Hindi makapaniwala si Amira na sa paggising niya ay dinala siya ni Mortem sa isang hotel. Pinagbuksan naman siya ni Mortem ng pinto. “Let's go, Amira.” “Anong ginagawa natin dito?” hindi naman kaagad bumaba si Amira, chineck niya rin kung nasa tainga niya pa ang device ngunit wala na dahil kinuha na 'to ni Mortem. “I'll tell you later, pumasok muna tayo sa loob ng hotel.” Sinundan lang naman ni Amira si Mortem, nasa iisang kwarto lang sila. May dalawang kama naman kaya hindi na nagreklamo si Amira. May nakalagay namang wine at dalawang baso sa table. Binuksan 'to ni Mortem at nilagyan ang dalawang baso, binigay niya ang isa kay Amira. Kinuha naman 'to ni Amira at umupo na sa kama. “Tell me now,” aniya. “Bago tayo bumalik sa mansyon, may kailangan pa tayong gawin bukas.” “Ano naman '

