"Baby I thought hindi ka na darating.. I miss you.. Pwde ba na out of town tayo ngayon.. I just wanna make it up to you for all the times na hindi na kita nakakasama.. Gusto ko maging ok na tayo.." Bungad ni Jason sa kanya.
"Kaya ako makipagkita sayo kasi may sasabihin akong importante.." Tugon ng dalaga at binabawi ang kamay na hawak hawak ng nobyo..
"Anu yun baby? Napakaimportante ba yun? Sa out of town na lang natin pag-usapan.."
"Hindi na tayo hahantong dun coz I'm breaking up with you.. I'm not happy anymore.. Hindi ito ang gusto Kong mangyari sa relasyon natin.. Kung kelan mo lang gusto na magkita tayo saka lang tayo nagkikita, kung kelan kailangan kita para karamay ka sa problema o sa kasiyahan ko wala ka.. Hindi na ako masaya Jason.. I have to let this relationship ends."
" Baby you didn't mean it right? Naguguluhan ka lang.." Awat ng binata sa dalaga..
" Wala na tayo.. Maghanap ka na lang ng iba na mas makakaintindi sayo at hindi ako yun.." Pagtatapos ng dalaga.
" Hindi ako papayag baby.. I will do everything to win you back again."
" I'm sorry Jason. Its over.. Thank you for everything.." At umalis na ang dalaga..
Sa di kalayuan, may nagmamatyag na lalaki kung paanu iwanan ni Samantha ang lalaki.. Baka nobyo nya ito na basta na lang iniwan. Mukhang nagpapaliwanag pa ang lalaki ngunit hindi na ito pinakinggan ng dalaga..
" What a brat girl.. Ito ba ang gusto ng mama nya para sa kanya. Baka lagi lang sila magbabangayan nito.."
Nakahinga ng maluwag ang dalaga dahil nakausap na nya ang ngayon ay ex na nya na si Jason.. Bagamat ayaw ng binata. Wala na itong magagawa.. May karapatan na siyang magliwaliw at single na siya.. Hindi na nya iisipin kung anu ang sasabihin sa kanya kasi single naman na siya.
Naisipan nyang icelebrate ang pagkawala sa matagal na relasyong wala namang pinatunguhan.. Tinawagan nya ang mga barkada.. Sa dating bar sila pupunta at baka makita na nya ang lalaki talagang nakalaan sa kanya.. Ngiting hanggang tenga ang dalaga sa naisip..
Inaantay na siya ng barkada kaya ngmamadali na siya. Nagpalit pa kasi siya ng damit para sa gabing iyon.. She wear a skinny jeans pair with boots and crop top to show her belly, super sexy nya ng gabing iyon.. Gabi na sana makita na nya ang lalaki na magbibigay sa kanya ng hinahangad na kaligayahan.. Sana mahanap ko na siya.
Bigla syang lumingon sa likod ng pagharap nya, may nabangga syang matipunong lalaki..
"Ayyyy.." Tili ng dalaga na akala nya masusubsob siya sa lupa.. Buti naagapan ng lalaki ang bewang nya..
"It's you again sweetheart. Nakita uli kita.." Kindat ng binata.
"Ikaw na naman.. Di mo ba ako tatantanan. Lagi na lang ikaw ang nakakasalubong ko. O baka naman stalker na kita.." Bwisit na tugon ng dalaga.
"Don't be conceited sweetheart, you are not my type so huwag kang umasta na sinusundan kita," pabulong na sabi ng binata..
"Ang sama mo.." Sabi na lang ng dalaga na pumasok sa loob ng bar.
Nakakagigil siya. Sabay dabog ng dalaga na ikinagulat ng barkada nya sa loob ng bar.
"What happen Sam? Mukhang nakisagupa ka sa labas ah.." Sabi ni Marge na Niyakap at nagbeso ang dalaga..
"Nakabanggaan ko na naman ang hambog na yun." Sambit ng dalaga habang umiinom ng tubig na basta na lang dinampot sa mesa.
"Easy ka lang. Baka naman siya na si Mr. Right."
"Over my dead body, hambog na yun, sabi ba naman Di nya ko type.. Ako si Samantha Sandoval na madaming nagkakagusto, sasabihan ng kung sino-sino lang na hindi type... Makikita ng lalaking yun.. Kakainin nya ang sinabi nya."
"Wow nahahamon itong manok natin.. Sino kaya yung lalaki na yun.. Baka naman pangit yun kaya nagsabi na hindi ka type kasi alangan siya sa pagiging dyosa mo dear.." Pag aalo na lang sa dalaga na taas baba pa rin ang paghinga sa inis sa lalaking nakasalubong.
Merong naibigay na calling card yun, at hinanap ng dalaga sa bag ang calling card at binigay sa barkada.
" Omg, this is Mateo Sandoval.. The Mateo Sandoval. Shipping Magnate. An eligible Bachelor known for one night stand only, ayaw ng commitment... Madaming negosyo at balak mag expand ng ibang negosyo.. Ang alam ko cafe ang puntirya nya ngayon since yan ang in demand.. " Impormasyon ng barkada ni Samantha.
" Paano nyo naman nalaman ang ganyan abir. " Tanong ng dalaga na nakataas ang kilay.
" Dear masyado ka ng hindi updated.. Mateo is such a good catch.. Yun nga lang hindi naniniwala sa relasyon.. So kung gusto mo makaganti, bka mahirapan ka.. Hindi ka nya papansinin since sabi pa nya hindi ka nya type."
Naaalarma ang dalaga sa ganun. Kailangang mahulog sa kanya ang binata para siya ang panalo.. Hindi siya pwdeng magpatalo dito..
" Di mo ko type ha.. Tingnan natin.." Nahahamong sabi ng dalaga..
" What if we will have a bet on this girl, kailangan mong maging bf si Mateo within a month.." Hamon ni Cheska, isa sa barkada nya..
"And what's the price? Mas magandang may price para exciting," sabi ng dalaga..
"Trip around the world dear.. Yun at kung mananalo ka.. Pag natalo ka naman, kailangan mong Ilibre kami ng trip to Palawan all expense paid trip.."
"Parang dehado ako dun ah.. Tatlo kayo tapos ako isa lang.." Ismid ng dalaga.
"Mas mahal naman ang around the world.. Palawan is just a penny for you dear.. Matalao ka man ok lang, yun ay kung patatalo ka talaga so better start your plan of having Mateo as your bf now.."
Nahahamon ang dalaga sa mga barkada nya..
"I have to win this.. Yun ang naisip ng dalaga.. I have to do my own research fo this man to be mine.. Ngayon pa lang ay naeexcite na siya sa magiging kahihinatnan nito.. Malalaman ng lalaki na yun na hindi ako basta-basta.."
"San na kaya ang lalaking yun. Nasa labas lang yun kanina.. Baka nasa tabi-tabi lang yun kaya mahahanap nya yun.." Naisip ng dalaga habang palinga-linga sa paligid.