The Wildest Dream Chapter 24 "Nagbabalik ang chika mo na!" masiglang sabi ni Tita Rose. Tapos na ang 20 minutes commercial at saktong-sakto lang ang pagdating nila Lane at Eion galing sa comfort room. "Alam kong kating-kati na rin kayo malaman ang mga sagot sa mga katanungan ko sa bawat miyembro ng GTV5. Unahin natin si Hale, ang leader ng grupo," ngiting sabi ni Tita Rose. Bago pa man bumalik ang live show ay kinausap na ni Tita Rose ang bawat miyembro ng GTV5 tungkol sa mga tanong niya. Sinabihan niya ito na maging natural sa mga sagot sa mga katanungan niya. Hindi na niya nakausap sila Lane at Eion dahil huli na dumating ang mga dalawa. May naamoy si Tita Rose na malansa sa dalawang guwapo at makikisig na binatang si Eion at Lane. Hindi na bago sa kanya ang mga ganun bagay. L

