Hindi mapakali si Amira. Paikot-ikot siya sa sala habang malalim ang iniisip. Hanggang ngayon naghahanap pa rin siya ng paraan para mapigilan ang gustong mangyari ng kanyang Ama. Kasalukuyan niyang hinihintay ang kanyang Ama imbis na matulog na. Mayamaya pa nagpakita na si Felipe. “Prinsesa, dumating na ang ‘yong Ama,” aniya nang makalapit sa kanya. “Salamat, Felipe,” ani Amira at umakyat na para muling makausap ang kanyang Ama. Kumatok muna siya bago pumasok. Nadatnan na naman niya ang kanyang Ama na umiinom ng alak. “Ano na naman bang problema, Amira?” seryoso siyang tinignan ng kanyang Ama pagkatapos maglagay ng alak sa kanyang baso. Lumapit na siya sa kanyang Ama at kinuha ang baso sa kanya. Nilapag niya 'to sa lamesa. Walang nagawa ang kanyang Ama kundi ang makinig sa sasabihin ni

