Nakabalik na sila sa resort after masilayan ang sunset.. Napasarap din ang pagkuha nila ng magagandang view sa Island. Nagmistula iyong pictorial na napost pa sa social media kaya tampulan ng tukso ang mga sexy photos nila..
Nahihiya man ang dalaga sinakyan na lang nya ang mga barkada na willing din sundin ang mga pose na pinapagawa dito. Nagpose sila na akala mo mga modelo. It turns out na maganda ang pagkakuha ng mga litrato nila. Parang professional photographer ang kumuha.
Natapos naman nila ang pictorial kuno ng masaya at nagkayayaan na silang bumalik sa resort. Magtatakip silim na din at mahirap ng bumyahe pag ganun.
"It was fun" ... Sabi ng karamihan.
"Bagay ka pala talaga mag model Sam.." Sabi ng mga kalalakihan na kasama nila..
"Naku, wala sa bokabularyo ko yan."
"Kung ako ang magfifinance nun tyak yayaman agad ako" .. Dagdag ni Steve sabay akbay sa dalaga..
"Baliw ka talaga kahit kelan. Wala namang kukuhang modelo sa akin." Dagdag pa ng dalaga na natatawa pa.
"Get your hands of her". Sabi ng baritonong boses na nagpalingon sa kanila.
Mukha ni Mateo na madilim sa galit ang nakita nila..
"Pare kelan ka pa dumating? Huwag ka naman masyadong manggalaiti dyan. Kadarating mo lang masungit ka na agad. Chill lang pare, relax. Ang ganda nung lugar oh, huwag mong idamay sa init ng ulo mo. Hindi ko naman aagawin si Samantha ok" .. Sabay tapik sa balikat nito para kumalma ang binata na mukhang nahimasmasan naman.
Lumapit si Mateo kay Samantha na naguguluhan sa inasta ng lalaki..
"Hi sweetheart, I miss you.." Sabay yakap sa dalaga.
"O bat may payakap ka pa.." Sabi ng dalaga na pinilit kumawala sa yakap ng binata..
"Sweetheart I flew all the way from Singapore and drove here just to see you, can I just get a hug please.." Samo ng binata na pinagbigyan na lang ng dalaga.. Naalala nya na may pustahan pala sila kaya need nya mag double time para manalo.
"O tama na muna ang babe time.. Kain na muna tayo.. Magbihis na muna lahat para fresh tayo for our dinner.."
Basag na lang ni Marge sa namumuong tensyon.
"Bihis muna ako," sabi na lang ni Samantha kay Mateo na ayaw pa syang pakawalan...
"I'm sorry sweetheart, I just miss you.." At hinalikan ang noo ng dalaga..
"I already book a room.. I'll just take a shower too.. I'm not smelling good"
At umalis na ang binata papunta sa kwarto nito after magpaalam sa lahat.
"Ang haba ng hair ng iba dyan.. Nakakainggit naman at naaapakan ko NA talaga" . Parinig ni Marge na lalong kinapula ng mukha ni Samantha.
Ngiti na lang naisagot ng dalaga. Hindi rin maiwasan na kiligin siya sa mga ginawi ni Mateo. It just sound so sweet ng umuwi pa ito para makita siya. Alam nyang may importanteng lakad ang binata sa ibang bansa. Biglang tahip ng dibdib nya. Anu na namang pakiramdam to, tanong nya sa sarili.. Hindi rin siya makapaniwala kung kaya ba nyang harapin uli ang sweetness ng binata. Papatangay ba siya o hindi.. Paniniwalaan ba nya ang matamis na salitang lumalabas sa bibig nito.
Nagsuot na lang siya ng sweet shirt at puting short na lalung nag emphasize sa magagandang legs nya..
"Sexy as ever talaga itong friend ko.." Napasipol pa si Marge habang tinitingnan ang kaseksihan ng dalaga.
"Yan na naman ang fan ko" . Biro na lang ng dalaga.
"Napakabango pa. Parang may namumuong love life mamaya ah" .. Sabi na lang ng dalaga..
Nagblush tuloy ang dalaga sa panunudyo ni Marge. Pasimple nyang kinurot ang dalaga sa kadaldalan nito.
"Hindi mo talaga ako tinitigilan Marge sa ganyan. Baka ano isipin nung tao. Baka mamaya may nililigawan pala yun."
"Sa tingin ko naman wala kasi hindi naman yun mag-aabalang pumunta dito kung may ibang pinopormahan yung tao." Paglilinaw ng dalaga.
"Tara na guys, table is ready.. We will be having a boodle fight and then a bon fire with a game later.. Just one game lang para getting to know more tayo." Dagdag pa ni a Steve..
Magkatabi sa upuan si Mateo at Samantha.. Si Mateo pa taga-balat ng hipon ni Samantha.. Inaasikaso nya ang dalaga kasi gusto nyang maramdaman nito ang pagkamiss sa dalaga.
"That's enough Mat. I'm full," awat ng dalaga ng gusto pa uli kumuha ng pagkain ang binata para sa kanya..
#Ang sarap pakinggan when you call me by that sweetheart.. It's music to my ears.."
At lumapit pa lalo ang binata dito na kinailang naman ng dalaga.. Binalewala nya na lang sa isiping kailangan nya ito para manalo sa pustahan nila.. Pero sa pusta nga lang ba talaga o may iba na syang nararamdaman.. Hindi rin alam ng dalaga basta ang alam nya she was enjoying the moment. Ang alam nya ay may unting namumuong pagtingin sa binata na hindi nya alam kung makakayanan pa nyang itago pag magiging pursigido ang lalaki sa pinapakita nito sa kanya.
Natapos din ang pagkain nila na halos subuan na sya ni Mateo.. Napakasweet ng binata kaya wala ding makalapit na ibang lalaki kay Samantha dahil bakod nya ito..
"May jaworski pa tayong kasama ah.." Sabi ni Marge ng umalis si Mateo kasi may biglang tumawag..
"Bantay sarado friend. Ultimo hangin hindi makadaan.. I'm so happy for you. You deserve to be happy.. At mukhang malilibot mo pa ang buong mundo ah.."
Napandilatan nya ng mata ang dalaga kasi parating na si Mateo..
"Ano yung malibot ang buong mundo sweetheart?" Tanong ng binata sabay hapit sa bewang ng dalaga..
"Wala, I was just planning to tour around the world in the future.. Kung may pagkakataon lang din naman na makaalis diba." Dagdag na lang ng dalaga na kinakabahan at baka mabuko siya ng binata. Ayaw nyang malaman nito ang ginawa nilang pustahan na tyak nyang ikakagalit nito.
" Can I come?" Tanong naman ng binata sa kanya na nagsusumamong isama nya.
"If you're not busy why not.." Pagsasakay na lang ng dalaga para mawala ang kaba sa dibdib nya na baka malaman ng binata ang pustahan nilang magkakaibigan.