CHAPTER 9

2533 Words
SATURDAY Dumating na ang pinakahihintay nilang araw. Lahat ay inaabangan na ang pagdating ni Amira Miller at Ibbie White. Punong-puno na ng tao sa Arena. Dumating na rin si Haring Herald at kasama niya si Felipe na nasa kanyang kanan habang nasa tabi niya naman si Mrs. Marie at ang gurong si Hatia. “Marie, how's my daughter?” “She's quite mysterious, like your wife. Unang pagkikita namin ni Aya ay akala ko she's just an ordinary woman pero nagkakamali ako, magaling talaga siya.” Napangiti naman si Haring Herald. “Of course, she's my Queen.” Mayamaya pa ay naglalakad na papasok si Amira at Ibbie sa loob ng stage ng Arena. “Bakit kasi hindi mo baguhin—” “Walang magbabago, Marie. Your son will die.” “I won’t let that happen,” sumeryoso naman si Mrs. Marie. Hindi na pinansin ng Hari ang sinabi ni Mrs. Marie. Nasa itaas sila na bahagi ng Arena kung saan kitang-kita nila ang mga nangyayari sa baba. Sa loob ng Arena, nasa gilid naman ang mga kagamitan na p’wede nilang gamitin panlaban. Kumuha na ng dagger si Amira habang si Ibbie ay gano'n din. “Hmm, dagger vs. dagger?” sabi naman ni Mrs. Hatia. “Magkakasubukan kung sino ang mas magaling humawak ng dagger,” ani Mrs. Marie. Napatingin naman ang dalawang Mafiusa sa taas para makita ang pag-signal ni Haring Herald na kung saan magsisimula na ang labanan. Tinaas na ni Haring Herald ang kanyang kanang kamay at dahan-dahan itong binaba hudyat na p’wede na silang magsimula. Matalim na nagkatitigan ang dalawang Mafiusa at agad na lumayo sa isa't isa. Unang nagpakawala ng dagger si Amira na agad namang sinanggi ni Ibbie gamit ang kanyang dagger kaya hindi siya natamaan. Nagpatuloy ang laban. Nagkakadikitan ng dagger, lumalaban ng patas na wala pang nasasaktan. Sabay naman nilang itinatapon ang dagger sa isa't isa na naiilagan naman nila. Pagkatapos, naglaban naman sila nang walang hawak na kahit anong matulis na bagay. Nagpapalitan sila ng suntok at sipa na naiilagan ng bawat isa, parang naglalaro lamang sila. Masyadong madali ang labanang ‘to para sa kanila. Masisipa na sana siya ni Ibbie ngunit ginawa namang panangga ni Amira ang kanyang braso dahilan para bahagyang magulat si Ibbie, masyadong mabilis ang pangyayari kung saan hindi kaagad nakakilos si Ibbie para sa susunod na mangyayari. Kinuha kaagad ni Amira ang paa ni Ibbie gamit ang isa niyang kamay at buong lakas niya ‘tong pinaikot para mabali sabay tulak kay Ibbie at tuluyan niya nang binitawan ang paa nito kaya ito’y bumagsak sa sahig. Napamura na lamang si Ibbie at parehas na silang naghahabol nang hininga. Lumapit na si Amira sa kanya at inilahad ang kanyang kamay para patayuin ito. Hindi naman ‘to kinuha ni Ibbie. “Kaya kong tumayo,” aniya. “Itigil na natin ‘to, Ibbie. Wala ‘tong patutunguhan,” sabi naman ni Amira. Kahit papaano, naiisip niya pa rin ang kapakanan ni Ibbie kahit na nangako siya sa kanyang Ama na mananalo siya ngunit sa mga oras na ‘to, alam niya na hindi ‘to magugustuhan ng kanyang Ina. “No way!” “Amira, finish her!” narinig namang sigaw ni Haring Herald sa kanyang anak. Napatikhim na lamang si Amira. “See? Your father wants me dead.” “Walang mamatay.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ibbie. “Huwag ka ng magkunwaring mabait, Amira. Tayong dalawa lang ang nandito at malayo sila sa atin. Hindi ka nila maririnig kung may sasabihin ka mang masama.” “This is me, Ibbie.” Napangisi naman si Ibbie. “Okay then, I'll kill you,” agad niya namang nilabas ang kanyang baril na galing sa kanyang likod. May nakatagong baril doon. “I will not lose. I'm sorry, Ibbie,” sabi niya at kinuha na ang kanyang revolver na nakaipit sa kanyang black shorts. Sabay nila ‘tong itinutok sa isa't isa. “Shoot!” muling narinig ni Amira galing sa kanyang Ama. “I'm sorry, Ibbie.” “I'm ready,” ngumiti na si Ibbie at ipinikit ang kanyang mga mata.     Flashback Bago magsimula ang laban ay kinausap muna ni Wilder si Ibbie. “Galingan mo,” ani Wilder at niyakap na siya. “Nakakailan ka na,” natatawang sabi naman ni Ibbie. Kumalas na siya sa pagkakayakap ni Wilder. “Wilder, promise me you'll be there for everyone like you always do for me.” “Anong balak mong gawin, Ibbie?” kunot-noo na tanong naman ni Wilder. “I don't like that Ibbie. ‘Wag kang gagawa ng kabulastugan.” “Matatalo ako. Una pa lang, alam kong matatalo na ako kay Amira. Kaya ginawa ko na ang oportunidad na ‘to na patayin na lang ako…” matagal na ring nasa isipan ni Ibbie na mas mabuting mawala na rin siya. “Walang mamamatay sa inyo,” giit ni Wilder. “Nando’n si Haring Herald. Malamang may kailangang mamatay.” “Hindi ka magagawang patayin ni Amira.” “Then, who's going to win? ‘Di ba, wala?” “Walang mananalo dahil parehas kayong magaling!” Umiling naman si Ibbie. “Papasok na ako. Take care, Wilder.” End   Sa pagputok ng baril ay natahimik ang lahat at nagulat sa kanilang natuklasan. May bigla na lamang yumakap kay Ibbie. Dahan-dahan namang iminulat ni Ibbie ang kanyang mga mata. “Wait what? I'm still alive?” sabi niya naman sa kanyang sarili. “Yes,” mahinang sabi ni Wilder. Napatingin na siya kay Wilder. “Bakit ka nandito? Anyare? Si Amira?” “She's fine,” ani Wilder at gumilid na para makita ni Ibbie si Amira na wala ng hawak na baril dahil ito’y binaril ni Wilder kaya nabitawan ni Amira. Natigil ang labanan dahil sa ginawa ni Wilder. Pumasok talaga siya sa loob ng stage para pigilan ang posibleng mangyari dahil kilala niya si Ibbie na tutupad talaga ‘to sa usapan kung saan hahayaan na lang nito na mamatay siya na ayaw namang mangyari ni Wilder. “Hindi ko naman hahayaan na mangyari ‘yon,” saad pa ni Wilder. Lumapit na sa kanila si Amira. “That was unexpected. Good job, Wilder. Sana hindi ka mapagalitan ng aking Ama,” at bahagya siyang natawa. “Oh, yeah, about that,” napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Natawa na rin si Ibbie. “Amira, I will accept the fact that I lose this fight. You're right, Princess,” tuluyan nang ngumiti si Ibbie sa kanya at tumungo bilang paggalang. “Thank you, Ibbie,” at ngumiti na rin si Amira. Lahat naman ng tao sa paligid ay pumalakpak na. After all, it was a good fight. “Amira Miller wins the game!” hatol na ni Mrs. Marie kung sino ang nanalo. “Wilder,” pagtawag naman ni Ibbie. “Yes?” “Thank you,” isang ngiti ang pinakawalan ni Ibbie. Ngiti nang isang inosenteng anghel na gustong makitang muli ni Wilder. “You did great, Ibbie White,” at muli niya nang niyakap si Ibbie. “MILLER! MILLER! MILLER!” “WHITE! WHITE! WHITE!” Sigaw naman ng mga Mafiusu't Mafiusa. Naniniwala silang lahat na ang dalawang Mafiusa na nasa harapan nila ay isa sa mga magagaling at kinakatakutan sa mundo ng Mafia. Para sa kanila walang natalo o nanalo dahil naniniwala sila na parehas silang magaling at may paninindigan. Katulad nga ng sinabi ni Mrs. Marie kapag nasa loob ka ng Mafia University walang mangyayaring p*****n dahil hinahayaan ang lahat na maipakita ang kanilang galing nang walang p*****n na magaganap. Hindi nasusukat sa tao kung ilang na ang mga napatay nito. Nasusukat ito sa galing, kakayahan at paninindigan para ikaw ay manalo sa isang labanan. Sinalubong na ni Amira ang kanyang Ama nang ito’y bumaba. “Father.” “You did well but still not good enough.” “Sinira ng lalaking ‘yon ang dapat mong gawin,” tinuro niya naman si Wilder na masayang nakikipagusap kay Ryker at Daem. “Herald, hindi p’wede sa University ko ang gusto mong mangyari. My property, my rules. Ako ang masusunod dito,” pagtatanggol ni Mrs. Marie kay Amira at Wilder. “Tama lang ang ginawa ni Wilder Gill.” “Then, I should go now. Nasayang lang ang oras ko,” sabi naman ni Haring Herald at nilagpasan na ang kanyang anak. “Paalam, Prinsesa,” ani Felipe. Napatungo na lamang si Amira. “You did great, Amira. Don't mind them,” sabi naman ni Mrs. Marie. “Congrats, Princess Amira,” bati ni Mrs. Hatia. “Thank you, Mrs. Marie and Hatia.” Lahat naman ay bumalik na sa kanilang mga gagawin. Halos lahat ay nasa cafeteria na para kumain. Hindi naman gano’n kaingay, sakto lang. May kanya-kanya silang table, magkakasama ang bawat Gang. “Where’s Mortem?” tanong naman ni Zurikka. “Ayun, nabaliw na,” biro ni Ryker. “Nagpahangin,” matinong sagot naman ni Kane. “Sus, ayaw lang sumama sa atin dahil kasama na natin si Amira, eh,” sabi naman ni Wilder. “Kumain na nga tayo,” ani Rara. Habang kumakain na sila ay muling nagsalita si Ryker. “Uy, Kane. May lakad kayo ni Mortem mamayang gabi, 'di ba?” “Business,” sagot nito. “Hindi pala ako makakatulog mamaya. Ako, look-out n’yo.” “Of course, that's your responsibility,” sabi naman ni Kane at uminom nang wine. “Eye of the mafia pa kasi!” ani Wilder. “Inggit!” Muling nagbangayan si Wilder at Ryker tungkol sa kanilang responsibilidad dito sa Isla. Kaya binago na ni Rara ang usapan, binati niya na si Amira at Ibbie dahil sa labanang nangyari kanina kung saan binati na rin ng iba sila Amira. “Nagbago yata ang ihip ng hangin, ah?” nakangising sabi na Ryker. “Well,” ani Ibbie. Naging komportable na siya sa harap ni Amira. “I guess we're all good here,” sabi naman ni Zurikka. “Right, Amira?” “Yeah.” “Except for Mortem,” pagsingit ni Kane. “Who cares? He’s always like that. A heartless cold death prince or something. I really don’t care,” sabi naman ni Ibbie at umirap pa. “Relax,” ani Wilder. Hindi sumama si Mortem sa kanila dahil nasa Training Ground siya, nag-eensayo. Hindi niya naman inaasahan na may makakasama siya at si Brendan Imperial pa. Hindi nagpapansinan ang dalawa. Si Brendan na nasa boxing ring habang si Mortem ay nakikipaglaro sa mga baril at isa-isang pinapatamaan ang target. “You like guns, huh?” nagsalita na rin si Brendan. “Ano bang pake mo?” “Talagang matalas ang dila mo, noh?” “Bakit ba kayo nandito sa teritoryo namin?” “Correction. Ang alam ko Fire Gang na ang nagmamay-ari nitong Isla? Iilan lang naman ang property niyo ng Death Gang, hindi ba?” “So, you're trying to get the Fire Gang's attention,” bahagya siyang natigilan. “Or, Amira’s attention?” “Well, you’re really going to ask me that? Of course, I would choose Amira.” “She's fragile,” giit ni Mortem. Ang totoo niyan, ayaw niya talagang palapitin si Brendan kay Amira kaya nasasabi niya ‘to. “Oh, no. She’s amazing.” Bigla namang nag-init ang dugo ni Mortem na para bang gusto niya ng sumabog dahil sa inis. “Stay away from, Amira,” banta niya. “She's not even yours, how can I stay away from her? Wala pang nagmamay-ari sa kanya kaya may chance pa ako,” nakangising sabi na ni Brendan. “Gagawin mo ‘yan para ano? Para mapatay siya?” “Of course not, mark my word. Nilalayo ko siya sa’yo dahil ikaw ang papatay sa kanya, hindi ba?” sumeryoso na ang tono ng boses ni Brendan. “Isa ako sa mga titiwalag sa Imperial Mafia para lang sa Mafiusa na gusto kong makasama.” “What are you trying to say?” nilagyan niya na ng bala ang kanyang hawak na baril. “I want her.” Pagkatapos, itinutok na ni Mortem ang hawak niyang baril kay Brendan. “You're fast,” sabi naman ni Mortem sa kanya dahil ginawa rin ni Brendan ang ginawa ni Mortem sa kanya kung saan tinutukan din siya ng baril. “Hindi ako katulad ng mga nakabangga mo, Mortem. Kayang-kaya kitang tapatan.” “You can’t kill me.” “Baka nakakalimutan mo, mas pipiliin ni Amira na sumama sa akin kaysa sa’yo.” “Wala kang alam, Brendan. You're just new here.” “I don’t give a f**k. Sa mga mata ni Amira ako ang pipiliin niya.” “Walang-wala ka nang magagawa kapag inangkin ko na si Amira.” “Madaming mga matang nakamasid sa’yo. Hindi mo makukuha si Amira dahil alam ko na kalaban ka ng Fire Gang.” “Wala akong pake.” “Teka nga!” bigla namang tumawa si Brendan. “Huwag mong sabihing nahuhulog ka na sa kanya? Grabe nga naman kung maglaro ang tadhana,” bumaba na siya sa boxing ring at nilapitan na si Mortem. “Seryoso ka? Sa tingin mo may magagawa ‘yang pagmamahal mo kay Amira? Mamamatay ka lang,” hindi naman magawang magsalita ni Mortem dahil sa sunod-sunod na ibinabatong salita sa kanya ni Brendan. “Isa pa, lahat kayo dapat ay dedicated sa Mafia na walang pag-ibig na magaganap?” “Baka gusto mong tuluyan na kita ngayon din.” “Go on,” itinapon naman ni Brendan ang kanyang baril. “Kuya!” “f**k,” napamura na lamang si Brendan at nilingon na ang kanyang kapatid na papalapit sa kanya, hindi natinag ang kapatid ni Brendan kay Mortem na may hawak na baril. Hindi na natuloy dahil wrong timing ang dating ng kapatid ni Brendan. Ibinaba na ni Mortem ang kanyang baril at nilagay na ‘to sa lagayan. “What now, Livia?” “Father wants to talk to you!” Kinuha na ni Brendan kay Livia ang phone na hawak nito. Ibinaling naman ni Livia ang tingin kay Mortem. Hindi siya pinansin ni Mortem at nilagpasan na sila, lumabas na si Mortem sa Training Ground. “What, Father?” “Bakit wala akong progress na nakikita sa inyo?” galit na sabi nito. “Wala pa, ‘wag kang atat.” “Siguraduhin mo lang, Brendan.” “Oo na.” -End- Pagkatapos kausapin ni Brendan ang kanyang Ama sa cellphone ay ibinalik niya na ‘to sa kanyang kambal. “Brother,” pagtawag sa kanya. Nagbago ang pakikitungo nito. “What?” “Sino ‘yong lalaki na umalis?” “Mortem Davies.” “I think I like him,” para bang pumupuso na ang mga mata ng kapatid niya dahil kay Mortem. Tinapik naman nang marahan ni Brendan ang ulo ni Livia. “Well, you can do what you want from him.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD