TFC 3

1027 Words
(Claudia) Tuloy- tuloy ang paglagok ko ng alak. Sobrang akong frustrated sa nangyaring encounter namin kanina ni Alfred. Napahiya ako sa babae na kasama nya nang tahasan nyang sinasabi dito na magkakilala lang kaming dalawa at walang espesyal na namagitan sa amin kahit pagkakaibigan lang. Bakit kaya ganun nalang si Alfred sa akin? Sobra nyang harsh pagdating sa akin. Hanggang sa tuluyan na akong nalasing. Medyo walang na ako sa tamang huwisyo at ngayon sumabay na ako sa indayog ng musika dito sa bar na pinuntahan ko ngayon. Kasama ko kanina si Lance pero ewan ko kung nasaan na ang lalaki na yon. Alam ko na pinagigitnaan na ako ng ilang mga lalaki na tila enjoy na enjoy sa pakikipagsayaw sa akin. Lahat ng pagkabigo at pasakit na dinulot ni Alfred sa aking puso ay nasa isip ko ngayon kaya wala na akong pakialam sa paligid. Gusto kong ibuhos ang hinagpis ko dahil bigong- bigo ako sa pag- ibig na kailanman hindi naging akin. "Hey Ms.Beautiful, wanna go with me?" tanong sa akin ng lalaking kanina pa nagpapa- cute sa akin. "Sorry, but, mas gusto ko dito." nakangising kong sagot. "I only want to dance." Inilapit ng lalaki ang kanyang bibig sa aking tainga. "We can dance together in private." Kahit lasing na ako pero hindi paman tuluyang nilamon ng alak ang aking katinuan. "Umalis kana, ayaw ko sayo. Pangit!" nakangisi kong sambit. Alam kong nainsulto na itong lalaking lumalandi sa akin, kaya dumilim ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. "Pangit pala ha. Tignan natin kung matatawag mo parin akong pangit pagkatapos kang masarapan sa gagawin ko sayo. Lamian kaayo ka nako ron." galit nyang sambit, sabay hawak sa aking pulsuhan at hindi ko napaghandaan ang paghila nya sa akin. Nagpupumiglas ako at pinilit kong kumawala sa lalaking humila sa akin, nagsisigaw na ako pero wala man lamang tumulong sa akin, hanggang sa umabot kami sa isang pasilyo na walang katao- tao. Patuloy parin akong nagpumiglas at pinilit kong kumawala sa kanya, pero maliban sa mas malakas sya sa akin, medyo nanghihina na rin ako dahil sa kalasingan. Napaiyak nalang ako. Ito na siguro ang katapusan ko. Kung kailan, nawalan na ako ng pag- asa na makawala mula sa manyak na ito. Napasigaw nalang ako nang may biglang sumuntok sa lalaking humila sa akin. Alam kong may nag-aaway sa aking harapan pero, medyo blurred na ang aking paningin at para na akong mabubuwal. Tuluyan kong naipikit ang aking mga mata at wala na akong pakialam sa nangyayari sa paligid. Naalimpungatan ko na parang kargang- karga ako ng kung sino, pumasok kami sa isang kwarto at maingat nya akong inihiga sa kama, bahagya kong ibinuka ang aking mga mata. Patay na yata ako. At nasa langit na ako ngayon kasi si Alfred ang nakita ko. Nakatitig sya sa akin na parang isa akong napakahalagang tao na kailangang protektahan. "A- Alfred..." tila nanaginip kong sambit. Hindi sya sumagot at nanatili lang syang nakatitig sa aking mukha. Hinila ko ang kanyang kwelyuhan at walang sabi- sabi na itinapat ko ang aking labi sa kanyang labi. I wanted to kiss him but hindi ko alam kung paano ba humalik. Pero ang mga labi na nya mismo ang kusang gumalaw kaya natagpuan ko nalang ang aking sarili na sumabay sa galaw ng kanyang labi. His expert lips taught me how to kiss him the same way as he did. Napaungol kami pareho sa sobrang intensidad ng halikan namin. Pumaibabaw na sya sa akin. Ang huli kong naalala ay ang paglakbay ng mga kamay ni Alfred sa aking malambot na katawan. ---- Nagising ako dahil sa liwanag na pumapasok sa glass window. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na namulatan. Inalala ko nag nangyari kagabi. Iniligtas ako ni Alfred mula sa maniac na lalaki na gusto akong gawan ng kasamaan. Dinala ako ni Alfred sa lugar na ito. Nag- init ang pisngi ko nang sumagi sa isip ko ang paghahalikan namin ni Alfred kagabi. My first love is also my first kiss. Ang saya ko sa isipin ito. Kilig na kilig ang aking nadarama. Sa tingin ko mas namula ako ng naalala ko kung anong bahagi na ng aking katawan ang nahawakan ni Alfred kagabi. Maliban sa aking ulo, wala nang nanakit sa akin. Kinakapa ako ang aking v*gina, hindi naman ito masakit. Ibig sabihin lang nito na virgin parin ako. Walang nangyari sa aming dalawa ni Alfred. Iginiya ako ang aking mga mata, hinahanap ko sa paligid si Alfred. Pero walang Alfred akong nakita. Paano kaya ako umasta sa harapan ni Alfred pagkatapos ng halikan namin kagabi? Namamawis tuloy ako sa sobrang kaba, kahit napakalamig naman ng aircon. Bumukas ang pinto at iniluwa doon ang dalawang babae. "Hi!" ani ng isa, nakangiti ito. "Mabuti naman at gising kana." "S- Sino kayo?" kunot- noo kong tanong. "I am Ana, sya naman si Marie, iniligtas ka namin kagabi mula sa isang manyak na lalaki. Mabuti nalang at pareho kaming black belter sa taekwondo." ani ng nagpakilalang Ana. "Nawalan ka ng malay at hindi naman namin alam kung saan ka namin iuwi kaya dinala ka nalang namin dito sa hotel room namin. Kumusta ang pakiramdam mo?" "K- Kayo ang nagligtas sa akin?" Litong- lito kong tanong. Lasing ako kagabi pero malinaw sa akin ang nangyari. Sigurado ako na si Alfred ang kasama ko. Ano yon? Panaginip lang ba yon? Pero, bakit parang totoo. Napatingin ako sa dalawang babae na kaharap ko ngayon. Sabay silang napatango sa aking tanong. I talked random things with Ana and Marie. Pagkatapos kong magpasalamat sa kanila dahil sa pagligtas nila sa akin kagabi, agad din akong nagpaalam. Mukhang isang panaginip lang talaga ang nangyaring halikan sa aming dalawa ni Alfred kagabi, napag- alaman ko kasi na nag- out na pala sya sa hotel room nya bago pa ako pumunta sa bar at dumiretso na si Alfred sa kanyang flight. Mukhang hanggang panaginip ko lang talaga si Alfred. Kailanman, hindi nya matugunan ang pag- ibig na nadarama ko para sa kanya kahit pa may asawa na ang aking kaibigan na si Afiah, na syang mahal ni Alfred. (Please read the author's note para magkaintindihan tayo bago nyo ito basahin.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD