TFC 5

1206 Words
(Claudia) Agad akong ikinubli ang nadarama kong pagseselos at isang naiinis na mukha ang ipinapakita ko kay Alfred. Well, talaga namang naiinis ako sa kanya. Talagang mapapansin lang nya ako kung tungkol kay Afiah ang pag- uusapan naming dalawa. At aaminin ko, inggit na inggit na ako sa aking kaibigan. "Bakit sa akin ka nagagalit? Obligasyon ko ba na sabihin sayo ang nangyayari sa buhay ni Afiah? Baka nakalimutan mo na ni isang beses, hindi ka man lang nagparamdam sa akin. Kahit nung graduation namin, hindi mo man lang ako kinu- congratulate tapos sina Kia, Gio at Afiah ay nag message kapa sa kanila." hindi ko napigilan ang aking sarili at nanulas nalang ang kinikimkim kong tampo sa kanya. Tila naman sya napaurong at nanatili lang syang nakatitig sa akin. "Hindi ba kita natext nung? Kunot- noo nyang tanong. "Sorry, nakalimutan kita." Talagang mapanakit ang Alfred na to. Kailangan ba talaga nyang ilahad sa aking harapan ang salitang nakalimutan nya ako. Ilang beses na bang nasugatan ang aking puso dahil sa kanyang mga salita na talagang mapanakit sa akin. Hindi naman sya ganito sa iba, lalo na kay Afiah, sa akin lang talaga. "But, hindi yan ang dahilan kung bakit kita niyaya ngayon, ang gusto kong malaman, kung bakit wala man lamang nagsabi sa akin sa inyo na ikinasal na si Afiah? Akala ko ba mga kaibigan ko kayo?" panunumbat nya. "Bakit hindi si Afiah ang tanungin mo kung bakit hindi nya nasabi sayo na may asawa na sya? Bakit sa akin ka nagtatanong na parang ako pa ang may kasalanan?" naiirita kong sambit. Bahagya akong nakadama ng inis kay Afiah. Bakit ba hindi nya nasabi kay Alfred ang bagay na ito? Pinapaasa ba nya si Alfred? "I'm sorry kung yan ang pagkaintindi mo sa tanong ko. Hindi ko lang mapigilan ang sobrang magalit dahil sa nangyari kanina." kunot- noo akong nakatingin sa kanya. Anong ibig nyang sabihin? "Alam mo bang bumalik na si Lauren at nagkabalikan na sina Lauren at Seighfred, at nagbalak nang magpakasal?" Sandali akong nagulat sa kanyang sinabi? Paano? Sa pagkakaalam ko, masayang- masaya sina Seighfred at Afiah. "That's impossible, Alfred. Seighfred and Afiah are happily married to----" "They are not, Claudia. At kanina, muntik ko nang nasagasaan si Afiah. Naglalakad sya sa ilalim ng ulan na tila wala sa sarili. If you only saw her, you will understand why I act like this. That Montreal is a f*cking asshole. If I have a chance, I will hide Afiah from him." sunod- sunod nyang sambit. Halata sa kanyang boses ang sobrang galit. Biglang nawala ang inis ko kay Afiah at napalitan iyon ng awa. Hindi ko na nga din naramdaman ang mainggit sa aking kaibigan sa isipin na pinahalagahan sya ng sobra ni Alfred. Paano pa ako makadama ng inggit kung namayani sa aking puso ang matinding awa para sa aking kaibigan. Pagkatapos naming mag- usap ni Alfred, agad din kaming umalis sa lugar. Tinahak na namin ang daan kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Kotse lang nya ang ginamit namin papunta dito. Ihahatid nya lang ako sa aking paaralan dahil nandun pa ang aking kotse. Malakas ang ulan kanina kaya medyo madulas talaga ang daan. Hindi mawala- wala sa aking isip ang sinabi ni Alfred na nangyari kanina kay Afiah. Bakit walang sinabi si Afiah sa akin? Wala talaga akong maisip na rason kung bakit nagawang itago ni Afiah sa akin ang nangyayari ngayon sa pagsasama nila ni Seighfred. Dahil lumilipad ang aking isip kaya hindi ko napansin ang napakadulas na bahagi, at nadulas ako. Mabuti nalang at nasalo ako ng mga matitipunong bisig ni Alfred, kaya hindi tuluyan lumanding ang aking puwet sa sementadong daraanan. Ang lakas ng t*bok ng aking puso ngayon nagkatama ang mga paningin namin ni Alfred. Ang ganda talaga ng kanyang kulay asul na mga mata. Mas dumagdag pa sa kanyang appeal ang kanyang mumunting balbas. Mestizo din sya at sadyang namumula ang balat lalo na pag mainit ang panahon. Mas maputi pa sya kaysa sa akin, morena kasi ako. Sana tumigil sa pag- ikot ang oras habang nasa kanyang bisig ako. Pero, hindi pa nga, nangangalahati ang aking pantasya. Umayos na sya ng tayo at mabilis nya akong binitawan. "Umaayos ka, Claudia. Dahil sa susunod, ayaw na kitang saluhin." aniya. "Kailan mo ba ako sinalo, Alfred? Nahulog ako pero hindi mo ako sinalo." Shit! Bakit ko ba nasambit? Huli na para bawiin. Nag- init ang aking pisngi. Mabanaag sa kanyang mga mata ang kalituhan. "Kailan kaba nahulog, Claudia? Wala yata akong naalala." kunot- noo sya. "Handa naman kitang saluhin kung saka- sakaling mahuhulog ka." Hindi yata nya gets kung anong pagkahulog ang tinutukoy ko. Pero, dahil, mahilig akong mangarap ng gising nang tungkol sa aming dalawa ni Alfred kaya hindi ko mapigilan ang kilig na aking nadarama sa isipin na baka balang araw sasaluhin din nya ang pagkahulog ko. Wala akong pakialam kahit magkabali- bali man ako sa aking pagkahulog basta sa bandang huli, sasahulin ako ni Alfred. Nasa loob na kami ngayon ng kotse ni Alfred, binabaybay ang daan pabalik sa aking paaralan. "Alfred, ano ba ang criteria mo sa babaeng gugustuhin?" pasimple kong tanong. Hindi ko ipinahalata na interesado talaga ako. "Yon katulad kay Afiah." tipid nyang sagot. Ouch naman! Kalma lang heart! "Sa physical na aspeto, mahilig ako sa mga hindi negra." Ouch na naman! Mahilig pa naman sya na tawagin akong negra pag nasa mood sya na tuksuhin ako. Nakahinto ang kotse dahil sa traffic. Napatingin sya sa akin saka nya ako hinagod ng tingin. At tumigil ang kanyang mga mata sa aking punong dibdib. Wala sa sarili na naiyakap ko ang aking braso sa aking dibdib. Saka sya malutong na tumawa. Pati tawa nya ay nakaka- inlove. "Don't worry, kahit buong araw ko yan titigan, wala naman akong cleavage na makikita." Nag- init ang aking pisngi sa inis. "Excuse me, Alfred, may cleavage ako, hindi nga lang halata." kontra ko sa kanyang sinabi. Bakit ba ang liit ng aking dibdib? Siguro, mahilig sya sa mga babaeng may malaking dibdib. Kaya siguro gusto nya si Afiah, dahil maputi ito at may malaking dibdib. Napailing sya na sinabayan ng tawa. Saka nya pinaandar muli ang kotse. Hindi kami nag- usap na dalawa dahil ayaw ko na syang kausapin. Baka mainsulto na naman ako. Bakit ba kasi ang layo ko sa babaeng gugustuhin ni Alfred? Napa- toxic na talaga ng feelings ko sa kanya. Inihinto nya ang kotse sa mismong main gate ng aking paaralan. Lalabas na sana ako nang may bumati sa akin na isa sa mga kaklasi kong lalaki. Gwapo ito at galing din sa mayaman angkan. "Sino yon?" tanong ni Alfred na hindi ko inaasahan. "Manliligaw ko." pagsisinunggaling ko. Hindi ko talaga manliligaw ang lalaking tinutukoy ni Alfred, kaklasi ko lang sa isang subject. "Ang masasabi ko lang, pangit ang lalaking yon at mukhang wala kang kinabukasan sa lalaki na yon. Maghanap ka ng iba. At bago mo sagutin ang isang lalaki, dapat makakalamang muna sya sa akin." aniya na nagpanganga sa akin. "Almost perfect pa naman ako, ubod ng guapo, ubod ng yaman, matalino at--- wala akong masabi, halos nasa akin na lahat. Kaya sa tingin ko, mahihirapan kang magkaroon ng boyfriend." Nanatili akong nakanganga. Ano raw? Paki- repeat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD