Meanwhile... Kasalukuyang naglalagay ng bala sa baril si Kane Palmer habang ang kasama niya na si Zurikka Ross ay nililinis naman ang dagger na hawak niya. “Ang dami na namang napatay ng dagger mo, Kane,” aniya habang inangat ang dagger na kumikinang na dahil sa ilaw. “Done,” dagdag niya at saka tumayo na't lumapit kay Kane. “Para saan pa ba ang dagger?” kinuha niya na 'to kay Zurikka. Bumalik naman sa sofa si Zurikka at pinanood na lamang si Kane. “This dagger is capable of killing stupid people.” Napabuntong-hininga na lamang si Zurikka at naisipang humiga sa sofa. Itinaas niya naman ang dalawa niyang kamay habang marahan 'tong ginagalaw. “Balita ko walang balak ang Ama ni Amira na isagawa ang throne system dahil gusto niyang si Amira na kaagad ang maupo sa trono. Ibig sabihin hindi

