tita Rose. Meron nakaagaw ng pansin niya sa mga reporter sa harapan nila. Hinihintay lang niya itong lumapit at magsalita sa harapan ng microphone.
"Ihanda na lang natin ang mga sarili natin sa bagyong Rose," birong sabi ni Miss Chin.
Sobrang saya talaga ni Miss Chin na ngayon pa lang ay successful na ang press con na ginawa nila. Hindi niya magagawa ito kung wala ang tulong ni Peachy. Hindi lang katrabaho ang tingin niya sa magandang dilag na nasa tabi ni Kiel Santos. Kundi isang kaibigan at pamilya.
"Miss Chin, ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Peachy.
Napansin kasi ni Peachy na nangingilid ang luha ni Miss Chin habang nakatingin ito sa direksyon nila Kiel. Kaya agad niya itong tinanong kung ayos lang ba ito? Nasa harapan pa naman sila ng mga press people. Baka lagyan ng kuwento ang pangingilid ng luha ni Miss Chin.
"I'm okey. Sobrang saya ko lang talaga na okey ang out come ng ginagawa natin ngayon," madamdamin na sabi ni Miss Chin.