TFC 4

1198 Words
(Claudia) Nasa isang coffee shop kami ngayon ng kaibigan kong si Afiah. Nakipagkita sya sa akin ngayon dahil medyo nababagot na daw sya sa loob ng penthouse nila ng kanyang asawa. "Namumugtong ang mga mata mo ngayon. May problema ba?" kunot- noo na tanong ko sa kanya. "H- Ha!" natigil sya sa akmang pag- inom nya sa cappuccino na inorder nya. Ibinalik nya ang tasa sa lagayan nito. "At parang wala ka din sa sarili. There is something wrong with you. Parang may kulang sa ganda mo ngayon. Your eyes are not as lively as before. Magtapat ka nga sa akin, may problema ba kayo ng asawa mo?" sunod- sunod kong sambit. Ito talaga ang napupuna ko sa kanya. Afiah is very secretive. Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit naikasal sila bigla ni Seighfred Montreal, gayun si Lauren naman talaga ang girlfriend ni Seighfred. Hindi nga din sya mahilig na magkwento sa kanyang buhay may asawa na ngayon. "Wala---"umiling sya. "Mabait si Seighfred sa akin." Sa tingin ko, nagsisinunggaling sya sa akin. Pero, hindi na ako nag- usisa, dahil hindi din naman ako sigurado. At ayaw ko naman husgahan ang pagsasama nila ng kanyang asawa. Hindi ko napigilan ang aking sarili at mariin akong tumitig sa kanya na para bang inaarok ko ang katotohanan sa kanyang kilos. "Ano ba?" tumawa sya pero hindi umabot sa mata. "Nagsasabi ako ng totoo." "Okay! Hindi ka naman siguro ginawang alila ng asawa mo. Mukhang mabait naman si Seighfred." ngumit narin ako. Wala naman siguro silang problema ng kanyang asawa, ito ang aking naisip. Sa pagkaalala ko, mabait naman ang kanyang asawa. "Anyway, alam na ba ni Lauren na ikinasal na kayo ng ex nya?" hindi ko napigilan tanong. Baka naman kasi hindi pa nila nasabi kay Lauren. Kaibigan din namin si Lauren at ayaw ko naman na walang alam ang kaibigan ko na yon. "Si Seighfred na daw ang bahalang magpaliwanag kay Lauren sa personal."tanging nyang nasambit. Lihim na naiinis at nalilito ang aking isip. Hindi pa pala nila nasabi ni Seighfred kay Lauren na ikinasal na silang dalawa. "Okay. Siguraduhin lang nya. Ayaw kong madehado ka. Baka pinagsabay na nya kayong dalawa ni Lauren." Hindi ko mapigilan sambitin ito. Ayaw ko lang na may isa sa kanilang dalawa ni Lauren ang masaktan lalo na si Afiah. Pareho kong kaibigan ang dalawa. "Relaks, joke lang ang huli kong sinabi." tila hindi maipinta ang kanyang mukha, kaya pabiro kong binawi ang aking sinabi."Anyway, how about Alfred. Did he already know about your marriage with Seighfred Montreal? Nasabi mo na ba?" Gusto kong malaman kung alam na ba ni Alfred ang tungkol sa pagpapakasal nya sa iba. Desperada man isipin pero handa akong sumalo kay Alfred kung kailangan nito ng sasalo dito. "Hindi ko pa nasabi sa kanya." Nakadama ako ng inis sa kanyang sinabi. Bakit ba hindi pa nya sinabi kay Alfred? Paano makalimot si Alfred mula sa kanya kung hindi nya sinabi dito na may asawa na sya? "You should tell him, para hindi na aasa 'yong tao. So that he can move on and find another woman who can love him in return." tinutukoy ko ang aking sarili. Kung ako nalang sana ang minahal ni Alfred, hindi sana ito naghihintay sa wala. Ang hirap naman talaga pag unrequited love. Darating kaya ang panahon na matutunan din akong mahalin ni Alfred? "Sasabihin ko na sa kanya, sa susunod na magka- usap kaming dalawa." Sana nga, masabi mo na sa kanya. Dalawang taon nang nasa New York si Alfred dahil sa negosyo ng pamilya nito doon. "Sorry girls, I'm late." bati sa amin ng kaibigan namin si Gio. "Lagi ka nalang late, bakla. Ang laki naman ng suot mong relo." hindi ko mapigilan sambit. "Hindi ako marunong tumingin ng oras, pasensya." sagot ni Gio, pinabakla pa ang kanyang boses. "Ang pagpadilig lang kasi ang nasa isip mo." sagot ko naman sa kanya. "Diligan kita dyan. Tignan natin kung hindi titirik 'yang mga mata mo." Sanay na ako sa kanya. "Bakit? Malaki ba yan sayo? Baka kasing liit lang yan sa t**i ng sanggol." Ganito talaga kami mag- asaran ni Gio. Masayado kaming komportable sa isa't- isa. Tawang- tawa naman si Afiah sa aming salamat ni Gio. ----- Lumipas pa ang mga araw at ilang buwan narin kasal sina Afiah at Seighfred. Pero, nag- alala na kami nina Gio at Kia sa kaibigan namin dahil hindi na sya nagpaparamdam sa amin pagkatapos ng birthday nito. Plano na sana namin na bisitahin ang kaibigan namin sa penthouse nilang mag- asawa, kaya lang, nahihiya kami sa asawa ng aming kaibigan. Hindi naman kasi close sa amin si Seighfred. Isang araw, halos nagulantang kami ni Gio nang tumawag si Afiah sa amin. Hindi ko alam kung anong problema nya at sinabi nya sa amin ni Gio na pagkatapos ng tatlong araw mula nang tumawag sya, pag hindi parin sya nagpapakita sa amin ni Gio ay pupuntahan namin sya sa penthouse nila ng kanyang asawa. Gumapang sa akin ang sobrang pagkaalala para sa aking kaibigan at halos hilahin ko na ang araw para maging tatlong araw na. Pero, masayang nakipagkita sa aming si Afiah. At sigurado ako na masaya talaga sya dahil nakikita ko muli ang magandang ningning ng kanyang mga mata. Masaya ako para sa aking kaibigan dahil mukhang masaya ang pagsasama nila ni Seighfred. Sana katulad kay Afiah, sasaya din ako kapiling ang lalaking mahal na mahal ko, na walang iba kundi si Alfred. Pero, mukhang suntok sa buwan ang katuparan ng kahilingan ko na to, kasi kahit isang sulyap, hindi naman ginawa ni Alfred sa akin. Lumipas pa ang ilang buwan. Sobrang kilig ang aking nadarama ngayon dahil kaharap ko ngayon si Alfred. Hindi ko naman lubos akalain na susunduin nya ako kanina sa school ko at yayain nya akong kumain ng snack sandali. Nag- aaral ako ngayon sa medical school para sa pangarap kong maging isang ganap na Obgyne. Namiss ko ng sobra si Alfred. Mas lalo syang gumugwapo sa aking paningin. Halos mag- iisang taon narin mula ng huli ko syang nakita at hanggang ngayon, buhay na buhay parin sa aking isip ang gabi na hinahalikan nya ako, kahit pa bahagi lang yon ng aking magandang panaginip. Kung alam ko lang na panaginip yon, sana hindi nalang ako nagising pa. "Alfred, isa naman yatang milagro at naisipan mong yayain ako ng date ngayon." pormal kong sambit. Hindi ko ipinahalata ang kilig na aking nadarama. Napakunot- noo sya sa aking sinabi. "Sana hindi mo binigyan ang ibang kahulugan ang pagyaya ko ngayon sayo, Claudia. May itatanong lang ako sayo na importante." God! Ano kaya ang itatanong nya? Itatanong kaya nya kung may boyfriend na ako. Yan lang ang naisip ko na mahalagang tanong na pwede nyang itanong sa akin. "Ano naman ang itatanong mo sa akin, Alfred?" kinaswal ko ang aking boses. Sobra talaga akong kinikilig. Ang dali lang ni Alfred na pakiligin ako at ang dali lang din nyang saktan ang aking damdamin. "Why you didn't tell me that Afiah is already married to that Montreal?" tanong nya na biglang nagbura ng kilig na aking nadarama at agad kong naramdaman ang matinding paninibugho. Si Afiah na naman! Ang sakit naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD