CHAPTER 10

1853 Words
SUNDAY Ang kaarawan ni Amira Miller. Exclusive only for the people in the World of Mafia. Hinihintay na lamang nila ang paglabas ni Amira para magsimula na ang party. “Please welcome, King Herald!” ani Felipe at lumabas na si Haring Herald kasama ang kanyang anak na si Amira. “With his daughter, Princess Amira!” Lahat naman ay pumalakpak pagkatapos tumungo bilang paggalang. Itinaas din nila ang hawak nilang wine glass at sabay sabing, “Maligayang Kaarawan, Prinsesa Amira!” bati nila kay Amira. Ngumiti na lamang si Amira at nag-bow bilang pasasalamat sa kanila. Pumwesto na sila sa kanilang mga upuan para makakain na. “Father, may kukunin lang ako sa kwarto.” “Ipakuha mo na lang sa maid kung hindi naman importante ‘yon.” “It’s okay. Ako na.” “Okay, bumalik ka agad dahil ipapakilala pa kita sa mga maimpluwensiyang tao rito sa mundo ng Mafia.” Tumango lang naman si Amira at iniwan na ang kanyang Ama. Ang totoo niyan, hindi talaga pupunta si Amira sa kanyang kwarto. Gusto niyang magtungo sa kanilang hardin kung saan walang tao ngayon do’n. Nasasakal kasi siya sa mga taong nakikita niya lalo na’t alam niyang lahat sila ay madami ng mga napatay na tao at nararamdaman niya na habang patagal siya nang patagal dito ay mapipilitan siyang lumaban at pumatay na rin ng tao. Kahit na unti niya ng natatanggap, pinipigilan pa rin niya ang sarili niya lalo na’t hiling ‘yon ng kanyang Ina no’ng bata pa siya. Isa lang naman ang misyon niya, ang maghiganti na alam niya na hindi rin magugustuhan ng kanyang Ina. Alam niya rin na marami nang nagbago, isa na ang pagkatao niya. At dadating din ang araw na kailangan niyang magdesisyon. Sa ngayon, hindi niya pa talaga kaya. Umupo na siya sa damuhan at pinagmasdan ang kalangitan, isa-isa namang nagniningning ang mga bituin sa kanyang mga mata. “Mom, I miss you…” sambit niya habang nakatingala sa kalangitan. “You really love to be alone.” Napatingin siya sa nagsalita. Inirapan niya naman ‘to nang malaman niya na tama ang kanyang hinala. Si Mortem lang naman ang kanyang nakita. “Hayaan mo akong mag-isa, Mortem.” “No.” aniya at tumabi na sa kanya. “Happy birthday.” “Thank you…” Sabay naman nilang pinagmasdan ang kalangitan. “Hayaan mo muna akong makasama ka lalo na’t kaarawan mo ngayon. Kahit ngayon lang, ‘wag mo akong ituring na kaaway mo,” muling nagsalita si Mortem habang nakatingin pa rin siya sa langit nang sulyapan siya ni Amira. “Okay,” at napabuntong-hininga naman siya. “How about my father?” muli siyang tiningnan ni Amira. “Wala namang problema ngayon dahil kaarawan mo.” “Yeah...” at napatango si Amira. Hindi naman gugustuhin ng kanyang Ama na masira ang kaarawan niya. Ibinalik na ulit ni Amira ang kanyang paningin sa kalangitan. “You love stars?” “Yeah, sabay naming tinitingnan ‘to noon ni mama.” Naikuyom naman ni Mortem ang kamay niya. Alam niyang hindi niya na mababalik ang nakaraan. “I'm sorry…Even if I want to, I can't bring back the past, Amira,” sinserong sabi ni Mortem na ikinagulat ni Amira. Hindi umimik si Amira. Nanatili ang paningin niya sa kalangitan habang malalim na ang iniisip. “Nangyari na, eh. Tapos na,” wala sa sariling nasambit niya at napatingin na muli kay Mortem. Dahan-dahan ding tiningnan ni Mortem si Amira. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Sa mga mata ni Amira na naghahangad nang kasiyahan. Sa mga mata ni Mortem na punong-puno nang kalungkutan. “Bakit ba nakakaramdam ako nang lungkot sa tuwing nakikita ko ang mga mata mo?” nasabi na lamang ni Amira habang pinagmamasdan niya ‘to. “Is it worth it? To have this kind of power but you're not happy,” lumabas na lamang sa bibig ni Mortem. Bigla namang umiwas nang tingin si Amira. “No,” tipid niyang sagot. “Then, you can see it for yourself, Amira. Madami ka pang kailangan malaman sa mundong ‘to.” “I know…” “Hayaan mo sana akong ipakita ‘yon sa’yo.” “Should I trust you?” napatingin na lamang si Amira sa kanyang kamay nang hawakan ‘to ni Mortem. Tumayo na si Mortem na hawak pa rin ang kaliwang kamay niya. “Yes.” Muli niyang tinitigan ang mga mata ni Mortem. “I trust your eyes,” at inalalayan na siyang makatayo ni Mortem. “Trust my eyes if that’s what you want.” Bahagya namang napangiti si Amira. Hindi niya malaman ang dahilan kung ano ang nararamdaman niya ngayon pero alam niya na ang mga mata ni Mortem ay isa sa mga magaganda na kanyang nasilayan. Sabay na silang pumunta sa Grand ball ng mansyon. Binitiwan na ni Mortem ang kanyang kamay dahil lumapit na si Amira sa kanyang Ama. “Saan ka galing?” tanong ng kanyang Ama. “Nagpahangin lang.” “Amira…” nasabi na lamang ng kanyang Ama at tinawag na ang kanyang mga bisita. Limang lalaki na may edad na ang isa-isang humalik sa kamay ni Amira. “Maligayang Kaarawan, Prinsesa Amira,” bati nila. “Thank you.” Ipinakilala ng kanyang Ama kung sino sila na may organisasyon din na tinatahak sa mundo ng Mafia. Sumunod naman ay ipinakilala pa ng kanyang Ama si Amira sa iba pang mga tao na hindi naman kilala ni Amira dahil nanggaling pa ‘to sa ibang bansa. Pagkatapos nagsimula nang tumunog ang mga instrumento na pinapatugtog ng mga musikero hudyat na sayawan na. Ang mga Mafiusu naman ay nagpunta na sa kanilang mga napupusuang Mafiusa para ito’y maisayaw. Habang tumutugtog ang musika ay abala naman si Amira sa pakikipag-usap sa mga hindi niya ka-kilala. Siya lamang ay napag-utusan ng kanyang Ama. “Hey! Remember me?” sinalubong siya ng magandang Mafiusa. “Matia?” “That's right! Happy birthday!” nakangiti niya namang sabi. “Thank you,” nakangiting sabi rin ni Amira. “You're so beautiful, do you have a boyfriend?” tanong naman ni Matia. “Mas maganda ka pa nga sa ‘kin at wala akong boyfriend.” “Really? So, hindi pala kayo ni Mortem?” “No way!” umiiling pang sabi nito. “Defensive?” at tumawa si Matia. Napailing na lamang si Amira. Ininom niya na ang champagne na kanina niya pa hawak. “Bagay na bagay kayo but, sadly hindi pala kayo. Why?” “Complicated,” nasabi na lamang ni Amira. “Ang daming gustong isayaw ka. Natatakot silang yayain ka,” natatawang sabi naman ni Matia. Ngumiti na lamang si Amira at nagpaalam na si Matia sa kanya. Mayamaya pa ay lumapit na si Brendan kay Amira at inilahad ang kanyang kamay. “May I have this dance, Princess?” nakangiting sabi naman ni Brendan. Tumango naman siya at hinawakan na ang kamay ni Brendan. Nagsimula na silang sumayaw, naagaw nila ang atensyon ng lahat sa pagsayaw nilang dalawa sa gitna. Sumasabay pa ang tela ng gown ni Amira sa ritmo ng musika. Tahimik nilang pinanood ang dalawa na nasa gitna, nasa kanila ang spotlight. “Magaling ka pa lang sumayaw,” puri ni Brendan. “Ginagawa ko ‘to no’ng nasa Pilipinas pa ako,” sagot naman ni Amira. “That’s great. You’re so beautiful tonight, Amira,” muling ngumiti si Brendan. “Thank you, Brendan.” Pagkatapos ay sinayaw naman siya ng kanyang Ama. “Naunahan pa ako ng lalaking ‘yon. Are you okay, anak?” “I'm fine and happy, Father.” “That's good to hear,” ngumiti na ang kanyang Ama. “Kamukhang-kamukha mo talaga ang ‘yong Ina." “I miss her so much, Dad.” “Me too,” naluha na lamang ang kanyang Ama. Pinunasan naman ni Amira ang luhang nakawala sa kanang mata ng kanyang Ama. “Everything will be according to my plan, Amira.” “Father—” hindi naman naituloy ni Amira ang kanyang sasabihin dahil niyakap na siya ng kanyang Ama. Madami pang humiling na maisayaw si Amira ngunit umayaw na si Amira. Lumapit naman si Rara, Ibbie, Zurikka at Fairoze sa kanya upang batiin siya. “Amira, Happy birthday!” sabay na bati naman ni Ibbie at Rara. “Happy birthday, Princess,” sabi naman ni Zurikka. “Happy birthday, Amira!" masiglang bati ni Fairoze. “Thank you. Pasensya na lumapit pa talaga kayo sa ‘kin.” “It's okay, Amira. Gan’yan talaga lalo na’t madaming bisita ang ‘yong Ama,” sabi naman ni Zurikka. “Oo nga, eh. Hindi ko naman kilala.” Nagawa pa nilang mag-usap saglit nang magpaalam na si Amira sa kanila. “Please, enjoy the party. Gusto ko lang na magpahangin muna sa labas,” muling ngumiti si Amira at umalis na. “Enjoy!” pahabol ni Rara dahil alam niyang si Mortem ang pupuntahan nito. Tumakbo na papunta si Amira sa hardin at nakita niya na ulit si Mortem na nakatayo at nakatingala sa langit. “Mortem…” banggit niya. Tiningnan na siya ni Mortem at nilapitan. “You came. Gusto ko, ako ang huling lalaki na makakasayaw mo,” kinuha niya na ang isang kamay ni Amira at inilagay ‘to sa kanyang balikat at nilagay na ni Amira ang isa pa niyang kamay sa balikat ni Mortem pagkatapos hinawakan na ni Mortem ang baywang ni Amira at nagsimula na silang sumayaw nang marahan kasabay nang malamig na simoy ng hangin. “Bukas, balik na tayo sa dati.” “Yeah,” sabi naman ni Amira. Nagulat naman siya ng biglang nag-iba ang direksyon ng kamay ni Mortem, bigla siyang niyakap nito. “Mortem…” “Say my name one more time, please.” “Mortem…” Napangiti na lamang si Mortem. Kumalas na si Amira sa kanyang pagkakayakap at tiningnan si Mortem sa mga mata. Bigla na lamang dumapo ang kamay ni Amira sa pisngi ni Mortem at marahan itong hinaplos saka dahan-dahan siyang ngumiti. “Why do I feel this?” may nararamdaman na naman si Amira, pagkirot sa kanyang puso. Nasasaktan siya ngayon, sa ginagawa niya ngunit hinahayaan niya lang ang kanyang sarili na masaktan. “It’s hurting me, Mortem.” Hinawakan naman ni Mortem ang kamay ni Amira na nakahawak sa kanyang pisngi at inilayo na ‘to sa kanya. “Huwag mong pilitin,” sabi niya at hinalikan niya na sa labi si Amira. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Amira dahil sa ginawa nito ngunit ipinikit niya na lang din ang mga mata niya at hinayaan ang kanyang sarili na gumanti sa halik ni Mortem. “When I saw you for the first time, I know you're the only woman that can melt my heart but, destiny is so cruel it made us an enemy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD