Nagising nang madaling araw si Amira at dahil hindi na siya makatulog ay naisipan niyang pumunta sa library. Ang mga libro na nasa library ay iba’t ibang klase, hindi lang tungkol sa Mafia. Pagpasok niya sa loob ay nakita niya namang nakaupo ang kanyang Ama sa couch habang nagbabasa. Kumuha muna siya ng libro bago lumapit sa kanyang Ama. Sa kabilang couch siya umupo kung saan katapat niya ang Ama niya. “Father, bakit gising ka pa?” Tinigil naman ng kanyang Ama ang pagbabasa saka tiningnan siya. “May chineck lang ako. Ikaw, bakit gising ka pa?” “Nagising ako. Hindi na makatulog kaya naisipan kong pumunta rito at magbasa baka sakaling antukin ulit.” “Hmm, okay,” at ipinagpatuloy niya na ang pagbabasa. Binuklat na ni Amira ang libro at bigla na lang sumagi sa kanyang isipan ang tungkol s

