Kakabalik lang ni Mateo sa Manila at madami syang aayusin para sa business venture na pinaghahandaan.. May imemeet din syang potential business partner sa itatayong cafe na uso ngayon sa mga kabataan at mga nag-oopisina.. Gusto ni Mateo na palawakin ang klase ng business na hahawakan.. Kailangan din nya ng exposure para sa iba pa nyang business na gustong itayo.
Mas madaming business mas maganda para na din sa ikakaganda ng buhay nya sa hinaharap. At kung maisipan na din nya na mag settle down na hindi pa sa ngayon at may magandang buhay ang magiging pamilya nya in the future.
He has to be on the meeting place early para mapag-usapan ang business na balak itayo.. Nagmamadali siya ng may mabunggo siya dahil sa hindi tumitingin sa daan ng kukunin ang cellphone para matawagan ang ka-meeting..
"Oopss.." Sabay hawak sa bewang ng nakabangga.
"My fault, I didn't see you coming.. I'm sorry.. I'm in a hurry.." Hinging paumanhin ng binata na tiningnan ang nakabanggang ang lambot ng katawan.
Only to find out it was Samantha Sandoval ang nirereto ng ina.. Napakaganda talaga sa personal.. Nabighani ang binata dito..
" Bat hindi ka kasi tumitingin.. Bulag ka ba"? Naniningkit ang matang bungad naman ng dalaga na natapunan pa ng hawak na kape, buti na lang at hindi na ito ganun kainit.. Kung mainit pa ito ay baka malapnos pa ang balat na iniingatan at isa sa mga best asset nya.
"I said I'm sorry, I was in a hurry.. I'll get back to you.. This meeting is just important.. I'll just leave you my calling card for any damages I may cause.." Dagdag na lang ng binata na nagmamadali na.. Wala na syang panahon makipag argumento sa isang brat sa ngayon.. Bahala na kung makikipag-ugnayan sa kanya ang dalaga o hindi.. This business is more important as of now. Isip na lang ng binata at tinapunan ng tingin ang naiinis na dalaga..
"That jerk.. I have a date but look at my dress.. It's a mess.. I hate him.." Bwisit na turan ng dalaga.. Na nilagay na lang sa bag ang calling card. Kailangan nya munang makabili ng bagong damit sa date nila ng kasintahan..
Tinawagan na muna nya ang kaibigang si Marge para may makasama siya magshopping saglit.
" Marge can you come with me at Green belt.. I was about to meet Jason this evening but unfortunately some jerk bumped into me while I was holding a coffee so it was all over my dress.. Could you accompany please.."
"Sure dear I'm on my way. Alam mo namang Di kita matiis. Sino ba kasing lalaki yan ha.. Makakatikim sa akin yun. Biro na lang ng dalaga para mapagaan ang sitwasyon.. Alam nyang bwisit na ang kaibigan.. I'll be there in a minute.." Along Makati lang naman kasi ang dalaga kaya madali lang nyang mapupuntahan ang dalaga..
" Thank you for accompanying me dear.. I was so freakin' mad awhile ago.." Tugon ng dalaga na Di pa rin maipinta ang mukha..
" Yan tama na at baka pumangit ka na.." Sabi ni Marge..
"I'm a bit OK na dear.. Tara para makakain pa tayo after natin maghanap ng maisusuot ko.."
Inaya na nya si Marge para makahanap na ng pamalit sa damit dahil nanlalagkit na din siya.. Pati underwear nya bibili na din siya at makapagpalit..
Kumain sa isang mamahaling resto ang magkaibigan..
" Di na ako kakain ng madami at dinner din ang date namin ni Jason. Di ko na alam kung ano ang gagawin sa relasyon namin at natatabangan na ako.. Wala man lang siyang ka effort-effort sa relasyon namin. Kung Di ko pa nalaman na dumating na siya kahapon, Di pa nya imemeet.. I'm breaking up with him today para maliwanagan siya na hindi ako maghahabol kasi Di naman siya worth it antayin.. Walang thrill." Saad na lang ng dalaga na naiintindihan din naman ni Marge.
" Tama lang yan Sam. Need mo na excitement sa love life.. Marami Jan na eligible bachelor.."
Bat biglang naalala ang lalaking nakabangga kanina dahil sa napakabango. Nito at matigas ang katawan.. Di lang nya natingnan maige ang mukha dahil nagmamadali ang lalaki sa meeting nito.
Malalaman ko din kung sino ka dahil binigay mo ang calling card mo.. Mamaya na kita pagtutuunan ng pansin at may kailangan muna akong harapin.. Ang pagkawala sa relasyong wala namang saya na naidulot sa akin..
"Dear thanks sa time mo.. Nagtext na si Jason na nasa tagpuan na namin.. I have to be there on time.."
"No prob dear... Good luck sa pakikipagbreak sa bf mo" .. Biro ng kaibigan nya bago sila maghiwalay.
"I will dear.. Kailangan ko na to para naman magkaron ng spice ang buhay ko.. Hindi tayo dapat magstay sa mga tao na hindi tayo pinapahalagahan.." Dagdag na lang ng dalaga..
Nagmamadali na lang siya sa pagpunta sa lugar kung san sila magmeet ng bf.. As much as ayaw sana nya makipaghiwalay dahil matagal na sila ng bf kaso wala man lang itong effort at hindi naman siya pinapahalagahan might as well end the relationship.
She was about to enter the resto when she bumped into a familiar body again..
"Oopss.. I get you now.."
"It's you again. Hindi mo ba ako tatantanan? Pwde ka naman lumihis para hindi mo ako makasalubong," inis na sambit ng dalaga..
Nagulat din si Mateo at si Samantha na naman ang nakabangga nito. Sa dinami-dami ng tao sa mall si Samantha pa ang nakasalubong nya.
" It's you again sweetheart.. I'm sorry awhile ago.. I have time now to make it up to you.. Kanina kasi need ko lang magmadali para sa meeting ko, ngayon free time ko na" , ngiting sambit ng binata na lalong nagpagwapo dito.
"Ako naman ang hindi pwde so umalis ka na sa tabi ko.. Nakakasira ka ng araw.." Sabay alis ng dalaga na hindi na lumingon sa binata.
"Suplada din pala ang babaeng ito. I like that in a girl. Pakipot naman ito.. Baka pag nakasama mo ako baka hindi ka bibitaw.." Naiisip na lang ng bintana habang tinatanaw ang dalaga na napaka graceful pa din ng lakad nito kahit umuusok na ang ilong sa inis sa kanya..