Chapter 4

1288 Words
Nang makalabas si Ellaine ay gumalaw ang aking mata pagilid para tingnan si Eros sa aking tabi. Pinapakiramdaman ko siya. Nasa isang minuto na nang makaalis si Ellaine ay wala pa ring nagsasalita o kumikilos sa amin. Huminga ako ng malalim, nakita ko na bukas iyong pinto, bumilang ako ng tatlo at tatakbo na sana ako ng mabilis nang biglang hilahin ni Eros ang damit niya na suot ko. "Where are you going?" Pinipilit ko na alisin ang kamay niya na nakahawak sa leeg ng tshirt na suot ko pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Kanina lang ay tinakot niya ako na ipakukulong kapag hindi ko nabayaran ang isang daang libro na ibinayad niya para makuha ako sa stag party. Ngayon naman ay sinabi niya sa girlfriend niya o ex niya na may relasyon kami. Nasisiraan na ba siya ng ulo? "Saan pa ako pupunta? 'di uuwi na! bitawan mo nga ako!" pilit akong muli na kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin. "You are going to stay here tonight, Lovender." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong stay here tonight?! nag-walk out nga siya kanina nung pumayag na ako sa chukchakan na gusto niya. Saka, hindi ako puwedeng manatili dito sa penthouse niya, kailangan kong makauwi sa amin para masabunutan ko si Xia. Buwisit na babaeng iyon, nalagay sa panganib ang buhay ko. "Ay, naku, hindi! uuwi na ako sa amin. Ano pa ang gagawin ko dito?" tanong ko sa kaniya. Hinila ako ni Eros at pinaupo ako sa pang-isahang sofa. Nakatingin siya sa akin habang nakahalukipkip, nang umikot siya at naupo ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Can you listen to me first?" Kanina ba ay pinakinggan niya ako noong sinabi ko na babayaran ko iyong isang daang libo sa kaniya? hindi! tinakot pa niya ako na kung hindi ako magbibigay ngayon rin mismo ay ipakukulong niya ako. Gagawa pa siya ng dahilan para lang maghimas ako ng rehas. Siya naman itong kusang nagbigay ng isang daang libo sa mga kaibigan niya para makaalis ako sa stag party na 'yon. Kayang-kaya ko naman maipaliwanag ang nangyari. Maaari rin tawagan ni Winona si Xia para makumpirma na hindi ako nagsisinungaling. Ang hirap kasi sa kanilang mayayaman, gagamitin nila ang kapangyarihan nila para lamang mapasunod kaming mahihirap. "Why are you looking at me like you wanted to kill me?" tanong niya sa akin. Nakasalumbaba siya sa aking harapan. "Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Ano ba ang plano mo sa akin, Eros? kung wala ka naman pa lang balak na ikama ako ay pauwiin mo na ako para makapagtrabaho at mabayaran iyong isang daang libo sa 'yo." Bigla ay inilayo niya ang tingin sa akin. Ang nakasalumbaba niyang kamay ay itinakip na niya sa kaniyang bibig. "Ikaw itong gustong may mangyari sa atin tapos noong pumayag ako bigla kang lumabas ng silid mo dahil lang sinabi kong virgin ako. Tapos ngayon naman dumating yung girlfriend mo at sinabi mo na may relasyon tayo. Ano ba ang problema mo? may sira ba ang tuktok mo?" Mabilis na bumalik ang kaniyang mga mata sa akin at sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Nang maalala ko na narito nga pala ako sa teritoryo niya ay pinagdikit ko ng mariin ang mga labi ko. Kailangan kong kumalma. "She's not my girlfriend. She's my ex-girlfriend. Magkaiba 'yon." "Okay, magkaiba, sige, pero pauwiin mo na ako. Gusto ko nang umuwi ngayon." Ang tono ng boses ko ay nagbago. Gusto ko na talagang umuwi. Hindi na para hintayin lang si Xia at masermunan siya sa naging sitwasyon ko kanina, kung hindi para makapagpahinga dahil sa pinagdaanan ko ngayong gabi. Ayoko ma-involve sa mga mayayaman na ito. Masaya na ang buhay ko kahit kaming dalawa lang ng kaibigan ko. Alam ko ang kalakaran nila, lalo iyong tingin noong ex-girlfriend niya kanina. Maliit lang ang mundo, tiyak na kung makikita ako non ay baka kung ano pa ang gawin sa akin. Mukhang mataray, pero marunong rin naman akong lumaban. Pinipili ko nga lang ang nilalabanan ko. At sa tingin ko ay hindi sulit ang pakikipagtalo sa babaeng iyon, wala naman akong dahilan, itong si Eros lang ang gumawa ng problema sa pagitan namin. Talagang kanina mukhang inasahan niya na ipaglalaban ko siya. Manigas siya. "Iyong isang daang libo babayaran ko." Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Naghanap ako ng ballpen at papel. Nang makakita ako ay tumayo ako at kinuha iyon. Sa gilid ng aking mga mata ay nakasunod lang ang tingin ni Eros sa akin. Nang makabalik ako sa sofa ay sa harapan niya mismo ako nagsulat. "Babayaran ko ang isang daang libo pero hayaan mo muna akong mag-ipon. Tama yung sinabi mo kanina hindi ko kayang kitain iyon kaya gagawa ako ng kasulatan. Pag hindi ko nabayaran ng limang buwan ang isang daang libo sige ipakulong mo ako." Nang maisulat ko ang pangako ko sa papel ay nilagdaan ko iyon at pagkatapos ay inilapag ko sa kaniyang harapan. Bumaba ang tingin niya doon. Kinuha niya ang papel at pagkatapos ay binasa ang nakasulat. "Hindi ako tatakbo sa usapan, totoong pirma ko rin iyan--" "Paano ako makakasigurado?" Napahinga ako ng malalim nang marinig ang sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala iyong bag ko kung nasaan ang wallet ko kung nasaan ang mga cards ko. Naiwan ko nga pala doon sa condo! "S-Sandali, kukuhanin ko iyong gamit ko sa condo kanina andoon ang mga cards ko na magpapatunay na totoo ang pirma ko diyan." Tatayo pa lang sana ako para lumabas nang magsalita siya ulit. "No need. Your things are here. Ipinapadala ko sa housekeeping." Tiyak andoon din ang damit ko! hindi ko na poproblemahin umuwi nang ganito ang suot! mabuti naman kung ganoon! "Five months, Lovender?" tumingin siya sa akin. Nakalkula ko na sa isip ko. Limang buwan ay kaya ko naman na kitain ang isang daang libo pero todo pagtitipid lang ang mangyayari. Saka, kung kulangin ay maaari akong umutang kay Xia. Malaki ang kita noon kahit bubuka-bukaka lang. Ito pa nga ang madalas na magbayad ng gatusin sa aming apartment kapag wala akong nakukuhang orders. "O-Oo, five months, kung gusto mo naman ay para mas formal ay ipi-print ko muna--" "Five months is too long for me. Make it one month." Napanganga ako. Isang daang libo sa isang buwan? "Sa 'yo na nga nanggaling na hindi ko kayang kitain 'yan sa mabilis na panahon tapos gusto mo ay one month lang?" hindi ako makapaniwalang habang nakatingin sa kaniya. Sa klase ng tingin niya ay mukhang hindi pinal na ang isang buwan na gusto niya. Iisa na lang talaga ang paraan. Tumayo ako at nilapitan siya. Kinuha ko ang papel na sinulatan ko at pinirmahan tapos pinunit ko iyon sa harapan niya. "What are you doing?" salubong ang mga kilay ni Eros habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa kong pagpunit sa papel. Kung hindi ko siya mapapapayag sa one month ay isa lang ang alam kong paraan para mabilis akong makabayad sa kaniya. Humawak ako sa magkabilang arm rest sa sofa na kinauupuan ni Eros. Nakita ko na napatingin siya sa mga kamay ko sa kaniyang gilid. Pinigilan ko na mangiti nang makita kong umatras si Eros palayo sa akin. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya, ilang pulgada na lang ang layo ng aking mga labi nang magsalita ako. "Mahirap para sa akin na kitain ang isang daang libo sa isang buwan, ayaw mo naman pumayag sa limang buwan na hinihingi ko sa 'yo. Kung ganoon, ituloy na lang natin ang sinabi mo kanina. Isang gabi para sa isang daang libo." Hindi nakalagpas sa mga mata ko ang paglunok na ginawa niya. "Isang gabi, Eros. Katulad ng gusto mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD