TFC 2

1556 Words
(Claudia) Kaharap ko ngayon si dad. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan namin. Tulad ng lagi nyang ginagawa, nagbabasa na naman sya ng magazine habang iniinom ang kanyang kape. "May business conference doon sa Cebu. Hindi makapunta ang uncle James mo kaya sinabi ko na ikaw ang ipapadala ko." seryosong pagkakasabi ni dad. Napatigil ako sa pagkain at napaangat ang mukha ko sa kanya. Ang sinasabi nyang uncle James ko ay ang kapatid nya na kasalukuyan CEO din ng kanyang kompanya. Dahil kasi sa political responsibilities nya kaya may sarili syang taga manage ng kompanya namin. May ibang business din ang uncle ko kaya busy din ito minsan. "Dad, wala po akong alam dyan. Alam nyo naman na wala akong kaalaman sa pagnenegosyo." reklamo ko. Agad na rumihistro ang pagka- irita sa kanyang mukha. "At ano ang gusto mo? Na ako ang pupunta doon? Kung sinunud mo lang sana ang kagustuhan ko na business course ang kukunin mo, wala na sana akong problema ngayon. Napakasuwail mo talagang anak." galit na sabi ni dad. Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Kahit nasanay na ako, masakit parin na paulit- ulit kong naririnig. "Wala kanang magagawa, you already at the list as our company representative." Isang mining company ang kompanya ng aking ama. Namana pa nya ito mula sa kanyang mga grandparents, at dahil sa pulitika sya naka- pokus kaya kung sino- sino nalang sa mga kamag- anak namin ang nagmanage ng kanyang kompanya. Agad na tumayo si dad na hindi man lamang tinapos ang kanyang agahan. Alam kong mainit na naman ang kanyang ulo dahil sa akin. Sa katunayan nga, banas na banas ang kanyang mukha ngayon. "You will be going to Cebu this day. Pupuntahan ka dito mamaya ni Frenzy para sa ibang detalye." aniya bago sya umalis sa aking harapan. Ang Frenzy na tinutukoy nya ay ang sekretarya ng CEO. Nasundan ko ng tingin si dad. Gusto ko kumontra sa gusto nya pero alam kong mapapalis lang ang laway ko. At saka, marami nang pagkakataon na hindi ko sya sinunod. Kaya siguro, malaki ang tampo nya sa akin. At sobrang dissapointed nya sa akin. Isang oras ang nakakalipas, dumating nga si Frenzy para sabihin sa akin ang ibang detalye sa pupuntahan ko. Pagkatapos, umalis din naman sya agad. Para akong tinatamad na mag- empake. Kaya wala akong kabuhay- buhay ngayon habang isinilid ko ang ilan kong gamit sa maleta. Tatlong araw ang conference, kaya tatlong araw din ako doon. Pagkatapos kong iligpit ang aking mga gamit, kinuha ko ang invitation card at binuklat iyon. Binasa- basa ko, at para yatang nabuhay ang dugo ko sa katawan sa aking nabasa. Special Guest and Honored Speaker: Mr. Alfred Harisson CEO of Harisson's Winery and Brewery Young Billionaire of the Year Young CEO of the year Gosh! Makikita ko si Alfred doon. It's been 2 years since the last time that I saw him at hindi man lamang nagpaparamdam sa akin ang hinayupak na 'yon. Ano pa ang aasahan ko? Bakit sya magparamdam sa akin? Hindi naman kami close. Bumalot sa akin ang excitement. Kaya ang dating walang kabuhay- buhay na ako, ngayon ubod na ng sigla. Kilig na kilig ako, at paikot- ikot pa ako dito sa aking kwarto, saka pabigla akong humiga sa akin kama. Shit! Nahihilo yata ako sa aking ginawa. Pinalipas ko muna ang aking hilo, saka ko kinuha ang aking cellphone at nagkapa ako ng message sa group chat namin. Me: Been gone for 3 days. Because of this... (Kinunan ko ng picture ang harapan ng invitation card, then I send the picture sa group chat page namin.) Gio: At kailan kapa nagka- interest sa business, manang? Me: Ngayon lang. Sasabihin ko sana sa kanya na magkikita kami ni Alfred doon, pero baka mabasa pa ni Afiah. Moment muna namin ni Alfred ngayon. Kahit pa kaibigan lang ang turing ni Afiah kay Alfred pero karibal talaga ang turing ko sa kanya. Pero, mahalaga si Afiah sa akin. Insecure lang talaga ako. Ilang araw na kaming walang balita kay Afiah. Pagkatapos namin syang ihatid nina Gio at Kia sa apartment nya na kasama ang lasing na si Seighfred nung graduation night namin, bigla nalang namin nalaman sa susunod na araw na pumunta sya sa Hongkong, at wala kaming kaalam- alam kung bakit sya pumunta doon. Gio: Okay. Basta wag ka munang magpadilig doon. Kung kaharap ko lang ngayon si Gio, binato ko na sya ng unan. Ang landi talaga ng baklang ito! Me: Baka ikaw ang gustong magpadilig. Gio: Ako ang nandidilig. Diligan pa kita, dyan! Wag kang kiligan! Me: Kinikilig ako sayo, bakla. Pormal kaming dalawa ni Gio pag kaharap 'yon ibang tao, pero pag kaming dalawa lang, asal iwan talaga kami. Agad din akong nagpaalam sa group chat namin. Baka ma late pa ako sa flight ko. Excited pa naman ako. Gamit ang isang private chopper na pagmamay- ari ng Tito James ko, nakarating agad ako sa Cebu. Isang malaking function hall sa isang kilalang resort gaganapin ang business conference na dinaluhan ko ngayon. Kainis! Nakakabored! Wala man lamang akong kilala ni isa sa mga taong nandito. Hindi talaga ako interesado sa negosyo dahil ang pagiging Obgyne ang pangarap ko. Kahit nakaka- bored pero mas pinili ko parin na dumalo at hindi nag- abalang tumakas, dahil sa maliban na representative ako ng kompanya namin, makikita ko kasi si Alfred ngayon. Nagpatuloy pa ang programa na ang topic ay tungkol lamang sa iba't- ibang negosyo. Nakikinig ako kahit pa wala sa sinasabi ng speaker ang aking pokus kundi nasa kay Alfred. Oo. Nakita ko na nga si Alfred. Nasa may unahan sya na upuan. May mga kausap sya na sa tingin ko mga negosyante din. Handsome as ever! Kaya itong puso ko ay nagwawala na naman. Nakatitig lang ako sa kanya, kaya nang napasulyap sya sa bungad ko, agad na nagkatama ang mga mata naming dalawa. Agad na rumihistro sa kanyang napakaguapong mukha ang pagkagulat. Alam ko naman na hindi nya inaasahan na nandito din ako. Ako nga, hindi lubos makapaniwala na guest speaker sya ngayon, kasi sa pagkakaalam ko nasa New York sya. Alam kaya ni Afiah na nandito sya sa Pilipinas ngayon? Sa ngayon, hindi ko alam kung umuwi naba si Afiah galing sa hongkong. Hindi ko kasi sya makontak. Mukhang may pinagdadaan ang kaibigan ko na 'yon. Agad din binawi ni Alfred ang kanyang paningin sa akin nang tawagin sya sa host ng event. Halos hindi ako kumukurap habang nagsasalita si Alfred sa aming harapan. Hindi lang talaga ubod na guapo ni Alfred, napakatalino din nya. Para sa akin, isa talaga syang perpektong lalaki. Nakasunod ang aking mga mata sa bawat galaw ng kanyang labi. Ang sarap sigurong mahalikan ng kanyang mga labi. Kung sa akin lang sana sya na- inlove, kompeto na sana ang buhay ko. Pero, sa kaibigan ko sya na si Afiah na- inlove. At iwan ko kung magkaroon paba ng katugon ang aking lihim na pagsinta sa kanya. Nabawi ang aking paningin nang nagsalita ang lalaking katabi ko. Kaya napalingon ako dito. "Hi---" nakangiting bati sa akin ng lalaki. Guapo sya, hindi pahuhuli ang kaguapuhan ni Alfred, pero walang dating sa akin. Masyado kasi akong dead na dead kay Alfred. "I'm Lance Montemayor, kanina ko pa napupuna na mag- isa kalang at mukhang wala kang hilig na makihalubilo sa iba." Wow! So, kanina pa sya nakabantay sa akin. Parang ang creepy lang. "Oh, I'm sorry. Wag kang matakot sa akin. Pamilyar lang kasi ang mukha mo. I just don't remember where kita nakita." "I'm Claudia Esteban." pakilala ko, ayaw kong maging bastos, mukha naman syang mabait na tao at pormal. "Now, I remember, your the daughter of Congressman Martin Esteban. I saw your picture in his office nang minsan akong napunta doon." Really? May picture ako sa office ni daddy? Hindi pa kasi ako nakapunta doon. "You are more beautiful sa personal." may paghanga nga sa mga mata nya. Nginitian ko sya. Ayaw kong bastusin itong bago kong kakilala na guapo din. Hindi ko namalayan na nagkakwentuhan na pala kami na bahagya ni Lance. After all, he's an interesting man. Pagkatapos nang conference, dumiretso agad ako sa hotel kung saan ako naka- check in. Magkasama kami kanina ni Lance dahil pareho pala ang hotel naming dalawa. Nasa 8th floor lang ang kanyang room, habang nasa 10th floor naman ang akin. Papasok na sana ako sa aking kwarto nang narinig ko ang hagikhik ng isang babae na tila nilalandi nito ang kasama nito. Out of curiosity, napatingin ako sa dalawang tao na naghaharutan kahit nasa pinto palang ng kwarto. Katabi lang ng room ko ang papasukan nila na room. Bweset! Ang lalandi! Hindi na nahiya sa akin. Pero, napaurong ako nang nakilala ko ang lalaki na kasama ng malanding babae. Agad na gumapang ang panibugho at galit sa aking puso. "Alfred!" hindi ko napigilan sambit. At napalakas pa talaga ang boses ko. Agad na napatingin si Alfred sa bungad ko. "Claudia, long time, no see." nakangising sabi ni Alfred. . Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon kay Alfred na lagi kong ginagawa pag magkaharap kaming dalawa. "Who is she?" maarteng tanong ng babaeng kasama nito. Hindi naman kagandahan pero my malaking s**o. "Just someone I know!" sagot ni Alfred sa babae. Someone I know? Hindi man lamang sinabi kahit kaibigan lang. Masyadong masakit sa puso ang Alfred na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD