Lahat ay nasa auditorium na upang makilala at makita na ang Hari ng Mafia Island. Nang dumating si Amira ay tumabi na siya sa kanyang Ama, sabay silang umakyat sa stage kasama si Mrs. Marie. Lahat naman ay napatungo bilang paggalang sa tatlong nasa harapan nila.
“Sa darating na linggo, gusto ko kayong imbitahin lahat sa aking palasyo para sa maligayang kaarawan ng aking anak na si Amira Miller. Lahat ay inaasahan kong dadalo.”
“Birthday ko na pala sa linggo, muntik ko ng makalimutan,” sa isipan naman ni Amira.
“The party will start at 8 pm. Inaasahan ko na walang mangyayaring masama. Naiintindihan ba?”
“Yes, King!” sabi nilang lahat.
Bumaba na ang Hari kasama si Amira. “Anak, sumama ka muna sa ‘kin.”
Tumango lang naman si Amira. Nagpunta na sila sa parking lot at sumakay na si Amira sa sasakyan at gano'n din si Haring Herald para sila ay makapag-usap, may nakabantay naman sa labas para sa kanilang seguridad.
“Nakita ko ang mga Imperial.”
Napabuntong-hininga si Amira. “Don't worry, Father. It's fine, I can handle myself.”
“Okay, hanggang ngayon nakikita ko pa ring lumalapit sa’yo si Mortem. Bakit hindi mo siya—”
“Alam niya naman, Dad. Hayaan mo muna kami katulad nga ng sinasabi ko sa’yo kaya ko na.”
“Are you sure?”
Muling tumago si Amira.
“Dapat palaging nakabukas ang mga mata mo sa tunay na kalaban, Amira.”
“I know. That's our number one rule, Father.”
Tumango naman ang kanyang Ama. Mayamaya pa ay napatingin na ‘to sa kanyang relo. “Manonood kaming lahat sa sabado, nabalitaan ko ang laban niyo ni Ibbie White. Prove them wrong, Amira.”
“Wala talaga akong maitatago sa’yo. Lahat, alam mo.”
“Hindi naman ako makakapayag na may manyari sa’yo kaya dapat alam ko lahat, Amira. Patay na ang Ina mo kaya hindi ko na hahayaang pati ikaw ay kunin nila sa ‘kin.”
Napayakap na si Amira sa kanyang Ama, “I'll do my best. Sisiguraduhin kong matatalo ko si Ibbie,” at napapikit. Wala na siyang magagawa kundi magpakitang gilas sa kanyang Ama at sa lahat ng mga taong nandito. Hindi na siya magpapatalo, kung kailangan niyang manakit ay gagawin niya na. Wala na siyang panahon para sa natitirang awa niya sa mga taong nakapaligid sa kanya, naiintindihan niya na kung gaano kasakim ang mga tao rito sa kapangyarihan.
Unti-unti nang tinatanggap ni Amira ang kanyang kapalaran.
“That's my daughter.”
Nagpaalam na si Amira. Bumaba na siya sa sasakyan at hinintay niya na lang muna na umalis ang sasakyan bago siya bumalik sa klase. Kinuha niya naman ang phone niya sa bulsa para tignan ang oras. “Apat na oras pa bago umuwi,” nasabi niya na lamang sa kanyang sarili at bumalik na siya sa loob. Nang makapasok na siya sa silid-aralan ay nakita niya namang tahimik ang lahat. Umupo na siya sa kanyang upuan at nagbasa na lang ng libro.
“Hoy, babae,” ani Ibbie, nakatingin siya kay Amira.
Hindi naman siya pinansin ni Amira dahil abala siya sa pagbabasa.
“Amira? Hello?”
Tiningnan na siya ni Amira. “Ano na naman?”
“Titingin ka rin pala, eh.”
“Ako ba ang tinawag mo kanina? Sabi mo lang kasi HOY BABAE. Malay ko ba na ako ‘yon?” sabi naman ni Amira at napairap na lang. Ayaw niya ng makipag-away kay Ibbie ngunit sinusubukan siya nito.
“Magaling ka rin, noh? O hanggang diyan lang ang galing mo?”
“Girls, tama na,” babala ni Daem.
“Sa sabado nga. Para magkaalaman, 'di ba?”
“Ano ‘yong nalaman ko na nakipagkaibigan ka sa Imperial?”
Sinara na ni Amira ang libro at muling tiningnan si Ibbie. “Gano'n ba ako kahalaga sa’yo na kailangan mo pa akong pakialaman?”
“FYI! Kaaway natin ang mga Imperial.”
“Ano naman? Kaaway ko nga kayong lahat dito, eh. ‘Wag na tayong maglokohan.”
Natawa naman si Ryker. “’Wag na nga kasi tayong maglokohan, mga tanga,” at naging seryoso na siya habang nakatingin sa dalawang Mafiusa na nagsasagutan. “Tumigil na kayo dahil nakakainis na at ikaw, Ibbie nagpapaka-b***h ka na naman.”
Lahat ay natahimik at napatingin kay Ryker. First time nilang makita ang gano’ng ugali niya na hindi mo nanaising sumuway maliban lang kay Wilder at Mortem na matalik niyang kaibigan na kilalang-kilala na talaga siya.
“What the hell? Kinakampihan mo na ngayon si Amira?”
“Oo, bakit? Tama lang na siya ang kampihan ko dahil siya ang prinsesa dito. Ikaw naman ay nagfi-feeling prinsesa, hindi bagay sa’yo,” seryoso pa ring sabi ni Ryker.
Hindi makapaniwala si Ibbie sa kanyang mga narinig. Inirapan niya na lamang si Ryker at hindi na nagsalita.
“Aasahan ko na hindi mali ang pagkampi ko sa’yo, Amira. I know that you can do better. Prove us that we're wrong for treating you that way.”
“Hindi mo na kailangan sabihin,” tugon ni Amira.
“Kung gano’n, hangga’t hindi pa dumadating ang araw na ‘yon, itatak mo sa kokote mo na hindi kami kaaway. We're comrades and we all have our own responsibilities here in Mafia Island,” dagdag niya.
“Okay…” tanging nasabi ni Amira.
“Good luck,” at tumayo na si Ryker. “I'm going out, mukhang wala ng gagawin. Masyado ng toxic dito, magpapahangin lang ako,” sabi niya pa at lumabas na.
“That was cool,” dahan-dahan namang pumalakpak si Rara.
“That's Ryker. He's one of a kind,” puri ni Wilder sa kanyang kaibigan.
Padabog na tumayo naman si Ibbie at umalis din.
“Lahat na kaya tayo umalis?” ani Daem.
“Good idea,” tumayo na rin si Mortem at akmang aalis na nang may kumatok sa pinto.
Bumukas na ‘to at pumasok ang isang Mafiusu na galing sa grupong Oracion. “Walang klase! Nando'n lahat sa Arena may nangyayaring labanan!”
“Tara!” sabi naman ni Wilder at nauna nang lumabas.
Huli namang lumabas si Amira imbis na dumiretso sa Arena ay nagpunta na siya sa parking lot dahil gusto niya ng umuwi, wala na talagang klase hanggang mamayang hapon dahil sa laban na nangyayari ngayon sa Arena. Kinuha niya na sa kanyang bag ang susi ng kotse at pinindot ang button nito, nakita niya na ang kanyang sasakyan nang tumunog at umilaw ‘to. Lumapit na siya dito. “Going home?” nilingon niya naman ang nagsalita. Isang babae ang nakita niya at ito'y napakatangkad, kumikinang ang kanyang kagandahan.
“Who are you?”
“I'm Matia. Nakita kasi kita kaya sinundan kita. Ayaw mo bang manood ng laban sa Arena?” another one, who’s also good at speaking different language.
“Hindi na.”
“Oh, you're the Princess of this Island, right?” biglaan niya namang tanong nang maalala ang introduction kanina.
Tango lang ang naging tugon ni Amira.
Ngumiti naman siya. “Well, okay, take care!” aniya.
“Bye,” ani Amira.
Sumakay na siya sa kanyang kotse. Pinaandar niya na ang sasakyan at nag-drive na patungo sa mansyon. Mayamaya pa ay naisipan ni Amira na tumigil muna sa seaside. Pinarada niya ang kanyang kotse sa gilid. Pagkatapos, hinubad niya muna ang kanyang heels at bumaba na sa sasakyan. Naglakad-lakad naman siya at hindi iniinda ang init ng araw pati ang buhangin na natatapakan niya.
“You'll get toasted.”
Napabuntong-hininga naman siya, kilala niya na kung kanino galing ang boses na ‘yon. “What now?” at nilingon niya na si Mortem.
“Sinundan kita.”
“Hindi ba p’wede na mag-isa ako?”
Nilapitan niya na si Amira at hinawakan ang kamay nito. “Nasaktan ako sa sinabi mo…” he honestly said.
“Really? Akala ko hindi ka masasaktan, eh,” sarkastikong sabi naman ni Amira.
“Hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sa’yo.”
“Ano? Hahalikan mo na naman ako? Papatayin? Gagawing laruan? Ano, Mortem?” tuluyan niya nang sinigawan si Mortem.
“Iyon ba ang nararamdaman mo?”
“Oo!”
Bigla namang niyakap ni Mortem si Amira. “I'm sorry…I'm sorry, Amira. I'm sorry for everything,” paghingi niya ng tawad. Nagbabakasakaling tatanggapin siya ni Amira.
Tinulak niya naman si Mortem. “Hindi magbabago ang nararamdam ko sa’yo Mortem. You're my greatest enemy. You killed my mother. You killed one of my happiness,” at nilagpasan niya na si Mortem.
“That's what you want, Amira?”
Bahagya namang tumigil si Amira. “Yes, huwag ka ng lalapit sa akin.”
“Fine,” aniya at hindi niya na pinigilan si Amira.
Pagdating niya sa harap ng sasakyan niya ay sumakay na siya. Kahit na naluluha na ay hindi niya na lang ‘to pinansin, pinaandar niya na agad ang sasakyan para makaalis na. Nang makarating siya sa mansyon ay nagtungo na siya sa kanyang kwarto. “Princess Amira,” ani Felipe bago kumatok sa kanyang pinto.
“I'm fine. Just leave me alone!” sigaw niya naman at hindi na nag-abala pang pumasok si Felipe.
Nagtungo na si Felipe sa throne room ng Hari. “Your Majesty,” sabi niya at tumungo. “Umuwi na ang ‘yong anak.”
“Ang aga niya namang umuwi.”
“Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin siya Haring Herald.”
Napabuntong-hininga naman ang Hari. “Hindi pa rin kasing tigas ng bato ang kanyang puso. She's still fragile,” saad niya.
“Ano ba ang p'wede nating gawin?”
“Pagkatapos ng kanyang kaarawan, ako na mismo ang mag-eensayo sa kanya. Ipapaalam ko lahat sa kanya. Lahat-lahat ng mga ginagawa natin sa mundo ng Mafia. Kailangan niyang mamulat sa kadiliman.”
“Nandito lamang ako kung kailangan niyo ng tulong.”
“Salamat. Napapansin ko na mukhang iba na ang makakalaban natin.”
“Mukhang magbabago ang pangyayari ngayong taon”
Bahagyang tumawa ang Hari. “Kung gano'n nga, hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. Kailangan may mamamatay.”
Tumango na lamang si Felipe at hindi na nagsalita.
“Guguho ang mundo ng mga Death Gang. Hindi p’wedeng magbago ‘yon. Lahat sila ay mamamatay bago ako magpaalam sa mundong ‘to.”