CRACK. SNAP. THUD.
Ang huling narinig ni Sofia ay ang pagkabali ng mga sanga at ang ungol ng sakit ni Jaxon bago sila tuluyang bumagsak sa madilim at masukal na bahagi ng gubat.
Katahimikan. Tanging ang pag-indayog ng punit-punit na parachute sa itaas ng puno ang maririnig.
"Jaxon.." Sofia whispered, her voice trembling. She was on top of him, cushioned by his tactical vest and body.
"Jax, gising... please, don't do this to me."
Jaxon groaned, his eyes fluttering open. May dugo sa gilid ng labi niya, pero nagawa pa rin niyang ngumiti nang bahagya. "Kikiligin na ba ako.. sa pag aalala mo?"
Pero bago pa sila makahinga nang maluwag, narinig nila ang mga boses mula sa malayo. Mga boses na hindi Tagalog o English.
The enemy patrol.
Naging mabilis ang reflexes ni Sofia kahit pa nangangatog ang kanyang tuhod.
Agad niyang tinanggal ang mga straps ng kanilang parachute at pilit na itinayo si Jaxon.
"Kaya mo ba?" bulong ni Sofia, ang kanyang mga mata ay alertong nagmamasid sa paligid.
"Kailangan," maikling sagot ni Jax, kahit bakas ang sakit sa bawat galaw niya.
Hawak-hawak niya ang kanyang tagiliran na tila may bali o malalim na sugat mula sa pagbagsak.
Dala ang kanilang mga armas, pilit silang naglakad palayo sa crash site habang naririnig ang kaluskos ng mga kalaban na ilang metro lang ang layo.
Sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa tulong ng night vision goggles, nakakita si Sofia ng isang makitid na siwang sa gilid ng isang mabato at matarik na bahagi ng bundok.
Isang maliit na kweba na natatabunan ng makakapal na baging.
Pumasok sila sa loob. Ang kweba ay malamig, amoy lupa, at sapat lang para sa dalawang tao.
"Dito muna tayo," hingal na sabi ni Sofia.
Inalalayan niya si Jax na maupo sa malamig na sahig ng kweba.
Mabilis na kumuha si Sofia ng mga sanga at baging para harangan ang entrada ng kweba, sinisigurong walang kahit anong liwanag o bakas na makikita mula sa labas.
Pagkatapos, nilingon niya si Jax na ngayon ay nakasandal na sa pader, maputla at hirap huminga.
"I need to check your wound," Sofia said, her voice soft but authoritative. "Alcaraz, tingnan ko."
"It's just a scratch, Galvez. Focus on the perimeter," pagmamatigas pa rin ni Jax, pero halatang pinagpapawisan siya ng malapot.
"Shut up. I'm the lead on this insertion, remember?" Sofia snapped, but her hands were trembling as she unclipped his tactical vest.
Nang mahubad ang vest, tumambad ang isang mahabang sugat sa tagiliran ni Jax na dulot ng isang matulis na sanga.
Basang-basa ng dugo ang kanyang fatigue shirt. Sa loob ng maliit at madilim na kwebang iyon, ang distansya nila ay naglaho.
Sofia had to sit between his legs just to reach the wound, her chest almost touching his.
"Sofia..." Jax whispered, his voice cracking. He reached up, his bloody hand gently cupping her cheek. "I thought... I thought I lost you back there when your chute tangled."
Napatigil si Sofia sa paglilinis ng sugat. Tumingin siya sa mga mata ni Jax—wala na ang yabang, wala na ang rivalry. Pure, raw vulnerability na lang ang natira.
"Hindi ako mawawala nang ganoon lang, Jaxon. Sino na lang ang aasarin mo?" biro ni Sofia, pero may luha na nangingilid sa mga mata niya.
"You're crying," Jax smiled weakly, his thumb wiping a tear away. "Does this mean I'm winning our bet? The Great Captain Galvez is finally showing her heart."
"Huwag ka ngang mamatay-matay diyan, Alcaraz. Hindi pa tayo tapos," sagot ni Sofia, pero lalo niyang inilapit ang sarili sa kanya para bigyan ito ng init sa gitna ng ginaw ng gubat.
Sa labas, narinig nila ang mga yapak na papalapit. The enemy was close.Sofia gripped her sidearm with one hand, while her other hand stayed locked in Jax's.
In the silence of the cave, with the enemy just outside, the only thing they could hear were their synchronized heartbeats.
Ang katahimikan sa loob ng kweba ay bumasag nang marinig ang kalansing ng mga baging na hinahawi sa entrada.
Bago pa man maikasa ni Sofia ang kanyang baril, isang flashbang ang sumabog sa loob, na nagdulot ng nakakabulag na liwanag at nakakabinging tunog.
"Alcaraz!" sigaw ni Sofia, pero bago pa niya maabot ang kasama, isang malakas na hampas ng dulo ng riple ang tumama sa kanyang sentido.
Nagdilim ang lahat.