Pagkagising ng dalaga ang sakit ng ulo nya.. Naligo muna siya para mawala kahit papanu ang sakit ng ulo nya. Bumaba na siya sa hapag kainan pagkatapos nya maligo at nagpapatuyo na lang ng buhok nya
"Ya, alam mo ba sino naghatid sa akin kagabi?" Tanong ng dalaga.
"Si Mateo ata yun at si Steve" sagot naman ng kasambahay.. Kasambahay lang ang kasama ni Samantha sa bahay since laging wala ang magulang nito para sa business o kung nagliliwaliw ang mga ito sa ibang bansa.
"Napakasweet pa nung Mateo kasi nahalikan pa nya noo mo habang sinasabing kikitain ka nya pagbalik nya." kinikilig na tugon ng yaya niya.
"Naku ya, isa ka din sa mga nahulog sa sweetness ng mokong na yun. Hindi naman nya yun magagawa kung gising ako kasi masasampal ko siya. Makakatikim talaga sa akin yung lalaking yun.."
"Bagay nga kayo iha." .%Dagdag pa nito.
"Ya ihanda mo na lang ang almusal ko.. I'm starving.." Awat na lang nya sa tagapag-alaga..
Tumingin sa social media si Samantha para na din mag research sa lalaki na hindi raw siya type pero panay naman ang tsansing sa kanya..
Ayon sa kanyang pagresearch, napakasipag ang lalaki kaya naging successful businessman ito.
Tiningnan nya ang mga pictures nito at nakakabighani ang katawan nito na topless sa isang cover ng magazine na nagfeature dito..
"Wow, ang sexy pala ng mokong". Sambit na lang ng dalaga.
Nalaman nya rin na may farm ang pamilya nito sa Batangas.. Nagulat nga siya bakit pati pamilya nito ay pinagtuunan pa nya ng pansin... Baka sakali lang na makilala nya, pagtatama na lang ng dalaga sa iniisip na napapailing na din...
"Tapos ka na ba tingnan ang susunod mong bf iha.." Na kinagulat nyang sabi ng yaya nya na nasa likuran na pala nya..
"Ya nagcheck lang naman ako ng mga profile ng mga tao.."
"Tao, eh si Mateo lang yan.." Tukso pa nito..
"Yaya talaga.. Masyadong madaming alam, hindi naman porket tiningnan ko ang profile nya eh interesado ako sa kanya. Curious lang ako ya" . Depensa ng dalaga.
"Makaalis na nga.. Mag shopping muna ako baka ano pa masabi mo yaya at nagiging si Boy Abunda ka na sa pagtatanong." Ngiting tugon na lang ng dalaga.. umalis na ang dalaga para makipagkita sa mga barkada.
"Girl, ang lasing mo talaga kagabi.. Buti na lang hinatid ka ng prince charming mo.." Kinikilig pa na sambit ito.
"Nahihiya na nga ako pero sinabi mo pa talaga.. Hindi ko na alam kung may mukha pa akong ipapakita dun.."
"Well wala pa naman siya so madami ka pang panahon para mag isip when the time comes na magkita na kayo."
"Huwag ka munang mag isip ng kung ano-ano dyan ok.. Let's unwind muna bago ang lahat.."
Naiisip na ni Samantha ang nalalapit na pagkikita nila ni Mateo kaya Di nya alam kung handa na ba siyang harapin ang binata.
For now mag enjoy muna siya at magliliwaliw.. She is single after all. Free syang gawin ang gusto nya..
" Dear we could have a girls night out again.. You want?"
"Huwag muna ngayon, masakit ang ulo ko.. I need to sleep.. Wala pa akong tulog."
*Ok. Basta bukas swimming tayo at nag-aya sila Steve na umalis.. It will be fun.. Sa resort tayo pumunta for an overnight.."
" Sige, but for tonight I will be sleeping coz I really need to have enough sleep." Dagdag na lang ng dalaga.
"I will be bringing my car tom so anyone can hop in.. I can drive by then kasi nakapagpahinga na ako.." Dagdag na lang ng dalaga.
"Ok.. Sabay na lang ako sayo," sabi ni Marge.
"Sige, sabihan mo lang what time tayo pupunta." Dagdag ni Samantha.
"I'll call you dear.. I'll be asking Steve what will be the location and what time."
"Call me early ok," paalala na lang nya kay Marge..
Mahaba-habang kwentuhan pa ang magbarkada bago sila naghiwalay.
Napagpasyahan pa ng dalaga na bumili ng susuoting bikini para sa swimming nilang magbabarkarda..
Nagwindow shopping din siya para makapag gala din before umuwi. Nawili siyang tumingin ng mga bagong labas na mga signature clothes sa mga sikat na boutique.
Umuwi na ang dalaga after nya mabili ang gustong swim wear. Nagustuhan nya iyon at naaayon sa taste nya.
"Yaya what's for dinner.." Tanong ng dalaga sa tagapag alaga pagdating sa bahay..
"Himala maaga ka, wala bang inuman ngayon iha..." Tanong sa dalaga.
*Wala ya, bukas kasi may swimming kami so I have to sleep early." Sagot na lang ng dalaga..
*Ang sarap ng ulam ya.. You're the best."
"Naku nang-uto na naman ang alaga ko.."
"Hindi ya ah.." Sagot ng dalaga ng biglang nagring ang telepono ng dalaga..
Unknown number calling..
" Sino kaya ito.."
"Hello.." Sagot ng dalaga.
"Hi sweetheart, I miss you.." Baritonong boses na nagpapagulo sa t***k ng puso ng dalaga ang bumungad sa kanya.
"Mateo, bat napatawag ka?" Nauutal na sagot ng dalaga.
"I just miss you sweetheart. Medyo matagal pa kasi ako makakauwi so I just call you to say I will miss you more" sabi ng binata sa kabilang linya.
"Well thanks for the call but I have to hang up now, may lakad pa kami bukas na magbabarkda.. With Steven and the group.. I'm sorry to cut you off." Sagot ng dalaga.
"Wala man lang I miss you too sweetheart? Tumawag pa ako para sabihing namimiss kita pero ikaw wala man lang reaction. O baka naman tumatalon ka na dyan sweetheart," tudyo ng binata dito.
"Mateo I need to sleep.. We will be early at ayoko namang mahuli ako. Bye." Huling sinabi ni Samantha bago ibaba ang telepono.
"Bye sweetheart.. See you soon.."
Naloloka na si Samatha sa mga sinasabi ni Mateo.. Naguguluhan na siya sa mga sinasabi ni Mateo.. May pa-sweetheart sweetheart pa ang binata.. Hindi na tuloy alam kung anu ang sinasabi ng binata nya na kung totoong meron ba talaga itong nararamdaman sa kanya.
Magulo ang utak ng dalaga na natulog na lang at maaga pa sila aalis para sa bonding with her friends and new found friends..