CHAPTER 8

1817 Words
Tumunog na ang alarm clock ni Ibbie kaya naman bumangon na ito at inayos ang kanyang sarili. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang kanyang higaan dahil may taga-ayos na siya nito. Lumabas na siya sa kanyang kwarto at sinalubong ang kanyang lolo. Niyakap niya naman ‘to. “Good morning, Grandpa!” nakangiti niyang bati. “You're still cheerful like your mother, ija,” sabi ng kanyang lolo. Umupo na si Ibbie sa kanyang upuan at nagsimula nang kumain ng breakfast. “Death anniversary nila ngayon, Grandpa. Hindi ako papasok,” naging seryoso naman si Ibbie. Inilaan ng Innocent Gang ang araw na ‘to para sa kanyang magulang na namatay. Tumango ang kanyang lolo. “Gusto kong makasama buong araw si mama at papa,” at muli siyang ngumiti kahit na nasasaktan pa rin dahil sa nangyari noon. “Hahayaan naman kita sa kung ano ang gusto mong gawin, ija. Nga pala, nabalitaan ko na kakalabanin mo ang Prinsesa ng Isla na ‘to?” pagbabago niya ng topic. Napatikhim si Ibbie. “Yes, sa sabado na lolo. Pumunta ka, ha?” “Kung wala akong gagawin talagang pupunta ako,” uminom naman ng kape ang kanyang lolo. “At isa pa, hindi ka ba napapagod sa ipinapakita mong ugali sa iba?” kilala siya ng lolo niya kaya nagawa niyang sabihin ‘yon. “Kailangan kong ipakita sa kanila na hindi ako katulad ng iba na mahina. Ayokong mangyari sa ‘kin katulad nang nangyari kay mama at papa. Gusto ko nandito pa rin ang Innocent Gang hanggang sa mamatay ako. Gusto ko maipamana ko pa ‘to sa magiging anak ko. Mahal na mahal nila mama ‘yong Gang kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila.” Marahang tinapik ng lolo niya ang kanyang kamay saka muli itong tumango. “Hindi ako nagsisising apo kita. Alam kong masayang-masaya ang Ina at Ama mo dahil sa’yo.” “Ayoko naman kasing makita nila akong ganito. Even though I feel so hopeless,” napabuntong-hininga naman si Ibbie. “Ano ba ang gusto mong mangyari, ija?” “Magbago ang lahat. Ang panira lang naman dito ay ang Hari ngayon ng Mafia Island,” napalitan nang galit ang mga mata ni Ibbie. “Maaaring magbago kung babaguhin niyo.” “Kami?” “Naniniwala ako na kaya niyo kung iisa ang hangarin niyong lahat.” Naikuyom na lamang ni Ibbie ang kanyang kamay at ibinaling na ang atensyon sa pagkain. Ang sinabi ng kanyang lolo ay tumatak na sa kanyang isipin. Alam niyang hindi lang siya naghahangad ng pagbabago ngunit hindi pa rin siya sigurado kung magagawa nila ito lalo na’t may ibang rason si Amira kung bakit siya bumalik. Hindi niya pa alam kung magagawa niyang pagkatiwalaan ang Prinsesa o mananatili na lang siya sa kanyang plano na matagal niya ng naiisip. Nagtaka naman ang mga kasama ni Ibbie nang hindi ‘to pumasok. “Absent si Ibbie?” “Yeah,” sagot naman ni Rara sa tanong ni Ryker. “Natakot na yatang pumasok,” at tumawa pa si Ryker. “Baka nakakalimutan niyo? Death anniversary ng mama at papa niya,” seryosong sabi naman ni Wilder na ikinatahimik ng lahat. “Kaya absent si Ibbie ngayon,” alam din ni Zurikka. “Oh, s**t!” sabad ni Ryker nang matapos niyang tignan ang kalendaryo sa phone niya. “Oo nga pala!” Alam ng lahat kung ano ang nangyari dati maliban lang kay Amira na nagtataka ngayon. “Anong meron?” tanong niya. “Matagal ng patay ang magulang ni Ibbie, ang kasama na lang ni Ibbie ay ang kanyang lolo,” paliwanag naman ni Wilder. Biglang nakaramdam ng kaba si Amira. “P'wede ko bang malaman ang dahilan kung bakit sila namatay?” “About that. I think, no,” sabi naman ni Wilder. “Mas mabuti na si Ibbie na lang ang magsabi sa’yo,” ani Daem. “I see,” nasabi na lamang ni Amira. “Pinatay ng Ama mo ang magulang ni Ibbie,” sagot naman ni Mortem na ikinagulat ng lahat. “Wtf, bro!” ani Ryker. “Mortem…” umiiling na sabi ni Kane. “Masanay na kayo. Gan’yan ‘yan si Mortem, walang awa,” sabi naman ni Daem at napangisi na lang sa ugali ng kaibigan. Napailing na lamang ang dalawang Mafiusa. “My father? Kailan?” hindi makapaniwala si Amira. “No’ng umalis ka sa Islang ‘to. Para lang sa trono, madaming pinatay ang Ama mo,” muling walang buhay na tugon ni Mortem. Naka-crossed arms pa ‘to na nakatingin lamang sa harapan. Para bang nanikip ang dibdib ni Amira. “That's why I'm planning to kill your father, too. Katulad ng nangyari sa mother mo,” sabi pa ni Mortem, walang preno ang bibig nito. “f**k you!” napatayong sabi na ni Amira. “Wala ka talagang pakialam sa mararamdaman ng kausap mo, noh?” “Nagpapakatotoo lang ‘yon naman ang gusto mo, 'di ba?” tumayo na rin si Mortem at hinarap si Amira. Walang buhay niya ‘tong tiningnan. “Kung napatay mo ang Ama ko, sino sunod? Ako?” “Malamang.” “Tigil na,” pagsingit na ni Kane, hindi naman siya pinansin ng dalawa. “Wala ka pa talagang alam. Unti pa lang ang nalalaman mo, Amira,” sabat naman ni Ryker. “Mas mabuti pa umupo na kayong dalawa. Tama na, p’wede? Death anniversary ng magulang ni Ibbie ngayon, respeto na lang,” pumagitna sa si Rara sa kanila at nilapitan pa si Mortem at Amira para pa-upuin. Napahawak na lamang si Amira sa kanyang damit at pilit na niyuyukot ‘to na para bang gusto niyang hubadin dahil sa nararamdaman na parang hindi makahinga. “Ang dami kong hindi alam…” sabi niya naman sa kanyang isipan. Mayamaya pa ay dumating na rin si Mrs. Hatia. “Good morning, everyone!” tumayo na sila at tumungo bilang paggalang. “Ibbie is not present?” tanong niya nang mapansin na hindi sila kumpleto matapos nilang umupo. “Yes, Mrs. Hatia,” sagot naman ni Zurikka. “Okay, let's move on. I'm here to discuss about the businesses of Mafia’s Island organization.” Napatingin na lamang si Amira sa bintana, hindi man lang nakinig sa discussion. Masyado siyang abala sa kanyang mga iniisip. Lalo na’t sa nalaman niya ngayon. Nang makarating sa sementeryo si Ibbie ay nagtungo na siya sa puntod ng kanyang mga magulang at isa-isang nilapag ang bulaklak sa tapat ng puntod ng kanyang Ama at Ina. Nagkwento naman si Ibbie sa mga nangyari sa kanya no’ng mga nakaraang araw. Pinipilit niya na huwag maiyak. Ngumiti naman siya at, “Mom and Dad. Look I'm smiling!” aniya habang nakatingin sa puntod ng kanyang mga magulang. Muling naramdaman ni Ibbie ang pighati dahil maaga siyang nawalan ng magulang. Mayamaya pa ay napapatingala na lang siya upang pigilan ang luha na gustong makawala sa kanyang mga mata. “f**k! I'm always like this mom. I really can't, I'm so tired,” wika niya at kaagad nang pinunasan ang luha na tumulo. “Umiiyak na tuloy ako. Ano bang dapat kong gawin? Napapagod na ako.” “I'm so f*****g tired. Maski si lolo alam niyang pagod na pagod na ako. Dapat hindi niyo ako iniwan!” patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha niya. “I'm so f*****g hopeless,” pag-ulit niya. Lahat ng ginagawa niya ay pagpapanggap lamang. Lahat ng ginagawa niya ay para na lang sa iba, hindi na sa kanyang sarili. “No, you’re not.” Nanlaki naman ang mata ni Ibbie nang may nagsalita, napalingon siya at nakita niya ang lalaking nakatayo sa likuran niya. “Wilder…” sambit niya. “Naiinis ka na ba na nandito ako?” tumabi na siya kay Ibbie. Lumuhod muna siya at tumungo bilang paggalang sa puntod ng mga magulang ni Ibbie. “Sasamahan ko po ang anak n’yo,” paalam niya. Bahagya namang natawa si Ibbie. “Thank you,” ngumiti na siya. Hindi na nagulat pa si Wilder. Palagi niya naman talagang sinasamahan si Ibbie. “Hindi ka ba nagsasawang magpasalamat?” “Nagsasawa? Hindi naman. Dahil hindi ka rin nagsasawa na samahan ako rito. Hindi ka pa rin nagbabago…” Marahan niya naman tinapik ang ulo nito. “Saan na ba ‘yong batang cheerful na gusto kong makasama ngayon, ha?” “Eh? Naaalala mo pa ‘yon?” “Oo naman. Naaalala ko pa nga no’ng minsan nasapak ako ng Ama ko dahil sa takot akong humawak ng baril tapos nando’n ka para i-cheer up ako. You're so cheerful, Ibbie. Like an innocent angel,” napangiti naman si Ibbie dahil sa sinabi ni Wilder. “I miss those old days. Kung saan buhay pa ang magulang ko. Si mama ang nagturo sa akin na kahit gaano ka pa kalungkot, you just need to find a way to be cheerful again so that you can let go of that sadness,” nakangiti pa rin ‘to habang nagku-kwento kay Wilder. Napatango na lamang si Wilder at bahagyang ngumiti matapos haplusin ang pisngi ni Ibbie. Tumigil na rin sa pag-iyak si Ibbie dahil nand’yan na si Wilder. “Bakit hindi mo ipakita sa kanila?” “Ang ano?” naguluhan naman si Ibbie sa naging tanong ni Wilder. “Iyong good side mo.” “They don't deserve to see my good side. It’s only you,” seryosong sabi naman ni Ibbie. “So, it means, I'm special to you?” Binatukan naman ni Ibbie si Wilder. “Asa ka!” “Aray! Sadista ka talaga!” At sabay nang tumawa ang dalawa. “There! Your bright smile is showing again,” sabi pa ni Wilder at dumikit pa lalo kay Ibbie. “Hoy, manyak ka na naman! Daddy, oh!” biro naman ni Ibbie. Muli namang tumawa si Wilder. “Magugustuhan mo ‘tong gagawin ko promise,” hindi pa nakakapagsalita si Ibbie ay niyakap na siya agad ni Wilder. Bigla na lamang bumuhos ulit ang luha ni Ibbie. Nakaramdam siya nang kaligayahan sa kanyang puso. Sa buong buhay niya ngayon niya na lang ulit naramdaman na may yumakap sa kanya. “Ibbie! Sorry—” natarantang sabi na ni Wilver dahil naramdaman niya nang umiiyak si Ibbie. Balak niya nang kumalas sa pagkakayakap niya ngunit pinigilan siya nito, humigpit na lang ang pagkakayakap ni Ibbie sa kanya. “Five more minutes. I'm glad that you hugged me, Wilder. I miss this,” umiiyak na sabi pa rin ni Ibbie. Tumango siya at marahan nang hinaplos ang likod ni Ibbie. “Remember that I'm always here for you. My one and only Princess.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD