bc

The Wildest Dream

book_age18+
1.4K
FOLLOW
5.3K
READ
adventure
humorous
icy
ambitious
evil
captain
game player
realistic earth
gay
like
intro-logo
Blurb

Eion Gaelic, gusto niyang sumikat na hindi ginagamit ang apelyido ng kanyang pamilya. Gagawin niya ang lahat para lang sumikat. Makukuha niya ang inaasam niyang kasikatan sa pagpili sa kanya ng V Studio na maging isa sa lead role sa pelikulang "Ang Init Sa Magdamag" isa itong gay movie. HINDI MASARAP ANG ISA O DALAWA. Dapat TATLOHAN. Pasukin natin ang taping ng pelikulang "Ang Init Sa Magdamag". At subaybayan natin ang takbo ng buhay ni Eion Gaelic.

chap-preview
Free preview
Wild 1
Wildest Dream  Wildest 1 "Mga kachikaminute! Tallie Drey, is here! Nandito tayo ngayon sa V Studio, dahil meron silang isang pasabog na announcement. Hindi namin alam pati mga kasamahan ko sa media ay hindi rin nila alam. Kaya lahat kami ay walang alam. Pinapunta kami ng V Studio dahil may press conference nga ang mga ito. Wait lang kami at wait lang kayo. Lahat tayo ay maghintay sa announcement ng V Studio." nagrereport si Tallie Drey. Isa sa mga showbiz reporter at vlogger na naimbitahan ng V Studio.  Nandito si Tallie Drey, ngayon sa  2nd floor ng V Studio, kasama ang kameraman niyang si Danyon Estrada. Isa siya sa mga naimbitahan ng V Studio para dumalo sa isang mahalagang press conference ng mga ito. Hindi niya akalain na marami pala silang mga taga media ang naimbitahan ngayon. Sigurado siyang malaking announcement ang gagawin ng V Studio, dahil marami sa mga kasamahan niya ngayon sa media ang kilala at malalaking tv company ang dumalo ngayon sa press conference.  Kilala ang V Studio, sa mga dekalidad na pelikula. Lahat yata ng mga pelikulang nilalabas ng mga ito ay patok na patok sa mga masang Filipino. Noong 2016 ay may inilabas silang isang napakakontrobersyal na pelikula na kauna-unang gay movie sa Pilipinas. Ang "The Jail Love Story" na pinagbibidahan nila Celix Lee at Herald Dela Rosa. Pati mga bida sa pelikula ay naging kontrobersyal din. Sa kabila na pumalo ito sa takilya ay maraming pa rin nagsulputan na mga issue kina Celix Lee at Herald Dela Rosa, pero ngayon ay masaya na sa kani-kanilang buhay. Si Celix Lee, mas pinili nitong maging model kaysa maging artista. Ngayon ay isa na itong sikat na international model sa ibang bansa. Masyado siyang napamahal sa pagmomodelo at hindi lang siya suwerte sa trabaho kundi pati lovelife nito ay sobrang suwerte dahil napangasawa nito ang isang sikat na direktor na si Direk Jix Yap. Samantalang si Herald Dela Rosa, naman ay masaya na itong naninirahan sa ibang bansa. Kasama nito ang asawa nitong si Jace Lewis.  Pagtakatapos ipalabas ang "the jail love story" ay hindi na ito nasundan. Dahil na rin may mga tumututol noon na ayaw na masundan ang ganun klaseng pelikula. Dahil daw masyadong immoral ang ganun klaseng pelikula. Ngunit kahit maraming bumatikos ay kumita iyon ng milyong-milyong pera pati mga awards ay humakot din ito. Grand slam ang "the jail love story" ng best movie sa lahat ng mga giving body awards tulad na lang ng Famas. Nagresearch talaga si Tallie, sa pelikula na iyon. Makailang beses na niyang pinanuod iyon at umaasa siya na magkakaroon ulit ng ganun pelikula ang V Studio o iba pang mga sikat na tv o movie company.  Naagaw ang atensyon nila Tallie Drey, pati mga kasamahan niya sa media dahil nakita na nila dumating ang kanina pa nila hinihintay. Sila Ms. Chin Ventic, ang big boss ng V Studio. Kasama nito si Ms. Peachy Sy, ang co-owner ng V Studio. Sa wakas ay nakita na niya sa personal si Ms. Peachy, isa itong transgender na dating personal assistant ni Celix Lee. Nakapangasawa ito ng isang mayaman na Filipino - American - Chinese businessman na si Mr. Daniel Sy.  "Salamat sa pagpunta ninyo dito. Magpapakilala muna ako. Ako si Chin Ventic, ang CEO ng V Studio. Kasama ko ngayon ang co-owner ng V Studio na si Ms. Peachy Sy." ngiting sabi ni Ms. Chin. Pinaghandaan talaga nila ni Peachy, ang press conference na ito para sa isang mahalagang announcement na gagawin nila. Natutuwa siya dahil maraming mga press ang nakapunta ngayon sa press conference nila. Sinisigurado niya na top trending sila ngayon sa mga social media sites.  Ngayon pa lang ay ngiting tagumpay na siya.  "Hello! Madlang pipol?! Salamat sa pagpunta ninyo dito. Announcement na muna bago question and answer portion." ngiting sabi ni Peachy. Sobrang saya niya dahil mukhang nakapunta naman lahat ang mga naimbintahan  nilang mga media sa iba't-ibang tv company. Ilang buwan din nila pinaghandaan ang press conference na ito. Sa limang taon na pagtratrabaho ni Peachy, sa V Studio ay nagpapasalamat siya dahil pinagkatiwalaan siya ni Ms. Chin, na maging parte ng V Studio. Marami ng nagbago sa kanya simula nang matapos ang pelikulang "the jail love story" na ang kanyang alaga noon na si Celix Lee, ay isa sa mga bida sa nasabing pelikula. Sobrang laki ng pasasalamat din niya kay Celix, dahil nabigyan siya ng pagkakataon na pumasok sa mundo ng showbiz. Hindi lang siya basta personal assistant. Nagkakaroon din siya ng mga raket bilang paextra-extra sa mga teleserye at pelikulang kasama ang kanyang alagang si Celix. Hindi lang sa labas na kaanyuan ang nagbago sa kanya kundi pati sa mamumuhay niya. Kung noon ay nakatira siya sa isang condo unit kasama si Celix Lee, na alaga niya noon na isa ng international model sa ibang bansa. Ngayon ay nakabili na siya ng isang malaking lupain sa bayan ng Prado at nakapagpatayo siya ng kanyang isang dream house. Kung noon ay nangangarap lang siya maging ganap na babae. Ngayon ay ganap na babae na siya. Kumpleto rekados na siya. Meron na siyang isang dalawang pares na dibdib na tamang-tama lang ang laki na gustong-gusto niyang magkaroon noon. Ayaw niyang masyadong malaki dahil halatang peke ang mga ito. Babaeng-babae na ang kanyang itsura salamat sa pills na araw-araw niyang iniinom hanggang ngayon para maging makinis at pumuti ang kanyang balat. At syempre ang kanyang ari ng p*********i niya ay naging ari na ng babae. Sobrang masakit at mahirap ang pinagdaanan niya para maging ari ng babae ang sa kanya. Ang showbiz ang nagbigay ng daan para makilala niya ang kanyang napakaguwapo at napakayaman na asawang si Daniel Sy. Noong nakaraang taon ay nagpakasal na sila sa Canada at doon na rin sana sila maninirahan ngunit hindi siya pumayag. Kinausap niya ang kanyang asawa na gusto niyang manirahan sa Pilipinas at hindi niya kayang iwanan ang kanyang trabaho. Nagpapasalamat siya dahil wala naman tutol ang kanyang asawa na si Daniel. Maunawain ito at magpagmahal.  "Our big announcement… After five years ay masusundan na ang "the jail love story." ngiting sabi ni Peachy. Nakita agad niya ang pagkagulat at pagkasabik na reaksyon ng mga press na nandito sa venue ng press conference nila. Narinig niya ang mga bulungan ng mga ito. Pinagpatuloy na niya ang sasabihin. "Tama kayo sa inyong narinig. Magkakaroon ulit ng gay movie ang V Studio. Salamat kay Kiel Santos, dahil pumayag itong gawin na naman ang isa nitong sinulat na "ang init sa magdamag". Isa ito sa mga magagandang naisulat niya at nagustuhan namin ni Ms. Chin na gawin itong pelikula." ngiting sabi ni Peachy. Lalo lumakas ang bulungan sa loob ng venue.  "Tahimik na muna po tayong lahat. Iyon ang big announcement namin sa inyo. As of now wala pa kami napipiling mga cast para sa pelikulang "ang init sa magdamag"." ngiting sabi ni Miss Chin.  Meron lumapit na isang lalaki kay Peachy, at meron itong ibinulong sa kanya. Napatango na lang ito at nakangiti itong tumingin kay Miss Chin. Nagpapasalamat naman siya dahil nakuha naman ni Miss Chin, ang nais niyang sabihin. Nakangiti siyang tumayo pati na rin si Miss Chin. Ang mga press naman ay hindi magkaunggaga kunan ng litrato at video ang makisig at guwapong lalaking papalapit sa kinaroroonan nila ni Ms. Chin. Dahil dumating na ang kanina pa nilang hinihintay. Nakipagbeso-beso siya pati na rin si Miss Chin, kay Kiel Santos. Nakangisi itong umupo sa bakanteng upuan sa gitna nila ni Miss Chin.  "VIP lang ang peg mo?" ngiting bulong ni Peachy, kay Kiel. "Sorry naman. Nagbook kasi kami ng asawa ko." ngising sabi ni Kiel. Nakatanggap tuloy siya ng mahinang hampas sa kanyang matipunong braso galing kay Peachy.  "The floor is open sa mga katanungan ninyo." ngiting sabi ni Peachy. Kinuha niya ang isang bote ng mineral water at binuksan niya ito. Kanina pa siya nauuhaw sa kaba at excitement sa press conference na ito. Nakita niya ang isang magandang binibini na pumunta sa stand mic na nasa gitna. Agad niya itong nakilala na si Tallie Drey, isang sikat na vlogger at showbiz report sa isang sikat na tv company. Personal niya itong pinadalhan ng imbitasyon para dumalo ito ngayon sa press conference nila. Natutuwa naman siya dahil nakapunta ito ngayon.  "Hi! Good morning. I'm Tallie Drey, from Hante TV. Oh my god! Marami akong question pero three question lang pala ang puwede. Ang unang katanungan ko ay para sa inyong tatlo. After five year bakit ngayon lang nasundan ang the jail love story?" ngiting sabi ni Tallie Drey. Sinusubukan niya na wag mautal hindi dahil sa kaba kundi dahil sa sobrang saya at pagkasabik na malaman niya na magkakaroon ulit ng gay movie ang V Studio.  "Ako na muna ang sasagot. Alam naman natin na sobrang naging kontrobersiyal ang the jail love story. Aaminin ko sa inyo na natakot akong sundan agad ang pelikula na iyon. Dahil akala namin ay ready na ang mga taong bayan sa ganung pelikula. Pero nagkamali kami kahit na pumalo ito sa takilya at humakot ng mga awards. Maraming pa rin mga nagprotesta na mga religious group laban sa pelikulang naipalabas namin. Sa totoo lang ang dami pa namin sanang gagawin na gay movie after ng the jail love story. Ngunit kailangan namin magpahinga para manahimik ang mga taong nagproprotesta." mahabang salaysay ni Ms. Chin. Ilang araw din niyang iniiyakan ang mga taong nagprotesta sa ginawa nilang pelikula. May mga kaso pa ngang isinampa laban sa V Studio dahil sa pelikula na iyon. Sa kabutihang palad ang mga kaso na iyon laban sa kanila ay nabasura ng korte. "Alam naman natin na sumikat si Celix Lee, na alaga ko noon. Pero kakaibat ng pasikat niya ay meron mga nakadikit sa pangalan niya. Mga masasakit na salita na 'di ko akalain na madidikit sa pangalan ni Celix. Nakikita niyo lang na masaya at nakangiti si Celix, kapag nakaharap ang lente ng kamera noon pero kapag wala ng kamera o media ay umiiyak siya. Sobra siyang naapektuhan sa mga kontrobersyal sa ginawa niyang pelikula. Ngunit hindi siya nagsisi na ginawa niya iyon kundi sobrang nagpapasalamat pa siya dahil sa pelikula na iyon nagbago ang buhay niya at syempre pati ako. Noon nagkaroon siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang silang modelo ay mas pinili na lang niya maging modelo kaysa maging atrista. At syempre alam naman natin na kasal na ito sa asawa niyang si Direk Jix Yap. Samantalang si Herald Dela Rosa at Jace Lewis, ay namumuhay na silang dalawa sa ibang bansa bilang mag-asawa. Sobrang apektado ang relasyon noon nila Herald at Jace. Pero sabi nga nila everything happens for a reason." ngiting sabi ni Peachy. Pati siya ay naapektuhan sa mga issue kay Celix. Sobrang awang-awa siya sa kanyan kaibigan noon. Wala yatang araw na hindi umiiyak si Celix, dahil sa kontrobersyal na kinasangsukatan niya. Buti na lang dumating sa buhay nito si Direk Jix.  "For me ay napaka-ipoktrito ng mga taong nagprotesta at nagdemanda sa amin lalo sa V Studio. C'mon guys ang lilinis niyo naman?! Hahaha!" natatawang sabi ni Kiel Santos. Nagtawanan ang mga tao sa loob ng venue dahil sa sinabi niya. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na ito upang mailabas niya ang gusto niyang sabihin five years ago. Noon ay pinili na lang niya manahimik kahit na gustong-gusto niyang ipagtanggol ang pelikulang isinulat niya.  "Apektado rin ako sa mga kontrobersyal ng pelikula. Full out ang lahat ng mga libro ko sa mga book store dahil immoral daw ang mga ito. Akala ko nga iyon na ang tagumpay ko ngunit iyon pala ang ikakabagsak ko. Ngunit hindi ako nagsisi na pumayag kay Miss Chin, na maging pelikula ang the jail love story. Marami akong natutunan sa nakaraang limang taon, salamat dahil nangyari ang dapat na mangyari. Ngayon na kaharap ninyo ako ay singtatag na ako ng sunshine! Hahaha!" natatawang sabi ni Kiel. Dinaan na lang niya sa biro ang sama ng loob niya sa mga taong nagdemanda at nagpabanned sa mga libro niya noon sa mga book stores. Natrauma siyang magpublished ng bagong libro. Natakot siyang baka mabanned na naman ang mga librong ipupublished niya. Buti na lang talaga dumating sa buhay niya ang pinakamamahal niyang asawa. Tatlong taon ang nakakaraan ay nagpublished ulit siya ng bagong libro na naging best selling novel. Sinuportahan at pinalakas ang loob niya ng kanyang asawang si Jerome Garcia. "Salamat sa inyong tatlo sa pagsagot sa unang katanungan ko. Ang ikalawang katanungan ko naman ay para kay Mr. Kiel Santos. Sa kabila na naging kontrobesyal ng "the jail love story". Ano o paano ka napapayag ng V Studio na isapelikula ang "ang init sa magdamag?" seryosong tanong ni Tallie Drey. Hindi siya makapaniwala na makikita niya sa personal si Mr. Kiel Santos. Sobrang guwapo at makisig pala ito sa personal. Meron itong social media kaso nga lang ang lagi nitong pinopost ay ang mga aklat o bagong mga sinusulat nito. Wala nga itong maayos na picture. Napapaisip siya na siguro ganun talaga ang mga writers nagpapakamisteryoso ang mga ito para mag-isip ang mga readers nila kung ano ang itsura ng mga ito.  "Ang ganda ng katanungan mo. Kasing ganda mo." ngising sabi ni Kiel Santos. Kilala niya si Tallie Drey, isa itong sikat na vlogger at showbiz report. Narinig pa niya nagsitawanan ang mga tao sa loob ng venue.  "Para-paraan lang Kiel." ngiting sabi ni Peachy.  "Maganda naman si Tallie Drey. Anyway sasagutin ko na ang tanong ng magandang binibini na nasa harapan natin ngayon. Sa una hindi ako pumayag. Natakot ako na baka maulit na naman ang nangyari noon. Pero kinausap ako ni Miss Peachy Sy. Sinabi niya na ito na ang tamang panahon para magpalabas ulit ng dekalidad na pelikula." seryosong sagot ni Kiel. Ngumiting tumingin siya kay Peachy.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Anong meron bat nandito ka sa pamamahay ko?" ngising sabi ni Kiel.  Nagpapahinga si Kiel, sa may garden area ng bahay niya. Nagulat na lang siya ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan na familiar ang boses. Iyon pala ay si Peachy Sy, ang napakagandang asawa ni Daniel Sy. Ang personal assistant noon ni Celix Lee, na co-owner ni Miss Chin ngayon nang V Studio.  Malaki na talaga ang pinagbago ni Peachy, babaeng-babae na ito. Isang napakagandang babae.  "Puwede ba Kiel, wag kang masyadong over acting dyan! Lagi naman ako nandito para makipagchikahan sa'yo. Teka wala yata ang butihin mong asawa?" takang tanong ni Peachy. Hindi kasi kasama ngayon ni Kiel, ang asawa nito. Lagi kasi magkadikit ang dalawa na para bang hindi mabubuhay ang isa kung hindi nito kasama ang kapartner nito.  "Wala siya pinalayas ko na!" seryosong sabi ni Kiel, napayuko na lang siya sa kanyang sinabi.  "Oh my god! Naghiwalay na ba kayo? Bakit? Anong nangyari? Last week lang ang saya-saya inyong dalawa? Tell me Kiel! Kiel, tell me! Now na!" gulat na gulat si Peachy, sa sinabi sa kanya ni Kiel. Hindi akalain ni Peachy, na maghihiwalay ang dalawa? Alam naman niyang nagmamahalan sila Kiel at asawa nito. Napakunot noo na lang siya ng marinig niyang tumawa ng malakas si Kiel.  "A-anong nakakatawa?" kunot noo tanong ni Peachy.  "Ikaw ang over acting. Hindi kami naghiwalay ni Jerome, at kailanman ay hindi kami maghihiwalay. Mahal namin ang isa't-isa. Pinalayas ko siya hindi ibig sabihin ay naghiwalay kami kundi inutusan ko siyang maggrocery. Wala na kasi laman ang ref namin. Hahaha!" natatawang sabi ni Kiel. Ang sarap talagang pagtripan si Peachy.  Last week lang ay pumunta sa bahay ni Kiel, ang kanyang kaibigan na si Peachy, at sinabi niyang masama ang pakiramdam niya. Si Peachy, naman ay taranta dahil nakakita ito ng suka sa sahig malapit sa kinauupuan niya. Hindi nito alam na ang aso nila ang sumuka. Nataranta pa ito na gusto siya nitong dalhin siya sa hospital. Simulang matapos ang "the jail love story" ay naging magkaibigan na sila nila Peachy at Celix. Hindi nawala ang komunikasyon nilang tatlo sa isa't-isa.  "Gag* mo talaga Kiel. Anyway wala bang pa miryenda dyan? Gutom na gutom na ako. Ang layo naman kasi ng bahay ninyo ni Jerome. Kasulok-sulukan ng bayan ng Prado kayo nakatira. My god!" maarteng sabi ni Peachy.  Umupo na muna si Peachy, sa isang bakanteng upuan. Infairness naman sa bahay nila Kiel at Jerome, ay sobrang ganda. Simple lang ang bahay ngunit napakaganda ng interior sa loob ng bahay nito. Lalo na dito sa garden area na sobrang preskong-presko ang hangin dahil na rin maraming puno ang nakapalibot sa bahay nito. Sinabi sa kanya ni Kiel, na kailangan niya ng ganitong ambiance para makapagsulat siya ng maayos.  "Kakasabi ko lang 'di ba? Wala kaming pagkain ngayon. Pinag-grocery ko na muna si Jerome." sabi ni Kiel, umupo na siya sa isa pang upuan na katapat ng upuan ni Peachy.  "Ano ba yan!? Tawagin mo nga ang asawa mo na bumili ng pagkain sa Rald's Box Café. Hmm… Classic cheese cake at capuccino ang gusto ko. Thank you!" ngiting sabi ni Peachy. Natawa siya sa reaksyon ni Kiel, na napakunot noo itong nakatingin sa kanya.  "Ginawa mong delivery man ang guwapo kong asawa ah? Sige text ko na lang siya." sabi ni Kiel. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanyang laptop at nagtext siya sa kanyang asawa na si Jerome.  "Bat hindi ka pala sumama sa kanya? Ah? Alam ko na tinatamad ka na naman no?!" ngising sabi ni Peachy. Pasimple niyang sinilip ang screen ng laptop ni Kiel, sa pagkakaalam niya ay may sinusulat itong bagong kuwento.  "Sinagot mo na ang tanong mo sa akin. Tinatamad ako pumunta sa Chavez Mall para maggrocery kaya si Jerome, na lang ang naggrocery. Teka nga lang, bakit ka pala nandito? Wag mong sabihin na makikikain ka na naman ng lunch at dinner sa amin?" nagtataka si Kiel. Kung bakit biglang pumunta dito sa bahay niya si Peachy? Dati rati naman ay tumatawag o nagtetext ito bago ito pumunta sa bahay niya. Ngunit ngayon ay bigla-bigla na lang sumulpot si Peachy.  "Ano tingin mo sa akin patay gutom? Anyway, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nandito ako dahil pinapunta ako ni Ms. Chin." seryosong sabi ni Peachy. Nakita niyang napapailing si Kiel, at tumayo ito sa pagkakaupo nito. Sinara nito ang laptop at bigla na lang itong tumalikod sa kanya. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.3K
bc

NINONG II

read
620.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook