Hanggang ngayon ang tanging ginagawa nila ay pagsasanay na ginagawa niya rin sa kanilang mansyon kasama ang kanyang Ama. Sawang-sawa na si Amira, nang siya ay nasa Pilipinas ang tanging ginagawa niya rin pampalipas oras ay pagsanay o 'di kaya mag-aral. Dito, wala ngang pagsusulit o kahit anong may kinalaman sa pagsasagot ngunit naghahamon ka naman ng laban o 'di kaya magsanay buong araw. Matapos ang dalawang oras na walang sawang pagsasanay, naisipan ni Amira na magpahangin at magpahinga sa likod ng gusali kung saan na siya madalas tumambay. Umupo siya sa damuhan at dinama ang hangin. Mayamaya pa ay naisipan niyang humiga sa damuhan. Hindi mainit dahil sa laki ng gusali na natatakpan ang sikat ng araw. “I knew it.” Hindi niya pinansin si Brendan na umupo sa tabi niya. “Are you really t

