Chapter 2

960 Words
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Ynah! “Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yung hungarian sausage na inorder ko! Pag gising ko ngayong umaga, hindi man lang iyon nagalaw!” Puno ng panunumbat ang kanyang tinig. Biglang namilog ang aking mga mata. Hungarian sausage? Ibig sabihin.. “Sandali! Ang sausage na sinasabi mo ay– pagkain?” May pag aalinlangan kong tanong. “Malamang! Ano ba ang sausage?” Pagtataray niya. “May iba ka pa bang kahulugan sa “sausage?”” Biglang bumalik sa akin ang nangyari. Hindi ako makapaniwala, na nabobo ako sa ibig sabihin niya. Hindi man lang ako nakaisip magtanong kagabi, kung ang ibig sabihin ba ng sausage, ay pagkain o lalaki. “Eunice! Bobo ka talaga!” Pinalo palo ko ang aking ulo sa labis na inis, “Anong kalokohan ang ginawa mo!” “Eunice, anong sinasabi mo??” Nakalimutan ko na nasa kabilang linya pa pala si Ynah, “nasaan ka ba?” Bigla kong inihilig ang aking ulo. Mabuti naman at nag iisa lang ako sa silid. Nagmamadali akong bumangon, at pinulot ang aking mga damit, saka nag umpisa akong magbihis. “Eunice! Para kang t*nga! Nasaan ka ba?” Malakas ang tinig ni Ynah, halatang naiinis na siya. “Wait lang, hintayin mo ako diyan!” Sagot ko sa kanya. Yung lalaking iyon kagabi, ibinalibag ako ng todo, kaya para tuloy akong baldado. Hindi ko na isinuot ang aking sapatos, at nagmamadali akong lumabas ng silid na iyon. Nagpalinga linga muna ako sa paligid. Kahit masakit ang buo kong katawan, lalo na ang aking mga binti, hindi ako maaaring manatili doon, baka bumalik pa ang lalaking iyon. Nang masigurado kong walang tao, agad na akong tumakbo patungo sa silid na room 839. Inis na inis ako dahil sa maliit na pagkakamali ko, navirg*nized tuloy ako! SAMANTALA.. Sa mga oras na iyon, hindi ko alam, na nagkasalisi pala kami ng lalaking naka one night stand ko kagabi. May hawak si Lander na isang paper bag ng mga bagong damit at panloob na pambabae para kay Eunice. Napakasaya niya. Hindi niya inakalang ang babaeng matagal na niyang pinapangarap ay maaangkin na niya. Akala niya noon, hanggang panaginip na lang sila. Na talagang papakasalan nito ang scumbag na si Limuel. Ngunit heto.. nakuha niya si Eunice ng buo.. Ang hindi niya maintindihan, bakit kahit paghalik, hindi man lang marunong ang babae. Hindi kaya.. ayaw nitong ipagalaw ang katawan sa boyfriend nito dahil hindi pa ito sigurado sa nararamdaman para kay Limuel? Napailing siya, saka napangiti. Wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kanya ngayon, nabinyagan na niya si Eunice. Ngunit pagdating niya sa kanyang silid, wala na iyong laman. Magulo pa rin ang kama, nagkalat pa ang mga unan, subalit wala na ang babae doon. Umasa siyang nasa banyo lang ito, kaya doon niya ito unang hinanap, subalit wala rin. Hindi siya makapaniwala. Umalis ang babae na hindi man lang sila nagkakausap. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Sana pala, hindi siya umalis. Sana, hinintay niya itong magising. Habang sinisisi ang kanyang sarili, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino iyon. Si Lionel, ang kanyang assistant. Ini-on niya iyon. “Hello?” “Sir, nakaready na po ang lahat, ang flight niyo po ay sa loob ng dalawang oras.” Bigla niyang naalala ang kanyang meeting conference sa New Zealand. Dalawang buwan siya doon. Maraming maaaring mangyari sa loob ng dalawang buwan. Paano na si Eunice? “Sir?” “Cancel it!” “Pero sir.. hindi ito pwedeng i-cancel. Mga investors ng oil at gas ang mga nasa conference. Masisira tayo sa kanila kapag nagcancel kayo.” Huminga ng malalim si Lander, “may possibility ba na mapaaga ang balik ko??” “Opo sir, depende po sa mapapagkasunduan doon.” “Sige, sunduin mo na ako sa hotel.” “SAAN ka ba nanggaling at nmaga ka na, yun pala, narito ka pa sa hotel?” Tanong ni Ynah sa akin, habang inihahain ang masarap na hungarian sausage. Mas malaki ang “sausage” na nakita ko kagabi. Parang kasing laki na iyon ng aking bisig. Hindi ko mapigilang mapangiti. Agad iyong napansin ni Ynah. “Hoy! Bruha ka, anong ginawa mo kagabi?” Tanong niya sa akin. Agad niya akong nilapitan at naupo sa kabilang silya, “ano? May nangyari no?” “Wala, ano ka ba!” Saway ko sa kanya, “may naalala lang ako..” Kinuha ko ang tasa ng kape, saka ako humigop. “Nakipag s*x ka kagabi no?” Naibuga ko ang kape na nasa aking bibig. Nasamid ako, saka inihit ng ubo. “Oh, ano ka ba! Dahan dahan ka nga!” Agad siyang tumayo at hinagod ang aking likod, “binibiro ka lang eh.. pero.. totoo ba?” “Hindi no! Alam mo namang mataas ang paninindigan ko pagdating sa moralidad.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Sinungaling!” Sabi niya sa akin, “namamawis ang ilong mo oh. Ganyan ka, kapag nagsisinungaling ka! Sino yung lalaki?” Hindi na ako nagulat. Sa tagal na naming magkaibigan ni Ynah, pati amoy ng utot ko, kilala niya. “Hi–hindi ko alam.. hindi ko siya kilala.” Hindi na lang ako nagkaila. Kasi, hindi rin naman niya ako titigilan. Nanlaki ang kanyang mga mata, saka hinila niya ng bahagya ang aking buhok, “pucha ka! Gag* ka ba? Paano kung mabuntis ka?” Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bigla akong kinabahan. Hindi ko agad iyon naisip. Paano nga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD