Chapter 01- Our unforgettable start

3108 Words
Our unforgettable start. "Hoy Caitali Remi Sandoval! Gumising ka na dyan!" Nagising ako dahil sa ingay na narinig 'ko mula sa baba. Ang aga-aga, ang ingay-ingay! Kinusot 'ko ang aking mga magagandang mata at humikab nang napaka-ganda. Aba syempre 'no! Sandoval kaya 'to! Lahat ng tungkol sa akin ay maganda. Tama na muna 'yan dahil kailangan 'ko nang bumangon at may pasok pa 'ko. Iniligpit 'ko ang aking higaan at dumiretso sa banyo upang maligo at mag-sepilyo. Pagkatapos n'on ay nag-bihis na ako ng uniform 'kong pang-engineering at bumaba sa baba. Syempre, saan ka ba dapat na bababa? 'Di ba sa baba! Alangan namang bumaba sa taas. Hehe. Hayaan niyo nalang ako, gan'to talaga 'ko e. "Oh, buti naman at gumising ka pa! Akala 'ko e aabsent ka sa klase mo! 'Kala mo kung sinong señorita e!" Bulyaw ng childhood best friend 'kong si Samy. Samy ang tawag 'ko sa kaniya since Samira Amy naman ang full name niya. "Magluto ka na nga lang diyan! Dami mo pang satsat e! Tsaka ako na nagluto kahapon no!" Pambabara 'ko sa kaniya. "Anyenye!" Dinilaan pa 'ko. "Aray! Buwisit ka!" Binato niya 'ko ng basahan! Oo. Alam kong hindi masakit 'yon! OA ako e! Pake niyo ba! "Anong oras klase mo?" Tanong ni Samy the great. "9. Ikaw?" "8:30" "K." Kumain nalang kami pagkatapos naming magbangayan. Araw-araw ganito. Since childhood best friends naman kami ay sobrang komportable kami sa isa't-isa. Kahit pa sabihan namin ang isa't-isa ng mga masasakit na salita, pero dapat alam mo 'yong limitations sa mga sasabihin mo. Pagkatapos naming kumain ay ako nalang ang nag-hugas ng mga ginamit namin. Nakakahiya kasi e! Oo! May hiya naman ako no! Kahit pa kaibigan 'ko 'to! Pagkatapos 'kong hugasan 'yong mga pinggan at mga ginamit na panluto ay sakto ring bumaba si Samy the great na kompletong bihis na. "'Lika na!" Sigaw ni Samy. "Wait lang! Atat?" "Tagal mo!" Reklamo niya habang inip na naghihintay. "Ha? Ha ha ha!" Pang-aasar 'ko sa kaniya. Kinuha niya iyong nakita niyang basahan sa lamesa at tsaka ibinato sa akin. Basahan na naman! Aba! 'Di ako magpapatalo 'no! Kinuha 'ko rin 'yong kutsara at nilagay sa lagayan. Ayokong patulan 'to! Short-tempered masyado! "Kanina ka pa bato nang bato ha!" "Kanyinya kah pah vhato nang vhato ha!" Ni-mock face pa 'ko! Nag-irapan kaming dalawa. "Oh, 'lika na!" Ako na nag-aya. Sumakay na kami ng jeep para makatipid naman. May discount ka rin kasi e 'pag studyante ka. Alam niyo na, kuripot. Nakarating na rin kami ng university after 15 minutes. Nag-hiwalay na rin kami ni Samy the great dahil sa hindi pagwowork ng relationship namin. Wala na kasi kaming oras sa isa't-isa e. Accounting siya, engineering ako. Nagkakaintindihan naman kami pero wala talaga kaming time sa isa't-isa. Char. Nag-hiwalay kami ng way na lalakaran papunta sa mga building namin. Pagpasok ko nang room namin ay walang nagbago. Ikaw pa rin ang gusto ko. Boom panes! Ayon, maingay pa rin. Since maaga pa naman. "Cai! Pakopya naman ng assignment!" Haaaayy!!! Kakarating ko pa lang 'di ba?! Yawa naman! "Oh ayan!" Bigay 'ko ng assignment 'ko kay Luha. Tearney Adrielle, luha for short. Kaibigan ko rin 'yan. "Salamat!" Sigaw niya. Nakilala 'ko 'yan noong first day namin namin dito sa university. Siya iyong una at nagiisa 'kong best friend dito. "I-correct mo na rin ha?!" Sigaw ko. "Surebol miss!" Matalino 'yan. 'Di nga lang gumagawa ng assignment, laging gumagaya sa 'kin tapos kino-correct na rin. 'Di naman ako bobo, 'di rin matalino, sakto lang para sa 'yo. "Oh tapos na." Binalik na ni Luha 'yong assignment ko. Sakto rin namang pumasok 'yong prof namin. Pagkatapos ng mahabang bakbakan ay dumating na rin ang pinakahihintay 'kong LUNCH!!!!!!!!!! "Asan si Sam?" Tanong ni Tearney, nasa cafeteria na kami ngayon. "May klase pa daw." Tumango naman siya. Magkakakilala si Samy at Tear since kaibigan nila 'ko. Sa totoo lang, Ang sarap sa pakiramdam 'pag ikaw 'yong naging way para mag-dikit or maayos or mag-kalapit 'yong dalawa o higit pang bagay, 'no? Share ko lang. "Ang cuuute!" Biglang sambit ni Luha habang kumakain kami. Tumingin naman ako doon sa tinitingnan niya. "Anong cute diyan?" Inirapan ko 'yong bata. Cute daw 'yong bata. Sus! Mas cute pa 'ko diyan. Wala pa 'yan sa kalingkingan ng ka-cute-an ko e! "Lahat ng tungkol sa kaniya cute!" "Eww! Yuck! Sip sip naman!" Sabay irap 'ko. "Hala! Grabe 'to!" Sa totoo lang ayaw na ayaw 'ko sa mga bata. Like.. mga sip sip, pa-cute, pa-bebe, maingay at higit sa lahat attention seeker! "Ba't ka ba ganiyan? Wala namang ginagawa sa 'yo 'yang mga 'yan e!" Sermon ni Luha. "Wala. Wala silang ginagawa, ang papanget lang nila." "Coming from you." "Talagang coming from me! Maswerte nga sila e dahil napapansin ko sila. 'Yong iba nga humihingi pa ng attention sa 'kin." Umirap ako. "Aray!" Tinulak pa ulo ko! "Wow ha! Wow! Wow lang! Wow lang talaga!" Sarcastic na sabi ni Luha. Ayaw 'ko sa mga bata. Hindi naman to the point na ibabalibag 'ko na lang sila without valid reason ah. Basta gustong-gusto ko silang makitang umiiyak. Mwehehe. Tinuloy na lang namin 'yong pagkain namin at pumunta na sa next class namin which is physics. Grrrrrafssnhshababab!!!!!!! After one and a half hour ay natapos na rin. "Ubos na braincells ko!!!" Reklamo ko habang naglalakad kami ni Luha, naka-cling ako sa braso niya. "Meron ka nun?" "Aba!" I scoffed. "Kakaubos lang." Tumawa lang siya. "Punta muna tayo ng mall. Bibili lang ako ng school supplies ko." Sabi ko kay Luha. "Ge." Nakarating na kami rito sa palagi 'kong pinupuntahan na mall para bumili ng mga kailangan ko. Ang mahal kita. Hindi namin kasama si Samy dahil meron pa daw siyang klase. Mas nauna akong pumasok sa university namin. Noong una, 'di pa pinayagan ng mga magulang ni Samy si Samy. Pero nung narinig na rin naman nila iyong feedback ko ay pinayagan na rin nila. "Oh, ano 'yang binili mo?" Tanong ko kay Luha. "Albums! Ano pa ba?" Akalain mong inuna pa 'yang K-pop niya imbes na 'yong mga kakailanganin niya sa pag-aaral. "Tanga ka ba?" "Medj. Why?" "Inuna mo pa talaga yan ah!" "Yes! Dapat lang! Feeling ko nga e nakakasagabal na 'yang pag-aaral ko sa kaka-SEVENTEEN ko e!" "Mm.. tanga! 'Lika na nga!" Pagkatapos naming mamili at magbangayan ay pumunta na kami sa bilihan ng mga street foods. Every week kaming kumakain ng mga 'yon. "Cai, bili lang ako ng betamax ha." Pagpapaalam ni Luha. Tumango naman ako. 'Di ako kumakain ng betamax or anything na may dugo. Habang kumakain ako ay may nahagip ang aking mga magagandang mata. Isang napaka-gwapong binata na talaga namang sakto para sa akin. OMG! Add to heart! Architecture student ata! Lakas makahatak e! Anong gagawin ko!!!!!!!!! Kailangan niya 'kong mapansin huhuhu! Tatambling ba 'ko sa harapan niya? No. Masyadong mahirap. 'Di ko nga alam kung paano mag-split e. Yakapin ko na ba agad? No. Masyadong aggressive. E kiss? Charot! Bahala na nga! Baka 'di ko na rin makita 'to e. Napabuntong hininga na lang ako matapos kung isipin Ang mga iyon. Bumili na lang ako ng samalamig para sa aming dalawa ni Luha. "Tagal mo!" Reklamo ko kay Luha. "Nakabili na ko't lahat lahat, 'di ka pa rin bumabalik!" "Chill lang! Eto naman! May kausap lang ako doon kanina." "Sino?" Sabay taas ng isa kong kilay. "Admirer ko." "Eh?! Meron ka nun?" "Tanga! Joke lang! Ka-blockmate natin, si Kyla!" Tumango naman ako. "Tsaka meron ako nun 'no! Tearney kaya 'to! Pangalan pa lang mapapaiyak ka na!" "'Di wow! Share mo lang." Pang-iirap ko sa kaniya. "Aray! Put– batok ka nang batok ha!" "Ha? Hakdog! 'Lika na nga! Baka hinahanap na ko ni mama." "22 years old ka na, 4th year ka na, hinahanap ka pa ng mama mo?" "Yes! Ganyan ako ka-mahal ng nanay ko!" "Sige uwi ka na. Babalikan ko pa si Samy." "Mm.." "Text ka ha 'pag nakauwi ka na." "Okie." After nun bumalik ako sa university para hintayin si Samy. Ti-next niya kasi ako na hintayin ko daw siya. Arte arte! Kainis! Gusto ko na ngang umuwi e, baka nakatagos na 'ko! Nakabalik na 'ko sa university at pumunta sa building nina Samira. "Oh hello! Asan ka na?!" Tanong ko sa cellphone. [Pababa na ko. Wait lang.] "O sige. Bilisan mo. Ibababa ko na." 'Di ko na pinagpasalita pa si Samy at binaba ko na agad ang cellphone. "Miss." "Miss." "Miss." Nilingon ko iyong nagsasalita sa likuran ko. "May tagos ka." Ako? Nilingon ko iyong likuran ng palda ko at meron nga! Ako nga! "Eto muna oh. Kanina pa kita tinatawag e marami nang nakatingin sa 'yo." Iniabot niya iyong jacket niya na sa tingin ko ay mamahalin. Omg! Siya yung– siya yung gwapo kanina doon sa bilihan ng mga street foods. Amfufu!!! Nakakahiya! Tinanggap ko iyong iniabot niyang jacket at agad na itinali sa bewang ko. "Thank you." Weh? Talaga ba Caitali? 'Di bagay sa 'yo maging mahiyain. "You're welcome. Sige una na 'ko." "Wait lang po! Paano ko po 'to ibabalik?" Nahihiyang tanong ko. "Sa 'yo na 'yan." Nakangiting sagot niya. OMG!! ANG GWAPOOOOOOO!!!! GRJWHSJ!!!!!! "Ah– hindi po. Ibabalik ko po 'to. Nakakahiya naman po." "Ahh.. sige ganito na lang. Since sabado naman bukas, magkita na lang tayo doon sa coffee shop, doon sa harap ng univ. Pwede ba sa 'yo 'yon? Mga 10 AM?" Ang pogi niya!!! "Ah.. s-sige. Ok lang. Sige po, bukas na lang po. Salamat po talaga ha." Ngumiti siya ng pagka-gwapong-gwapo. AAAAAHHHHHHHH!!!!!! "Sige." Nakita ko pang iniinis ng mga barkada niya iyong lalaking pogi. Oh my gdjjsbbwiwhsn!!!!!!!! Lord ang bait mo naman po masyado sa 'kin, hehe. Matagal pa naman po birthday ko ah? Pero thank you po talaga, OMG!!!!! "Hoy!" Nilingon ko iyong nagsalita sa gilid. Si Samy the great pala. "Sino 'yon?" Chismosa ka gurl? "'Yong lalaki kanina?" "Oo." "Love of my life." "Seryoso ako. Tsaka ano ba 'yang style mo? 2013 pa ba? Ang baduy! Naka palda tapos jacket?" Turo niya sa suot ko. "Hoy! Tumagos ako kaya ganito. Tsaka si love of my life may ari nito, pinahiram niya 'ko!" Sabay irap ko. "Sa totoo lang, kasalanan mo 'to e! Ba't ba kasi pinapunta mo pa 'ko dito?! 'Yan tuloy napahiya pa 'ko dun." "Mas mag-pasalamat ka sa 'kin!" Nilingon ko siya habang naka-cross arms. "Kung hindi dahil sa 'kin, 'di mo makikita 'yun, 'yang sinasabi mong love of your life, eme." Oh tama nga siya. "Well.. tama naman. May point ka naman." Sabay tango ko. "Thank you ah? Salamat." "Welcome." "Oh.. ba't mo ba 'ko pinapunta dito?" Tanong ko habang naglalakad kami. "Uuwi ako sa 'min." "Ba't mo nga ako pinapunta pa dito e pwede mo namang i-text o i-tawag sa 'kin?" Inis na tanong ko. "Wala. Boring 'pag walang kasama." Lubid, kalma. Inhale. Exha– "Putangina ka talaga Samira!" Sabay tulak ko sa kaniya. "HAHAHAHA!" Tangina naiinis ako! Gusto kong manakit! Yawa!!!!!!!!!!!!!!!!!! "Ikaw maglilinis ng condo, putangina ka!" Sigaw ko habang hinahabol siya. "Mama mo! HAHAHA!" Nakarating na kami ng condo. Tumigil na rin ako sa kaka-sigaw at kaka-mura ko dahil masyadong pinaganda ni love of my life ang hapon ko para lang mainis sa putang inang Samirang 'yon. "Linisin mo 'tong buong condo ha!" Sigaw ko kay Samy. "Ha? Anshinashave mo?! 'Di ki– AHH!!" Binato ko siya ng kutsilyo. Naiiyak na ko sa inis!!!!!! "Oo na! HAHAHA! Tangina! Buti 'di tumama!" Dumiretso na ako sa kwarto ko at pumunta sa banyo para mag-bihis at palitan ang aking mahiwagang napkin. "Ang lagkit lagkit ko!" Pagkatapos noon ay nagpahinga ako ng kaunti at bumaba upang mag-luto. Nasa taas si Samy, nagbibihis. Pagkatapos kong mag-luto ay tinawag 'ko na siya upang sabay na kaming kumain. At syempre.. 'di pa rin kami tumigil sa bangayan namin. Si Samy na rin ang nag-hugas nung mga ginamit namin. Nauna na rin akong natulog dahil ang sakit ng puson ko. Woman thing! Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ano pa nga ba.. excited akong makita si love of my life. 'Di joke lang. Ihahatid ko pa kasi sa bus terminal yung Samy na yun e. Bumaba muna ako at ako na rin ang nagluto, dinamihan ko na yung chicken curry na niluto ko para makapag-baon si Samy at maipa-salubong niya kila Tita Daphney at Tito Ady. After kong mag-luto ay pumunta na ako sa room ni Samira. Pero syempre, kilala niyo naman ako, kinuha ko 'yong takip ng kaserola at kaldero. Ha ha ha ha! Matitikman mo ngayon Samira ang hinagpis ng isang apiiiiii! *Ting* *Ting* *Ting* "Buwisit!!!!!!" Sigaw niya at ibinato sa akin 'yung alarm clock niya. Ang sakit. Tinamaan ako Sa 'yo. Tinamaan ako sa braso. Kingina. "Lubid!!! Itatali talaga kita mamaya. Tangina mo!" Sigaw niya habang bumabangon. Tawa naman ako ng tawa. Ang panget niya! Panget na nga siya mas pumangit pa! HA HA HA HA! After kong gisingin or more on asarin si Samy ay naligo na ako. Nag-pantalon na lang ako at long sleeves, syempre nag-paganda ng kaunti para naman disenteng tingnan. After kong maligo at mag-bihis ay pumunta na 'ko sa baba. "Hoy! Ba't mo inuunahan 'yan?! Walang hiya 'to!" "Para kang tanga! 'Di ko naman kakainin lahat 'yan e!" 'Di ako naka-sagot. Tama kasi siya e. OA po talaga ako. After ulit naming mag-bangayan ay kumain na kami. Si Samira na rin ang nag-hugas ng mga pinggan. Nilagay ko na rin sa bag niya 'yong binaon ko para sa kanya at kina Tito at Tita. Pumunta na kami sa bus terminal para maka-alis na si Samira. "Oh. Mag-ingat ka doon ha. Alam mo namang wala na tayong pera Kaya doon ka na lang muna mag-aral ha." Hinaplos haplos ko pa Ang kaniyang mga magagandang buhok. "Opo nay. Sige po una na po ako. Mag-iingat rin po kayo ha?" Pag-sakay niya sa ka-eng-eng-an ko. "Mm.. sige na at baka maiwan ka pa ng bus." "Sige po. Paalam po nay." Nginitian ko Naman siya. Paalis na ang bus bago namin tinawanan ang isa't-isa. "Tanga!" Sigaw ko. Nag-middle finger naman siya sa akin. Nang maka-alis na 'yong bus ay dumiretso na ako sa coffee shop na pag-kikitaan namin ni loml. OMG!!!!! Makikita ko siya ulit!!!! Syempre nag-re touch muna ako 'no. At binuhos ko na rin yung pabango ko. Pagkapasok ko ay hinanap ko agad si loml. "Miss!" Lumingon ako doon sa sumigaw. OMG! Ang pogi! Amfufu! Sino pa ba edi si loml! Kumaway pa siya sabay ngumiti. Lumabas naman ang dimples niya. Dagdag pogi points 'yan! Syempre ginantihan ko rin ng ngiti 'no! "Kanina ka pa po ba dito? Sorry ah? May hinatid pa po kasi ako e." Amfufu! Nahihiya ako! "Ah.. no, it's ok. And 'wag mo na rin akong i- 'po', hindi naman magkalayo age nating dalawa." Ay English. Pwede 'to. Ma-a-out wit ako. Ganiyan mga tipo ko. "Ah.. okay. Uhm.. pa'no mo nalaman?" Tanong ko "Ang alin?" "Yung about dun sa age." "Ah.. nakita ko sa id mo kahapon. 4th year Engineering student. Magaling ka pala sa math?" "'Di naman. Sakto lang." Sabi ko. "Para sa 'yo." Bulong ko. "Huh? Ano 'yon? Sorry 'di ko narinig." "Wala sabi ko, 'di pa pala tayo mag-kakilala." "Ah.. oo nga. Ehem. I'm Shan Lewis Vergara, 5th year architecture student. 23 years old. Single and ready to mingle." Pagpapakilala niya. Ay taray. Single! Big chance 'to! Iniabot niya iyong kamay niya para makipag-shake hands. Syempre tinanggap ko 'no! "Uhm.. I'm Caitali Remi Sandoval, 22 years old. 4th year Engineering student. Single also." Binitawan na rin namin ang kamay ng isa't-isa. Ewan ko ba kung bakit nasama 'yang single single na 'yan. Siguro gusto ako neto. Assuming ako. "Ah.. oo nga pala. Eto pala yung jacket mo." Inabot ko sa kaniya iyong paper bag, nandoon yung jacket niya. "Nilabahan ko na rin 'yan, 'wag kang mag-alala." "Baka may amoy pa ha?" Gulat akong napatingin sa kaniya. "Uy di-nowny ko pa 'yan. Binuhusan ko na rin 'yan ng pabango." Ang prangka naman neto! Tumawa naman siya. Eh? "Joke lang. Ang bango bango nga e!" Ba't ang gwapo niya?! "Oh by the way.. kumain ka na ba?" "Huh?" Luh pa-fall? "I mean.. hindi pa." Syempre joke lang 'yon. Nag-chicken curry na 'ko e. Palusot lang yun bb, gusto pa kitang maka-sama hanggang sa pagtanda. "Sige order muna 'ko. Miss!" Tawag Niya doon sa nag-se-serve. "Yes po sir. Oorder na po ba kayo?" Tanong ni ate. "Ah yes po." Bumaling siya sa akin at nagtanong. "Anong gusto mo?" Heh? Geshte ke? Ikew. Ikew eng geshte ke henggeng she pegtende. Hehe. "Ah.. ice americano na lang at chocolate cake." "'Yon po miss and isang hot americano." "Sige po. Wait niyo lang po sir, ma'am." Ngumiti 'yong si ate. "Sige po, thank you po." "Thank you po." Pagpapasalamat namin ni Shan my loves kay ate. Ang awkward. 'Di ko alam i-to-topic! 'Di naman ako sociable e! Buti na lang at mabilis si ate. "Here's your order ma'am and sir. Enjoy!" Nagpasalamat kaming dalawa ni bb Shan kay ate. Ang awkward ulit! Walang nagsasalita sa amin! Nakakahiya! Ba't ba umorder pa 'ko ng cake? "Uhm.. may pupuntahan ka pa ba after nitong meeting natin?" Biglang tanong niya. Sa puso mo koya~ "Wala naman na. Didiretso na 'ko ng condo." Sagot ko naman. "Ganun ba? Uhm.. ihatid na lang kita." Wews. "Huh? Naku 'wag na. Ayos lang. Baka maka-abala pa 'ko." "No. Hindi ka abala. I mean wala naman na akong gagawin or pupuntahan e." "S-sige." Tahimik na ulit kaming dalawa after n'on. Binilisan ko nang kumain dahil nakakahiya. After nun ay si Shan na ang nag-aya na umuwi. Sa shotgun niya 'ko pinaupo. Hehe. Sit like a girl Caitali. Kailangan mong magpa-good shot. Itinuro ko na rin 'yong way papunta sa condo namin ni Samy. After a few minutes ay nakarating rin kami. "Ah.. sige dito na lang Shan. Salamat ulit ah. Tsaka pasensya na doon sa jacket mo." "Wala 'yon." "Ah.. sige. Pasok na ko ah. Salamat uli." Nahihiya ako. Amfufu! "'Di mo ba man lang ako yayayaing papasukin sa loob?" "Huh? Ah oo nga. Sige pasok ka." Tumawa na naman siya. "Joke lang. Sige na pasok ka na." "S-sige." Bago ko maisara ang pintuan ng condo ay bigla niya 'kong tinawag. "Caitali." "Hmmm... "Pwede ko bang makuha number mo?" Huh? OMG! Eeeeeee!!! "S-sige." Bigay ko nang cellphone ko. O M G ! ! ! Binalik niya na rin after niyang makuha. "Sige una na 'ko ha?" "S-sige.. ingat." Ngumiti naman siya at nagsimula ng mag-lakad. "See you on Monday!" Pahabol niyang sigaw. ************************************ Iyon ang aming umpisa. Ang umpisa naming dalawa. Ang umpisang hindi na mababalikan. Ang umpisang ako na lang ang nakaka-alala. Ang umpisang limot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD