Mag-isang naglalakad si Amira na naka-paa sa tabi ng dagat habang malalim ang iniisip. Hindi niya na pinakialaman ang plano ng kanyang Ama dahil may nakahanda na siyang plano kung saan siya lamang ang kikilos para wala ng madamay. Naisipan niya pang lumusong sa dagat hanggang umabot na ang tubig sa kalahati ng kanyang katawan. “Amira!” Natigilan na lamang siya nang marinig ang boses ni Mortem. Bahagya siyang lumingon at nakita niyang hingal na hingal si Mortem, nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang si Mortem ay papalapit sa kanya. “What the hell are you doing?" ani Mortem nang makalapit na sa kanya. Hinawakan niya na rin ang magkabilang-balikat ni Amira, labis ang pag-aalala nito. “Nothing,” sagot naman ni Amira. Tuluyan nang hinawakan ni Mortem ang kamay ni Amira at naglakad

