Truth or dare

1013 Words
After nila makapagpahinga dahil sa boodle fight. Dumeretso na sila sa bonfire area para matanggal naman ang panlalamig ng katawan nila since medyo may kalamigan ang lugar. Kanya-kanya silang pwesto para makapagsimula na din ng kung ano ang naisipan nilang gawin. "It was a nice night.. Hindi gaanung malakas ang hangin, perfect for bonfire and a game." "Ok guys, since this is our first get together we will hava spin a bottle as a game.. You all know the mechanics of the game right? Lahat naman siguro dumaan sa ganitong laro." "Truth or dare.. If you wanna answer truth then we will be asking questions ad if it is a dare, I prepare tasks in a bowl.. Bubunot na lang ng magiging dare.. This will be fun since Mateo is here." Bigla na lang napakunot ang noo ni Mateo bakit special mention sya. Mateo is just ok with it as long as malapit siya kay Samantha.. Clingy na siya masyado.. Hindi sya ito, naninibago na sya lalo na pag malapit lang si Samantha. Mas magandang makilala na nya ang dalaga habang maaga pa at ng malaman nya kung talagang ito ba talaga eh karapat dapat naman na maligawan. Hinahayaan na lng ni Samantha si Mateo humawak ng kamay nya habang naglalaro sila. The more na binabawi nya ang kamay the more na humihigpit ang hawak nito.. She just have to enjoy the moment.. "Sweetheart huwag mo naman bawiin ang kamay mo.. I just wanna be with you.." Bulong ng binata dito.. "Ok let's start," sabi ni Steve na siya na ring nagspin ng bottle.. Unang natapatan si Marge.. "Truth or dare.." "Truth," sagot ni Marge na mukhang excited na sumagot sa itatanong dito. "So may crush ka ba sa grupo?" Tanong ni Steve sa dalaga na mukhang nag-iisip ng isasagot. "Kasama ba talaga yan sa tanong at kinuha nga nito ang tanong na nakasulat sa papel para makasiguro. Mukhang gawa-gawa mo lang kasi eh, pagbibiro pa ni Marge." "Tama nga, akala ko gawa-gawa mo lang eh," sabay tampal sa braso ng binata. "Ok, crush ko si Mateo pero talo na ko, si Samantha ang gusto.. Crush lang naman friend kaya no harm done." Nag peace sign pa ang dalaga kay Samantha na nakadilat naman sa kanya. Nag spin uli, this time si Samantha na ang natapatan. Nagulat pa siya ng mapatapat sa kanya ang bote, hindi nya akalain na sa kanya agad mapapatapat ito. Medyo natetense na siya sa tanong o kung ano man ipapagawa sa kanya. "Truth or dare?" Tanong sa dalaga... "Dare.." Kiming sagot nito, medyo kabado pa siya sa ipapagawa at nanalangin na sana hindi naman mahirap iyon. "Halikan mo ang lalaking tingin mo ay hindi ka maaatract. Yung tipong kaibigan lang ang turing mo o kapatid" . Tumayo ang dalaga at hinalikan si Steve sa pisngi at bumalik sa pwesto na katabi si Mateo.. "Sabi ko na eh hindi ako attractive sayo talaga. Kapatid talaga hindi ba pwede kaibigan na lang para may konting pag-asa pa." Pabirong sinabi ng binata ngunit bigla nya ring tinikom ang bibig dahil nakita nyang mukhang papatay na si Mateo sa tingin ng karamihan.. Pagbalik ng dalaga sa pwesto ay hindi na maipinta ang mukha ng binata. Ginagap na lang nya ang kamay nito para icomfort ang binata. "Sweetheart bat ganun ka humalik sa kanya, sa akin mukha akong may ketong pag katabi mo.." Tampo nito at tinanggal pa ang pagkakapit nya sa kamay nito. Hinawakan na lang nya uli ang kamay ng binata para hindi na ito magtampo ng tuluyan. Mabuti at hindi na ito bumitaw kahit alam nyang naiinis pa rin ito sa ginawa nyang paghalik kay Steve. "It was just a friendly kiss, you don't have to frown or got jealous.." Nangingiting sabi ni Samantha para pagtakpan ang kabang nadarama sa pagtatampo ng lalaki at baka hindi na siya nito kibuin. Ang sumunod na tinapatan ay si Mateo na. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito pero gwapo pa rin sa paningin ni Samantha. " Truth or dare." Tanong ni Steve sa binata "Dare" , sagot naman ni Mateo. Medyo suplado pa rin dahil mukhang naiinis pa ito sa kaibigan sa paghalik ni Samantha dito. "Halikan mo ang babaeng ayaw mong mawala sayo, yung tipong nagagalit ka na pero dyan ka pa rin para sa kanya." Pinakita pa ni Steve ang papel at yun nga ang nakasulat.. Nagulat na lang si Samantha ng tumayo ang binata at bigla itong bumalik para halikan siya ng malumanay na kinagulat nya.. Saglit lng din naman yun pero nayanig ang mundo ng dalaga. Kinawindang ng dalaga ang halikan nila ng binata na nauwi sa tuksuhan. Nagpatunog pa ng baso ang iba na para bang kasal na nila Mateo at pinapaulit ang halikan nila. "May nanalo na.. Tulog na tayo para hindi tayo mainggit." Mahinang sigaw ni Marge na kinayuko ni Samantha.. "I'm sorry sweetheart, I just can't help it. But I'm not sorry for kissing you really, I enjoy it.. And wanting for more.. Maybe later.." Half smiling face of Mateo was evident and it gives shivers to Samantha.. "Loko ka talaga" , kurot na lang ng dalaga.. Nagpatuloy pa ang kulitan nila sa truth or dare at nag inuman na din. "Tama na yan sweetheart na inom.. Bubuhatin na naman kita mamaya." Biro ng binata dito. "I just wanna enjoy.. We are here to enjoy Mat so be it. Just be a gentleman." Sabay siksik sa katawan ng binata dala na rin ng nahihilo na sya.. "I like it when you are not ashamed to be with me. Masarap sa pakiramdam na malapit ka sa akin. Hindi man maganda ang una nating pagkikita atleast ngayon unti-unti na nating naayos kung ano man ang pangit na nangyari. Sana huwag ka ng lumayo sa akin my Sam.." Siniksik na lang nya katawan nya palapit sa binata. Gumagaan ang pakiramdam nya pag ganitong ang sweet ng binata sa kanya. " Sweetheart can we talk now just the two of us?" Tumango na lang ang dalaga at nahihilo na talaga siya.. Napakapit na sya ng mabuti sa binata..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD