Tumitingin sa pwesto nila Samantha si Mateo habang sumisimsim ng brandy..
Maganda ka talaga kahit sa malayo.. Pero hindi ko alam kung anu ba talaga ang nararamdaman ko na to.. Hindi ko naman ito nararamdaman sa ibang babaeng nakilala ko.. Waksi sa isip ni Mateo. May mga bagay talaga na hindi inaasahan pero nangyayari na lang..
"Bakit palinga-linga ang babaeng yun, may inaantay ba siya.. Mukhang kakahiwalay lang sa bf nya pero may hinahanap agad.. May kapalit ba agad ang lalaking lulugo-lugo kanina pagkatapos nya kausapin."
Nakita nyang tumayo si Steve at lumapit kina Samantha na grupo.. Nagtaka siya na humalik pa ang barkada kay Samantha at umakbay pa dito..
Kinainis nya ang pagiging close ng dalawa.
" Anu ba itong nararamdaman ko.. Mukhang may tama na siya sa babae na ayaw nyang paniwalaan kasi hindi sya ganun..."
Pagbalik ni Steve sa mesa nila.. Tinanong nya to..
"Pare sino mga pinuntahan mo dun?", na ang tinutukoy ang grupo nila Samantha.
"Ah yun? Sila Samantha, yung sinasabi mong hindi mo magiging type.. Pupunta sila dito mamaya at baka umiba ang ihip ng hangin at magustuhan mo na siya. Inimbitahan ko na pumunta dito sa atin mamaya at dito na sila makipagbonding" .
"Ok, para makilala din natin yung mga kasama.. Mukhang umiiba na ang timpla ng kaibigan natin eh.. Type na ata si Samantha."
Tahimik na lang si Mateo.. Ayaw na muna nyang estimahin ang nararamdaman sa dalaga.. Hindi pa siya sigurado na gusto ang dalaga.. Naiintriga lang siya dito at nahihiwagaan sa mga naririnig niya ukol dito.
" Hi boys, sabi ng kasama ni Samantha.. Can we join you? Mukhang masaya dito, hindi naman siguro masama kung makasama nyo kami."
"Is this seat taken?" tanong ni Samantha sa upuan na walang nakaupo. May kanya-kanya na kasing pwesto ang barkda nya.
"Wala naman.. Ngcr lang ang nakaupo dyan, malaki naman ang pwesto so pwede na kayo magtabi.." Sabi na lang ni Steve na kumindat sa lahat...
"Andito na pala ang may-ari ng pwesto na yan..." Sabi ni Steve na kinalingon ng lahat pati na ni Samantha..
"Hi girls, Mateo here" . At nakipagkamay n ito sa mga babaeng kasama ni Samantha..
"And this lady here.." Na umupo na din sa tabi ni Samantha na makikipagkamay din..
Hinalikan pa ni Mateo ang kamay ng dalaga..
"I was just mesmerised by your beauty sweetheart", bulong ng binata.. Na kinataas ng balahibo ng dalaga dahil sa ang lapit ng labi ng binata sa tenga nya.
"Did we miss something?" Takang tanong ni Steve.
"Pare we bump to each other trice.. I feel sorry for that kasi ako lagi may kasalanan so I want to make it up to her, that's it" . Paliwanag ng binata na kinamangha ng lahat.
"This calls for a celebration. And maybe a start of a new relationship.." Kindat kay Samantha na kinalaki ng mata nito.
"Ako na naman ang nakita mo Steve at hinampas pa nito ang binata. Kahit nung nag-aaral pa tayo maloko ka na talaga."
Nagkayayaan ang grupo nila Samantha na magsayawan. Silang mga babae lang ang pumunta sa gitna at ayaw naman ng grupo nila Mateo. Nagpapaligsahan naman sa pag-indak ang mga ito. Maraming nakikipagsayaw sa kanila pero hindi na nila pinagbibigyan.
" Cheers," sabay sabi ng lahat ng makabalik na sila Samantha sa pagsayaw nila. Nagkayayaan pa ang grupo ng body shot na pinaunlakan naman ng lahat.
Magkatabi na sa upuan si Mateo at Samantha dahil hindi naman na sila nag-abala pang kumuha ng extra pang upuan para sa may sariling upuan ang isa sa kanila. Ang lapit tuloy ng katawan nila sa isa't isa. Hindi maiwasang uminit ang pakiramdam ni Mateo tuwing nasasagi nya ang malambot na katawan ni Samantha.
Tinutukso pa sila na ikinapula naman ng pisngi ng dalaga.
"Sweetheart huwag masyadong magpakalasing," bulong ng binata kay Mateo ng mapansin nyang sunod-sunod ang pagtungga ng dalaga..
"Hindi ito contest. Wala ka namang premyong matatanggap kundi hangover." Dagdag pa ng binata.
"Wala kang pakialaman. Hindi naman ikaw ang susuka, ako naman. Hindi mo naman din ako kargo so bakit masyado kang mdaldal dyan." Sabi naman ng dalaga.
"Huwag ka namang suplada pero I like that.. I like my woman to be like that. They say na mas magandang amuin ang mga ganyang klase ng babae" . Hinapit pa nito ang dalaga na dama ang bewang kasi naka crop top siya..
"You are so soft.. Hmmmphh." Bulong pa rin ng binata.
"Ano ba, hindi kita bf para umasta ka ng ganyan.." Pasuplada ng dalaga..
Ngiti na lang ang sinagot ng binata na lalo pang hinapit ang dalaga..
"I'm gonna miss you.. I'll be out for a month or less because of business. When I'm back I will make it up to you sweetheart.. Bear that in mind.."
"That's if I will be available when you come back.. Hindi rin natin alam kung magkikita pa tayo o kung gusto pa kitang makita." Sagot ng dalaga.
"Napaka nega mo naman, I'm sure na magkikita pa tayo. You will be begging for me sweetheart, I'm sure of that. You will be looking for me." Paninigurado ng binata..
"Conceited." Ngitngit ng dalaga..
Ngunit hindi naman nya matanggal ang pagkakahapit sa kanya dahil nahihilo na talaga siya..
"Ihatid mo na yan si Samantha para ako na lang magdadala ng sasakyan nya pare.. Convoy na lang tayo para alam mo kung saan bahay nya.. Baka saan mo pa dalhin yan ha, malalagot tayo. Baka hihimas tayo ng malamig na rehas nyan." Biro lang ni Steve..
"Loko-Loko.. I want my woman to be willing to go with me not like this.. Hindi nito mararamdaman kung panu ko siya paliligayahin pare." Natatawang sambit ni Mateo habang inaalalayan si Samantha na lungayngay na ang ulo sa kalasingan..
Naihatid ng matiwasay ni Mateo si Samantha na hindi pa rin minumulat ang mata. Tinawag nila yung katulong na umalalay dito pag-akyat sa kwarto ng dalaga.
"Till I meet you my sweetheart and dream of me." Hinalikan sa noo nito before ibigay sa mag-aalalay dito.
Umalis na din ang binata ng masiguradong naiakyat na ang dalaga sa kwarto nito.