Chapter 5

686 Words
MATAPOS ang huling hagupit at ang hapdi ng mainit na bakal, tuluyan nang bumigay ang katawan ni Sofia. Ang kanyang huling narinig ay ang basag na boses ni Jax na tinatawag ang kanyang pangalan bago lumubog ang lahat sa kadiliman. Binalibag ng mga rebelde ang walang malay na katawan ni Sofia sa isang madilim at mabahong selda sa ilalim ng bunker. Sumunod na itinapon si Jax sa tabi niya, sugatan at puno ng pagsisisi. Narinig nila ang marahas na pag-lock ng bakal na pinto at ang papalayong mga yabag ng mga guwardiya. Katahimikan. Tanging ang mahinang paghinga ni Sofia ang pumupuno sa selda. Nakahiga si Jax sa malamig na semento, pilit na gumagapang palapit kay Sofia kahit bawat galaw niya ay tila may sumasabog na bomba sa kanyang katawan. Nang maabot niya ito, dahan-dahan niyang ipinatong ang ulo ni Sofia sa kanyang hita. "Sofia... please, wake up," bulong ni Jax. Ang kanyang mga luha ay pumatak sa pisngi ni Sofia, humahalo sa tuyong dugo at alikabok. Wala siyang nagawa. Isang elite soldier, isang Captain, pero pinanood lang niyang pahirapan ang babaeng tanging nakapagpapatibok ng puso niya nang higit sa tungkulin. Ang galit sa loob niya ay hindi na lang para sa mga kalaban—galit siya sa sarili niya. "I'm sorry," hagulgol niya, ang kanyang noo ay idinikit sa noo ni Sofia. "I should have protected you. Kahit anong mangyari, Sofia, hindi kita iiwan dito. Hinding-hindi." Sa gitna ng kadiliman ng selda, naramdaman ni Julian ang bahagyang paggalaw ng mga daliri ni Sofia. Hindi ito nagkamalay, pero tila hinahanap ng kamay nito ang kamay ni Jax. Mahigpit niya itong hinawakan, ang kanilang mga daliri ay naglock sa gitna ng hapdi at dusa. Doon sila nanatili—dalawang sundalong sawi, nakakulong sa kuko ng kalaban, pero mas malapit sa isa’t isa kaysa noong malaya pa sila. Alam ni Jax na bukas, babalik ang mga kalaban. Alam niyang mas matinding paghihirap pa ang darating. Pero habang hawak niya ang kamay ni Sofia, may isang bagay na nabuo sa loob niya: Pure, cold determination. Kung mamatay man sila sa lugar na ito, sisiguraduhin niyang magkasama silang lalaban hanggang sa huling hininga. Habang ang katawan ni Sofia ay nananatiling walang kibo sa loob ng madilim na selda, ang isipan ni Jax ay bumalik sa isang panahong walang bakas ng dugo o pulbura—sa mga pader ng Philippine Military Academy. Ito ang unang araw ng kanilang Reception, kung saan ang lahat ay pawis, pagod, at halos hindi na makilala dahil sa pare-parehong gupit at uniporme. Pero sa gitna ng sigawan ng mga upperclassmen, nakita niya ito. Sofia was standing at attention, her chin high, her eyes staring straight ahead with a fire that no amount of push-ups could extinguish. Kahit na nababalot ng alikabok at pawis, Jaxon felt a strange pull. Doon niya unang nasilayan ang "kakaibang ganda" ni Sofia—hindi ito ang ganda na nakikita sa mga beauty pageant. Ito ay ang ganda ng isang babaeng handang makipagsabayan sa kahit sinong lalaki. “Anong tinitingin-tingin mo, Cadet Alcaraz?!” sigaw ng isang tactical officer noon sa kanya. Hindi makasagot si Jaxon. Paano niya sasabihin na sa loob ng ilang segundo, nakalimutan niya ang hirap dahil sa babaeng nasa kabilang hilera? Naalala rin niya ang unang beses silang nag-sparring sa combat training. Sofia didn't hold back. Sinuntok siya nito sa panga nang walang pag-aalinlangan. Nang mapabagsak siya ni Sofia, ngumiti ito sa kanya—isang mapang-asar pero nakakaakit na ngiti. "Bagal mo, Alcaraz," sabi nito noon. Iyon ang simula ng lahat. Ang rivalry na naging motivation niya para maging mas mabuting sundalo, pero sa likod ng lahat ng iyon, ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi na siya tumingin sa ibang babae. Sa loob ng PMA, si Sofia Galvez ang nagsilbing araw niya—masilaw, mainit, pero laging tinitingala. Nabalik si Jax sa kasalukuyan nang maramdaman niya ang bahagyang panginginig ng kamay ni Sofia sa loob ng selda. "Sofia..." bulong niya, hinahaplos ang maruming buhok ng dalaga. "Sabi mo mabagal ako, 'di ba? Gising na... asarin mo na ulit ako. H'wag mo lang akong iwan dito nang ganito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD