Mapait na ngumiti si Rara nang muli niyang makita ang puntod ng kanyang Ama. “You're so weak, Dad,” mahinang sabi niya at umupo na sa harap ng puntod. “Hindi ka na sana nag promise kay mommy,” at dinaan niya na lamang sa tawa dahil nagsisimula na naman siyang makaramdam nang pighati. “Hanggang ngayon hindi pa rin napawi ang kalungkutan ni Ina dahil sa pangako mo. Gusto niya na ngang sumama sa'yo, paano naman ako?” at tuluyan nang tumulo ang luha ni Rara. “I really hate you, iniwan mo kami. Anong gagawin ko daddy?” mas lalong humagulgol si Rara kaya hindi na nakapagsalita. “I will never leave you.” Napatingin siya sa pinanggalingan nang boses. Tumambad sa kanya si Daem na nasa tabi niya na. Kaagad niya namang pinunasan ang kanyang luha. “Daem, anong ginagawa mo rito?” “Samahan ka, baw

