Chapter 02

3249 Words
The incident happens. Habang nag-re-ready na akong matulog ay biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa lamesa. Kinuha ko ito at tiningnan, takang sinagot dahil hindi naman tumatawag ng ganitong oras si Shan at pasado alas dyes na ng gabi, unless my importanteng sasabihin. "Hello? Gabi na ah. Ba't napa-tawag ka?] [Uhm.. yes hello?] Tiningnan ko ulit ang number kung sino talaga iyong tumawag. Number nga ni Shan, pero bakit 'di familiar 'yong boses? "Sino 'to? Number 'to ni Shan 'di ba?" [Ah yes po ma'am. Number nga po ito ni Sir Shan. Kayo na lang po ang tinawagan ko since kayo po ang nasa unahan ng contacts po ni Sir.] "Oh.. o–kay. So.. ba't po nasa inyo 'yong cellphone niya? Or sim?" [Ah kasi po.. galing po ako ng Dagupan police station. And.. pwede ko po bang maitanong kung ka-ano ano niyo po si Sir Shan?] "Fiancee niya po ako. Bakit po?" "Ah.. kasi po.. na-aksidente po 'yong fiancee niyo. And dinala na po siya sa Region 1. Nabangga po kasi 'yong sinasakyan niya ng 16 wheeler truck sa Calasiao habang bumabyahe po patungong San Carlos City.] Na-aksidente? Iyon lang ang salitang na-stock sa isip ko pagkatapos mag-salita no'ng tumawag sa akin. [Hello po ma'am? Nandiyan pa po ba kayo?] "P-paano? Bakit siya nabangga? Ano bang nangyare? Bakit gano'n?" Aligaga kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-hahalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko at hindi ko na alam ang gagawin. [Ganito na lang po ma'am. Kung gusto niyo po ay pumunta na lang po kayo rito sa Region 1 para po malaman niyo po kung ano po 'yong mga nangyari.] "S-sige." Mayroon na akong nararamdaman na kung anong dumadaloy sa pisngi ko. [Sige po. At kung pwede rin po sana ay pakitawagan na rin po 'yong ibang relatives ni Sir... Ayos lang po ba 'yon sa inyo?] "A-ah.. s-sige po. A-ako n-na pong bahala." [Sige po ma'am. Ibaba ko na po.] Hindi na ako sumagot pagkatapos no'n at hindi na rin hinintay na ibaba nung kausap ko 'yong tawag dahil inunahan ko na. Aligaga akong kumilos na para bang nasa isang palaro. Alalang alala ako at patuloy lang sa pagkabog ang aking dibdib ng napakalakas at napaka-bilis. Kinuka ko ang susi ng aking sasakyan at lumabas. Ini-start ko na ang kotse at nag-drive papuntang Region 1. Wala na akong maramdaman. Namamanhid na ako. Sobrang sakit ng puso ko at nadadamay na ang buong katawan ko. Malayo-layo pa ang Region 1 pero wala na ring gaanong sasakyan dahil malalim na ang gabi kaya sa palagay ko ay hindi ako matatagalan. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. 5 minutes pa lang akong nag-da-drive ngunit nasa Calasiao na ako. Habang nag-da-drive ay sinubukan kong tawagan ang number ni Tita Shane, ang mama ni Shan. Ilang beses lang itong nag-ring at sa ika-apat na beses ay sa wakas nasagot na ito. [Hello?] "Tita..." Saad ko habang humihikbi. [Oh Cai. May problema ba? Teka lang... Umiiyak ka ba?] "Tita. Si... si Shan po..." [Bakit? May ginawa ba siya sa 'yo? 'Di ba pinuntahan ka niya diyan? Ano... Anong ginawa niya?] "Tita si S-Shan po... na-aksidente..." Pagkatapos 'kong sabihin iyon ay humagulgol na ako ngunit patuloy pa rin ako sa pag-da-drive. Wala na akong pakialam kung mabangga rin ako, at least kasama ko si Shan. [Ha? Anong sinasabi mo? 'Di ba papunta siya sa 'yo? 'Di ba?] "H-hindi po siya nakarating. Nasa region 1 po siya ngayon. Na... Na-aksidente raw po siya sa Calasiao. Na-nabangga d-daw po siya n-ng 16 wheeler–" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil humagulgol na ako. Inihinto ko rin muna ang sasakyan sa gilid ng daan dahil hindi ko na kaya. Ngayon ko lang din napansin na naka-satin night dress pa rin pala ako. Pati tsinelas ko ay pam-bahay pa. [Hello?! Cai! Caitali! Ano ba?!] Rinig na rinig ko pa rin ang sigaw ni Tita Shane sa cellphone kahit pa nahulog ko ito sa shotgun. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya kung hindi ko rin alam ang buong pangyayari at hindi ko rin alam kung totoo pa rin ba o nananaginip lang ba ako. Rinig ko pa rin ang pag-sigaw at pag-tatanong ni Tita sa cellphone ngunit hindi ko ito mahawakan. Ilang segundo lang din ang lumipas at narinig kong pinatay na rin ni Tita ang tawag. Kumalma muna ako ng kaunti bago nag-drive ulit papuntang Region 1. Walang kalahating oras ay narating ko na rin ito dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Bumaba agad ako ng sasakyan at tumakbo sa loob ng hospital at nagtungo sa counter. "Miss, meron po ba ditong naka-admit na lalaki na nabangga raw ng truck sa Calasiao?" Nagulat pa iyong nurse na pinagtanungan ko dahil bigla-bigla na lang akong sumulpot. "A-ah opo... Nasa emergency room po siya ma'am. Diretsuhin niyo lang po 'yan." Turo niya papuntang E. R. "Sige. Salamat." Pagkasabi ko no'n ay tumakbo agad ako sa itinuro ng nurse. Pinasok ko agad ang loob at nagulat na lang ang mga doctor at nurse na naroon. "Ma'am bawal po kayo dito. Sa labas po muna kayo." Saad ng isang nurse na malapit sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil napako na ang mga mata ko sa isang lalaking walang malay, duguan at mayroong napakaraming sugat. Si Shan. "Ma'am please po, sa labas po muna kayo." Narinig kong inis na sabi ng nurse sa akin. Nanatili lamang akong nakatayo roon at nakatitig kay Shan. Wala akong maramdaman. Siya lang ang nakikita ko. Wala akong makitang tao o anumang bagay sa paligid. Siya lang. Pero hindi ito ang inaasahan kong pagkikita ko sa kaniya ng ganito. Sa kasal namin. Sa kasal namin ako nakatitig ng ganito sa kaniya. Habang naglalakad ako sa aisle, habang ang mga kamag-anak, kaibigan at bisita namin ay nanonood sa aming dalawa, habang ako ay kaniyang hinihintay sa harap ng pari. Ngunit ito ang hindi ko minsang naisip na mangyayari. Ganito pala... ganito ko pala siya titingnan... sa sitwasyong ako ang nanonood sa kaniya. Biglang bumukas ulit ang pinto ng emergency room at napuno ng sigawan at iyakan ang E.R. "Shan!" Rinig na rinig kong sigaw ni Tita Shane. Naroon lang ako at diretstong nakatayo habang nakatitig pa rin kay Shan. "Ma'am, sir, please lumabas po muna kayo. Nakaka-abala na po kayo rito." Inip na sabi ng nurse. Hinawakan na ako ng dalawang nurse upang mailabas sa emergency room. Hindi na rin ako nagmatigas pa dahil wala na rin akong lakas para gawin iyon. Doon ko na lang din nakita sina Tita Shane at Tito Lucas na pinapatahan ito. Naroon rin si ate Shanelle na umiiyak. "Sir, ma'am lumabas po muna kayo. Please lang po." Pakiusap nang nurse na umaalalay sa akin kina Tito. "Shane halika na. Shanelle tulungan mo kong ilabas ang mama mo." Bagaman umiiyak rin si Tito Lucas ay pinipili niya pa ring tumahan para sa asawa at anak niya. Hindi na rin naman nagmatigas si Tita Shane at lumabas na rin ng emergency room. Naupo muna ako sa waiting chairs ng hospital. Pinipilit na ipasok sa isip ko kung ano ang nangyari. Naupo rin si Tita Shane at ate Shanelle. "Remi." Lumingon ako kay Tito Lucas nang tawagin niya ako. "Anong nangyari?" Tanong niya. Nakatitig lang ako sa kaniya ng ilang segundo. "H-Hindi ko po alam." Sagot ko. Hindi ko naman talaga alam ang totoo at buong pangyayari. Naka-base lang ako doon sa sinabi no'ng police kanina na tumawag sa akin. Speaking of police ay may biglang sumulpot sa harapan namin na babaeng police. "Excuse me po." Tawag pansin niya sa amin. Lumingon naman kaming lahat sa kaniya. "Ah... kayo po ba ang family ni Mr. Shan Lewis Vergara?" Tanong niya. "O-opo, kami nga. Bakit? Anong nangyari?" Sagot at tanong naman ni ate Shanelle. Nakikinig na lamang ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko na kayang magsalita pa. "Ah... Ito po 'yong mga gamit ni Sir." Sabay bigay niya noong mga gamit ni Shan kay ate Shanelle. "Habang binabaybay niya po kasi 'yong Calasiao ay nabangga po siya ng isang 16 wheeler truck." Pagkatapos sabihin iyon ng police ay humagulgol si Tita Shane. "Nawalan daw po ng preno 'yong truck kaya po bumangga sa sasakyan ni Sir." Patuloy niyang pag-e-explain sa amin. "Gano'n ba? E asan na 'yong driver ng truck na sinasabi niyo?" Tanong ni ate Shane. "Nasa police station na po. Hindi na rin po siya tumakas dahil dinala rin po siya dito." Tumango naman si Ate Shanelle. "Gusto niyo pa po bang kasuhan 'yong driver?" Tanong n'ong police sa amin. "'Wag muna ngayon miss. Kayo munang bahala sa kaniya." Sagot ni ate Shanelle. "Sige po. Mauuna na po ako." Paalam niya. Tumango naman siya sa aming lahat at nginitian ko rin naman siya kahit konti. Bumalik sa pagkaka-upo si ate Shanelle at nagsimulang mag-isip. "Alam mo... kasalanan mo 'to Cai e." Nabigla ako sa sinabi ni ate Shanelle. Lumingon ako sa kaniya, napalingon na rin si Tito at Tita sa kaniya. "Ate..." Iyon lang ang nasabi ko. Bakit? Bakit ako ang sinisisi niya? "Shanelle." Suway ni Tito Lucas. "Kung hindi dahil sa 'yo, hindi maa-aksidente 'yong kapatid ko." Mahinahon ngunit may bahid ng inis niyang pagkakasabi. "Kung hindi ka sana niya pinuntahan, edi sana... sana hindi siya na-aksidente." "Shanelle, ano bang sinasabi mo!" Patuloy na suway ni Tito sa kaniya. Hindi naman kumikibo si Tita Shane. "Totoo naman dad 'di ba? Mom?" Tumayo siya at lumingon kila Tito at Tita. "Ba't kasi pumunta-punta pa siya sa 'yo, ha? Edi sana hindi siya na-aksidente." Galit na sabi niya. Simula no'ng naging kaming dalawa ni Shan ay botong-boto na sa amin ang family niya at family ko, even si ate Shanelle. Ni wala kaming naging alitan no'ng hindi pa nangyayari ito kay Shan. Pero bakit ako? Bakit ako iyong sinisisi niya? Bakit ako 'yong may kasalanan? Hindi ako naka-sagot sa kaniya. Sa halip ay napatulala na lang ako. "Shanelle! Hindi niya kasalanan! Walang may kasalanan!" Galit na sabi ni Tito Lucas. Napatingin naman ako sa kaniya. "Si Shan ang nag-insist na pumunta sa kaniya 'di ba?" Tumingin siya kay ate Shanelle. "Hindi nga niya alam na pupunta doon 'yang kapatid mo, ang paliwanag niya sa atin ay isu-surprise niya raw si Remi!" Napatingin naman sa akin si Tito Lucas. So... 'yon pala. Sinisisi ako ni ate Shanelle dahil ako 'yong pupuntahan sana ni Shan pero na-aksidente siya habang papunta sa akin. "At tsaka... kung si Remi man ang nag-papunta doon kay Shan, sa tingin mo ba ay magugustuhan niya 'to? Magugustuhan niya bang mapahamak ang boyfriend niya?" Dagdag pa ni Tito Lucas. Hindi na naka-sagot si ate Shanelle pagkatapos no'n. Bumalik na lang siya ulit sa pag-kakaupo. Ilang minuto rin kaming natahimik pagkatapos suwayin ni Tito Lucas si ate Shanelle. "Remi." Tawag sa akin ni Tito at napalingon naman ako. "P-po?" Paos kong tanong. "Umuwi ka muna at mag-palit. Baka lamigin ka dito at mag-pahinga ka rin muna." Sabi niya. "P-pero... hindi pa po nagigising si Shan..." Sabi ko habang tumutulo ang luha. Ngumiti naman siya sa akin. "Sige na... umuwi ka muna. Kami na munang bahala rito. Balitaan ka na lang namin kung anong mga mangyayari... sige na..." Mahinahon niyang pagkakasabi. Gusto ko man munang manatili rito sa hospital kaso nilalamig na 'ko dahil sa suot ko. "S-sige po..." Sagot ko ngunit napipilitan lang. Sumang-ayon na ako dahil baka mas magalit pa si ate Shanelle. Lumabas na ako at dumiretso sa kotse. Sinimulan ko na ang mag-drive pa-uwi. Malayo pa ito dahil babalik pa ako sa San Carlos. Habang nag-da-drive ay unti-unti ring tumutulo ang luha ko. Sobrang dami kong alinlangan. Five months na lang kasal na namin. Ano nang mangyayari? Nakarating na rin ako ng bahay after ng ilang minutes. Hindi ko alam kung paano ako nakababa at kung paano dumiretso sa kwarto ko. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama at nakatitig sa kawalan. Wala akong maramdaman. Manhid na ako. Ilang oras akong nasa ganoong sitwasyon at nakatulog na rin. Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko sa binti ko. Nasisinagan na ito ng araw na tumatama sa salamin ng bintana. Agad akong bumangon at tiningnan ang cellphone ko. Nakita kong nag-text si Tito Lucas, sinabing wala pa raw malay hanggang ngayon si Shan. Kinumusta niya na rin ako. Agad akong bumangon upang maligo at mag-bihis. Pagkatapos ko ay nag-dala ako ng mga damit at gamit ko dahil plano kong mag-bantay kay Shan. Hindi na rin ako kumain at dumiretso na sa Region 1. Habang nag-da-drive ako ay tumawag sa akin si Samy. [Cai! Nabalitaan ko 'yong nangyari kay Shan...] Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang siyang magsalita. [A-ano? Okay ka lang ba?] "Hindi." Bulong ko. [Puntahan kita diyan, ha.] "'Wag na. Okay lang. May trabaho ka pa." [Parang tanga 'to! Basta hintayin mo 'ko diyan mamaya o bukas. Sasabihan ko na rin si Luha.] "Sure ka ba?" Tanong ko. [Oo. 'Wag kang mag-papakamatay, ha? Kailangan ka pa nang fiancee mo.] Ngumiti ako sa sinabi niya. "S-sige." [Sige na.] Siya na ang nag-baba ng tawag pagkatapos no'n. Binilisan ko na ang pagpapatakbo hanggang makarating ako ng hospital. Pagkarating ko ay na-abutan kong naroon pa silang tatlo. Inilipat na rin si Shan sa private room na siyang kinaroroonan ko ngayon. "Remi. Ayos ka lang ba? Mugtong-mugto 'yang mga mata mo." Nag-aalalang tanong sa akin ni Tito Lucas. Ngumiti naman ako nang kaunti. "Ah.. opo. Kayo po? 'Di na po ba kayo umuwi?" Tanong ko pabalik. "Hindi. Buong gabi kaming narito." Hindi tumingin sa akin si ate Shanelle at Tita Shane. Naiintindihan ko si Tita Shane dahil hawak-hawak niya ngayon ang kamay ni Shan, tumigil na rin siya sa pag-iyak. "Gano'n po ba? Kung gusto niyo po ako na po muna ang mag-babantay dito, para po makapag-pahinga rin po kayo." Suggest ko. "Pwede ba? Okay lang ba sa 'yo?" Nag-aalalangang tanong ni Tito. "Opo, okay lang po. Para naman makapag-pahinga ho kayo." Lumingon ako kay ate Shanelle. "Lalo na po si Tita Shane." Balik kong tingin kay Tito. "Sige iha. Mag-iingat ka dito. Tawagan mo kami 'pag may problema, ha?" "Opo." Ngumiti ako. "Shanelle, alalayan mo ang mama mo." Baling ni Tito Lucas kay ate Shanelle. Napa-buntong hininga na lang si ate Shanelle at inalalayan na si Tita Shane. Ngunit bago pa man sila maka-labas ay may sinabi muna sa akin si ate. "Pasensya na ha? 'Di ko na napigilan 'yong emotions ko kagabi." Napalingon naman ako sa kaniya. "O-okay lang po ate... naiintindihan kita." Ngumiti siya, "mag-usap nalang tayo mamaya," saad niya na sinang-ayunan ko naman. Pag-kaalis nila ay ipinatong ko na sa lamesa ang mga gamit na dala ko at inayos ito. Nag-dala na rin ako ng mga prutas at kape para sa akin. Pagkatapos 'kong ayusin ang mga iyon ay umupo ako sa katabing upuan ng higaan ni Shan. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya sa noo. Naka-dextrose at naka-oxygen pa ito, marami ring tahi at bandage ang katawan niya. Nang ma-obserbahan ko siya ay uminit na naman ang mga mata ko. Nararamdaman kong may nagbabadyang tumulo rito. "Shan... sorry ha... Alam mo... tama naman si ate Shanelle e. Kung hindi mo sana ako pinuntahan edi sana wala ka rito ngayon... sana magkikita tayo ngayon, 'di ba? Nang may malay ka." Umiiyak na sabi ko. Habang umiiyak ako ay may biglang pumasok na nurse dito sa kwarto ni Shan. "Ah... Good morning po." Bati niya sabay ngiti ng napaka-awkward. Dahil siguro nakita niya akong umiiyak. "Dinala ko lang po 'tong IV fluids ni Sir, ma'am." Dagdag na sabi niya. "Sige, thank you." Nilapag niya muna ito roon sa mesa. Lalabas na sana siya ng bigla ko siyang tinawag. "Sandali, miss..." Lumingon naman siya. "Ano pong nangyari kay Shan... I mean, wala po kasi ako rito no'ng nilipat si Shan dito... kaya gusto ko pong malaman kung anong findings or nangyari sa kaniya?" "Ah... ang sabi po ni Doc. Wilson ay lubha raw pong natamaan sa ulo, which is may possibilities raw pong tumakbo sa amnesia." Paliwanag niya. Nagulat ako sa sinabi niya. "Amnesia?" Tanong ko ulit. "Opo... pero possibilities lang naman daw po 'yon." "Gano'n ba? Sige salamat." Ngumiti siya pagkatapos 'kong sabihin iyon. Dumating na ang hapon at nagulat na lang ako dahil biglang nandito sina Samy at Tearney. Kinumusta nila ako at tinanong kung ano daw ba ang mga nangyari. Kinuwento ko naman sa kanila dahil hindi naman sila malayo sa akin at kay Shan. Dumating na rin sina Tito Lucas, Tita Shane at ate Shanelle. At katulad nga nang sinabi ni ate Shanelle kanina ay nag-usap kami. Humingi siya ng tawad sa akin at sinabing nabigla lang daw siya sa mga sinabi niya kagabi. Naka-uwi na rin muna sina Samy at Tear. Sinabi pa nila na parang si Shan pa raw ang gumawa ng plano nilang umuwi dahil hindi sila matuloy-tuloy rito. Lumipas ang tatlong araw at hindi pa rin nagigising si Shan. Ngunit habang nagbabalat ako ng tangerine ay bigla akong nagulat dahil nagising na rin si Shan. "Shan!" Pag-sigaw na tawag ko at tsaka tumakbo upang yakapin siya. "Shan..." Umiiyak na tawag ko habang hinahaplos ang kaniyang mukha. "Shan... a-ano? Ayos ka lang ba? Sandali tatawag ako ng doctor. Pagkasabi ko no'n ay tumawag agad ako ng doctor at nurse. Tinawagan ko na rin agad sina Tito at Tita. Habang chini-check ng doctor si Shan ay napapansin kong parang naguguluhan siya sa nangyayari. Sinimulan siyang tanungin ng doctor ngunit hindi siya kumikibo. Lumapit ako sa kaniya. "Shan... okay ka lang ba?" Mahinahon kong tanong. "Sino ka? Asan si mama? Ba't niyakap mo 'ko kanina? Si mama?" Dire-diretso niyang tanong. Nakita kong nag-tinginan iyong nurse at doctor na kaninang nagtatanong kay Shan. "Si Tita? Parating na. Niyakap kita kasi masaya 'kong nagising ka na." Hindi ko na nasagot 'yong una niyang tanong dahil kinukutuban na ako. "Uh miss... kailangan na muna namin siyang i-test para makasigurado muna." Sabi sa akin nung doctor. Sinimulan na nilang tanungin ng kung anu-anong mga bagay na related sa nararamdaman niya at sa mga childhood memories niya. Saktong pag-kaalis nung doctor at nurse ay dumating na rin sina Tito. Tinanong siya ng mga ito at sumasagot naman ng maayos. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik iyong doctor at nurse. "Good afternoon po." Bati no'ng doctor. Lumingon naman kaming lahat sa kaniya. "Uh... We have a good and bad news po about sa situation ni Shan..." "Ano po 'yon?" Tanong naman ni Tita Shane. "Good news po ba muna or bad?" Nag-aalalangang tanong niya ulit. "Good news po muna..." "Okay. 'Yong good news po ay nasa mabuti na pong kalagayan ang anak niyo in terms of physical health. After po ng one to two days ay pwede na rin po siyang ilabas." Tuwang-tuwa naman kami dahil sa narinig namin. "E yung bad news po?" Tanong ko. Napabuntong hininga ang doctor. "The patient has an amnesia..." Napatigil kaming lahat sa pag-ngiti namin. "He has a retrograde amnesia which is he lose his existing and previously made memories... at base po sa mga sagot sa tanong namin sa kaniya kanina ay ang na-aalala niyang memories lamang ay noong bago siya mag-college... this means na lahat ng memories simula nang maging college student siya hanggang ngayon ay limot niya..." Nabigla ako sa sinabi nang doctor. So it means... hindi niya na ako na-aalala? ************************************ Iyon ang unang araw. Ang unang araw na ako'y limot na niya. Ang unang araw kung saan ako magpapa-kahirap upang ibalik ang kaniyang ala-ala. Ang ala-ala naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD