CHAPTER 40: Knowing him better “K-kayo na lang po Manang, please. Ako na po dyan,” sabi ko kay Manang habang siya ay naghihiwa ng karne. “M-magagalit na naman 'yon, dalhin mo na iyan doon.” Napailing na lang ako at umupo sa upuan. Ayoko! Hanggang ngayon feeling ko nakalapat pa rin ang labi ni Stephen sa akin. Ramdam ko naman na nag-iinit ang aking pisngi. Literal na pinukpok ko ang aking ulo, kanina pa ako ganito. Nakakainis naman kasi bakit ang malas ko kanina. “May sugat ka kaya hindi ka maayos makakahiwa ng mga karne na 'to, dalhin mo na 'yan do'n sa kaniya. Wala ka naman ginawa, kanina ka pa nakatulala lang d'yan," reklamo niya. Tumayo na lang ako at kinuha ang ibibigay kay Stephen. Paano ka ba ito dadalhin sa kaniya. Sabi niya ayaw niya akong makita at pumasok sa kuwarto n

