The Wildest Dream Chapter 29 "Lane, alam kong hindi lang ako ang may gustong magtanong nito. Single ba si Lane?" masayang tanong ni Tita Rose. Muli na naman nagsigawan at naghiyawan sa kilig ang mga fans ng ELane. Napatawa na lang ang mga ito ng muli silang binawalan ni Tita Rose na tumahimik ang mga ito. Naka-focus sa guwapong mukha ni Lane ang lente ng kamera. Inaabangan ng live studio audience ang isasagot nito. Hanggang sa itinapat na ni Lane ang microphone na hawak nito sa bibig nito. "Taken na ako Tita Rose," ngiting tugon ni Lane. Parang pinagsakluban ang mga fans ng ELane dahil nalaman na nila ang tunay na estado ng puso ni Lane. Hindi nila inaasahan at inaakala na taken na pala ang idol nilang si Lane. Para silang sinasak sa puso dahil naawa sila para kay Eion. Kitang-k

