NANG magkamalay si Sofia, nakagapos ang kanyang mga kamay sa itaas ng isang kinakalawang na tubo sa loob ng isang abandonadong bunker.
Ang kanyang mga paa ay bahagyang nakasayad sa malamig na semento. Sa harap niya, nakatali si Jax sa isang silya—puno ng pasa, duguan, at halos hindi na maidilat ang mga mata.
Isang lalaking may hawak na kutsilyo ang lumakad paikot kay Jax.
"Stop it! Ako na lang! Ako ang may hawak ng intel!" pagsusumamo ni Sofia, ang boses niya ay basag na sa takot.
Hindi siya pinansin ng mga kalaban. Sa halip, isang malakas na suntok sa sikmura ang ibinigay nila kay Jax.
Ang tunog ng laman na tumatama sa buto ay umalingawngaw sa buong kwarto.
Napayuko si Jax, humihingal ng dugo, pero tumingin pa rin siya kay Sofia.
"Don't... tell them... anything, Sofia," hirap na sabi ni Jax. Kahit sa gitna ng paghihirap, ang kanyang mga mata ay nananatiling matigas.
"Matapang ang Captain niyo," sabi ng pinuno ng mga rebelde sa kanilang dialekto bago itinusok ang dulo ng kutsilyo sa balikat ni Jax, sa mismong sugat na nakuha nito sa pagbagsak.
Isang mahaba at masakit na ungol ang pinakawalan ni Jax. Bawat sigaw niya ay tila kutsilyong humahati sa puso ni Sofia.
"Please, stop! Jax, I’m sorry! I’m so sorry!" humahagulgol na sabi ni Sofia. Pilit niyang pinuputol ang kanyang gapos, ang kanyang mga pulso ay nagkakasugat na sa tindi ng pagkakahila. "Huwag siya! Please!"
Lumapit ang pinuno kay Sofia at hinawakan ang kanyang panga nang mahigpit.
"Gusto mo bang tumigil kami? Give us the decryption codes for your satellite comms."
"Sofia, no..." umiling si Jax, ang kanyang boses ay isang bulong na lang. "Duty... first... remember?"
Tumingin si Sofia kay Jax—ang lalakeng buong buhay niyang kinalaban, ang lalakeng nagligtas sa kanya mula sa kamatayan sa langit, at ang lalakeng mahal niya pala sa kabila ng lahat.
Ang makita itong unti-unting pinapatay sa harap niya ay isang uri ng impiyernong hindi niya napaghandaan.
Itinapat ng kalaban ang baril sa sentido ni Jax. "Three seconds, Captain Galvez. One... Two..."
"Wait!" sigaw ni Sofia.
"Wait! I'll give it to you!" sigaw ni Sofia, ang kanyang dibdib ay mabilis na tumataas-baba. "The decryption code is 7-Delta-Alpha-9-1... please, just stop."
Napatigil ang lider ng mga rebelde. Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa mukha nito.
Agad nitong sinenyasan ang isa sa kanyang mga tauhan na i-input ang code sa isang nakaw na terminal.Sa gitna ng tensyon, nagtama ang mga mata nina Sofia at Jax.
Kitang-kita ni Sofia ang pait at lungkot sa mga mata ni Jax.
Akala ni Jax, sumuko na ang babaeng tinitingala niya. Pero sa loob-loob ni Sofia, binibilang niya ang bawat segundo.
Alam niyang may tatlong minutong "lock-out" ang system kapag mali ang code—isang window para makahanap siya ng paraan.
Pero hindi siya pinalad.
"Invalid code," malamig na sabi ng rebelde sa terminal. "The system is locked for 180 seconds."
Ang ngiti sa mukha ng lider ay napalitan ng puro at madilim na galit. Lumingon ito kay Sofia.
"You think this is a game, Captain?"
"Sofia, why..." mahinang bulong ni Jax, pero bago pa niya matapos ang sasabihin, isang malakas na sampal ang nagpalingon sa ulo ni Sofia.
"Matalino ka sana, pero mas matalino ang galit ko," angil ng lider.
Hinawakan niya ang buhok ni Sofia at marahas na hinila ang ulo nito paatras.
Kumuha siya ng isang bakal na rod mula sa apoy ng isang maliit na burner sa sulok. "Since you like playing with time, let's see how much pain you can endure in three minutes."
Itinapat ng lider ang mainit na bakal sa binti ni Sofia.
Isang nakapapangilabot na sigaw ang lumabas sa bibig ni Sofia nang madikit ang nagbabagang metal sa kanyang balat.
Ang amoy ng nasusunog na laman ay pumuno sa silid.
"STOP! AKO NA LANG! PUTANGINA NIYO, AKO NA LANG!" sigaw ni Jax.
Nagwawala siya sa kanyang upuan, ang mga ugat sa kanyang leeg ay tila puputok na.
Ang makita ang babaeng lihim niyang minamahal na sinasaktan at pinahihirapan ay mas masakit pa sa anumang balang tumama sa kanya.
"No... J-Jaxon... don't look..." hirap na sabi ni Sofia, habang ang pawis at luha ay humahalo sa dugo sa kanyang mukha.
Hindi tumigil ang mga kalaban. Sinipa nila ang sikmura ni Sofia habang nakagapos pa rin ito, dahilan para mawalan siya ng hininga.
Pagkatapos, ang lider ay kumuha ng isang basong tubig na may asin at ibinuhos ito sa mga sugat ni Sofia.
"AGGGHHH!" Napapikit si Sofia, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa shock.
"Speak! The real code!" sigaw ng lider, habang itinatapat naman ang bakal sa kanyang kabilang binti.
Sa gitna ng matinding sakit, napansin ni Sofia ang isang bagay.
Dahil sa pagwawala ni Jax, ang kinakalawang na silyang kinauupuan nito ay bahagyang umurong malapit sa isang matalim na piraso ng metal mula sa bumagsak na bahagi ng bunker.
"Jax... the metal..." bulong ni Sofia sa gitna ng kanyang pag-ungol.
Ginamit niya ang sariling hiyaw ng sakit para itago ang kanyang mensahe. "Cut... the ropes..."
Naintindihan ni Jax. Habang binubuhos ng mga kalaban ang atensyon sa pagpapahirap kay Sofia, dahan-dahang ikiniskis ni Jax ang kanyang mga gapos sa matalim na metal sa likuran niya.
Bawat kiskis ay katumbas ng bawat sigaw ni Sofia.