TFC 1

1208 Words
(Claudia) Claudia. My name means lame. But I am not. Wala akong pilay at perpekto ang aking katawan, wala din akong sakit, at lumalaki ako na hindi sakitin. Siguro ang pilay lang ay ang pagkatao ko. I am the only child of Mr. Hilario Esteban. Isang kilalang personalidad ang aking daddy, hindi lang sya successful na businessman, isa din syang successful na politiko. Isa nga syang congressman ngayon. Lumaki ako na ramdam ang cold treatment ng daddy ko sa akin. Hindi man tahasan sinasabi ni daddy sa akin pero ramdam ko na ako ang sinisisi nya sa pagkamatay ng aking ina. Namatay ang ina ko sa panganganak nya sa akin. Sabi nila, masyado daw minahal ng daddy ko ang mommy ko. Katunayan nga yan, hindi na nag- aasawa ang daddy ko. Nakakainggit daw ako. I almost have everything. Pareho galing sa mayaman na angkan ang mga magulang ko. Mga kilalang personalidad ang mga kapamilya ko. Isa na dito ang kilalang jewelry designer na si mama Lux na nakabase sa Dubai. I can almost have everything. Maybe! But, the things that I can't have are the things that I really want to be mine. Love. Pagmamahal sa dalawang lalaking mahalaga sa buhay ko. My dad and the one that I secretly loved since I was 18. I am now 21 years old and I am just graduated of Microbiology course. I wanted to become an obgyne, kaya ito ang pre- med course ang kinuha ko. After this, ay papasok ako sa medical school. Bakit ko nga ba pinangarap ang propesyon ito? I wanted to save life. A life of a mother and a child. Paraan ko ito, para pasalamatan ang aking ina dahil isinasakripisyo nya ang kanyang buhay para sa akin. This is the profession that I chose na kinontra agad ni daddy. He wanted me to take up business course, dahil ako lang naman ang tanging tagapagmana nya. Gusto din nya na papasok ako sa pulitika sa tamang panahon. But, ayaw ko sa gusto nya. And he become much colder than before. My maternal grandparents are the one who finance my study, dahil nahihiya akong manghingi kay dad. Although, tuloy naman ang suportang pinansyal nya sa akin. My cards are with me and they are loaded with money. I am now with my close friends in a bar. We are celebrating our graduation day. Nasa isang VIP room kami. "Guys, Alfred just texted me, he is congratulating us. "Ani ni Gio. Gio is my childhood friend. We know each other since elementary days. We practical bestfriend but pareho namin hindi dini- declare iyon. Kahit hindi man nya inaamin sa amin, but I know that he is a gay. Sa tagal ng pagsasama naming dalawa. Kitang- kita ko na lahat ng sign na kabaklaan nya. "He texted me also." segunda naman ni Kia. Nagiging kaibigan namin sya ni Gio in our senior high years. Pangarap nyang maging artista, pero wala syang talento sa pag-akting. Anak sya ng isang restaurant owner, pero wala syang talent sa pagluluto. Hindi namin alam kung ano ang maging future career nya. Basta nakapokus sya ngayon sa photographing. "Kanina kapa text na text dyan, Afiah." puna ni Gio kay Afiah. First year college kami nang naging kaibigan namin si Afiah. Madali namin syang nakapalagayan ng loob dahil ubod syang ng bait. Parang hindi sya makabasag baso sa kabaitan nya. Well, hindi lang sya mabait, ubod pa sya ng ganda. Sa ganda nya, para syang diyosa na bumaba sa lupa. Madali kong naging close si Afiah, dahil pareho kami ng sitwasyon. Her mother died also while giving birth to her. Ang kaibahan lang namin, her father treat her as his treasure. Kahit pa madalas na wala ang kanyang ama, but laging ipinaramdam nito ang pagmamahal nito sa kanya. Isa kasing sundalo ang papa nya, at madalas nasa misyon ito. Hindi man sya mayaman na tulad namin tatlo nina Gio at Kia, but mayaman naman 'yong puso nya. Pangarap ni Afiah ang maging jewelry designer kahit pa business course ang natapos nya. Kaya nga pupunta sya sa Dubai sa mga susunod na buwan, para maging apprentice ng antie Lux ko. "I'm sorry. Napakademanding kasi ni Alfred at gusto agad ng reply." nakangiting sabi ni Afiah. Tinutukso sya nina Gio at Kia. Pangiti- ngiti ako kahit parang binasag na aking puso. Nasabi ko na ba na si Alfred ang lalaking lihim kong minahal since I was 18? Yes. I secretly inlove with Alfred. Secret, kasi Alfred is head over heels in love with Afiah. Hindi magsyota sina Alfred at Afiah kasi kaibigan lang ang turing ni Afiah sa lalaki, at binasted nya ito. Pero, ang akala ng nakakarami na magsyota ang dalawa. Advance ng dalawang taon sa amin si Alfred at dalawang taon narin syang nasa New York, dahil sa negosyo ng kanyang pamilya. Sa loob ng dalawang taon na 'yon ay hindi man lamang nakikibalita sa akin si Alfred. Tulad ngayon, nagawa nyang magtext para bumati sa mga kaibigan namin, maliban lang sa akin. Naging kaibigan narin namin si Alfred dahil lagi syang sumasama- sama kay Afiah nung. Hindi kami close ni Alfred dahil lagi kong ipinaramdam sa kanya na mainit 'yon ulo ko sa kanya. Paraan ko 'yon para maiwasan ang mas lalong mahulog pa ang loob ko sa kanya. Dahil alam ko naman unrequited love lang ang nadarama ko sa kanya. Kaya, kung maaari, ayaw ko ng mas ilugmok ang aking sarili sa pag- ibig ko sa kanya. Pero, sa totoo lang, inaamin ko, nasasaktan din naman ako ngayon, sa isipin na walang pakialam si Alfred sa akin. Kahit ang batiin ako sa graduation ko, hindi naman lamang nya ginawa ng tulad ng ginawa nya sa iba namin kaibigan. Maya't maya lang, nagkayayaan na ang sumayaw. Hindi ako sumama sa tatlo dahil hindi maganda ang aking pakiramdam. Nagtatampo at nasasaktan ako ngayon. Inggit na inggit ako kina Kia at Gio, dahil nagawa silang kumustahin at batiin ni Alfred. At nagseselos ako kay Afiah, kasi mahalaga sya kay Alfred. Mas masakit pala pag lihim lang 'yon feelings mo sa isang tao. Wala kang masabihan at maiyakan. Kaya itinuon ko nalang sa alak ang sakit na aking nadarama ngayon. Sunod- sunod ang pagtunga ko sa alak. Sunod- sunod din ang pagpatak ng aking luha. Sinubukan ko naman kalimutan si Alfred. Akala ko magagawa ko 'to sa loob ng dalawang taon na hindi ko sya nakikita at wala kaming communication na dalawa. Pero, mukhang nasa dugo talaga namin ni daddy ang hindi agad makalimot sa minamahal. Pagkatapos ng isang oras, bumalik din sina Gio at Kia, pero hindi nila kasama si Afiah. "Si Afiah, pinasamahan ko si Seighfred. Mukhang nag- away na naman sina Lauren at Seighfred. Naglalasing kasi." si Gio. Oo nga pala. May isa pa kaming kaibigan. Si Lauren. Naging kaibigan namin sya dahil kay Afiah. Hindi sya naging sobrang close sa amin dahil 2 years ago, pumunta sya sa US para sa pangarap nyang maging modelo. Si Seighfred naman ay ang boyfriend ni Lauren. Hindi na ako nagkumento. Patuloy lang ako sa pagtunga sa alak. Ipinalangin ko na sana burain ng alak ang pangalan ni Alfred sa puso ko. Napakasakit isipin na hindi man lamang ako naalala ng lalaking lihim kong inaalagaan sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD