The Wildest Dream Chapter 9 "Wag kang mahiya Jake. Feel at home," ngiting sabi ni Kiel. Nandito sila sa bahay at naisipan nilang isama itong guwapo at inosenteng binatang si Jake Bamba. Pagkatapos ng press con at lunch ay nagpaalam na sila kina Peachy at Miss Chin. Para hindi halata ay kinausap niya nila si Jake na mauna na sa labas at napag-alaman nila na may kotse ito. Sinabihan na lang nila na sumunod ito sa kotse nila. At ngayon ay kasama na nila si Jake sa bahay nila. "Salamat sa pag-imbita ninyo sa akin dito sa bahay ninyo," ngiting sabi ni Jake Sa una ay ayaw pang sumama ni Jake dahil nahihiya ito. Pero 'di nagtagal ay pumayag na itong sumama. Akala nga niya naliligaw na siya dahil parang gubat ang pinasukan nila kanina. Namangha siya sa ganda ng bahay nila Kiel at Jerome.

