The Wildest Dream Chapter 18 "Alam niyo na siguro ang gagawin niyo mamaya sa interview ninyo kay Tita Rose?" seryosong tanong ni Sir Mickey Pearls. Pinakiusapan talaga ni Mickey ang producer ng talk show ni Tita Rose para magkaroon lang ng guesting ang hinahawakan niyang grupo. Si Mickey Pearls inatasan na bumuo at humawak sa isang all male group ng GTV5. Dancing and singing ang forte ng nasabing grupo. Siya rin ang naglalakad para magkaroon ng mga tv guest sa iba't-ibang show ng GTV at sa labas ng station. Ngayon ay nasa harapan na ni Mickey Pearls ang limang miyembro ng GTV5. Maipagmamalaki niyang hinding-hindi basta-basta ang bawat miyembro ng GTV5. Napatingin siya kay Hale na leader ng grupo na forte nito ay ang pagkanta. Siya lagi ang pinagsasabihan niya na magbantay at mag-a

