Chapter 3

2749 Words
Naniwala ako kay Xia dahil kahit kailan ay alam kong hindi niya ako ipapahamak. Nang sabihin niya sa akin na kailangan ko lamang mag-assist ay pumayag na ako. Hindi niya sinabi sa akin na ang pinasok ko pa lang trabaho ay isang stripper. Nasa ibabaw ko si Eros habang nakatingin siya sa akin. Ang kaniyang mga mata ay seryoso ngunit nakikita ko doon ang pagnanasa. Naiyakap ko ang aking mga kamay sa aking dibdib. Hindi ko ito gusto. Malinaw sa usapan namin ni Xia ang trabaho ko. "Tell me, how much? kailangan ko pa bang magbayad ulit para maikama ka ngayong gabi?" Nabigla ako sa sinabi niya. Umangat ang kamay ko at sinampal ko siya. "Hindi ako ganoong klase ng babae!" sigaw ko sa kaniya. Hinawakan ni Eros ang nasaktan na pisngi. Nang makita ko ang panganib sa kaniyang mga mata ay natakot ako. Nilingon ko ang buong silid, wala akong takas, nasa likod niya ang pinto. Hindi ko rin naman siya maitulak dahil ang lakas niya. "Then, what? a stripper? name your price, Lovender. O baka naman nagdadalawang isip ka dahil alam mo na apo ako ni Gianna Lozrealle. Sabihin mo, hinihingian mo ba ng pera ang grandma--" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil muling tumama ang aking palad sa kaniyang pisngi. "Kahit na galing ako sa bahay ampunan at hirap kumita ng pera ay kahit kailan hindi ako nanghingi kay Ma'am Gianna ng pera! kaya kong mag-trabaho at kumita ng sarili kong pera!" sigaw ko sa kaniya. Umismid sa akin si Eros. Nagulat ako nang muling lumapit ang mukha niya sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo ng kaniyang mga labi at ang aming mga ilong ay nagdidikit na. "Kaya mong magtrabaho... katulad ng trabahong ito, Lovender?" Lumapat ang mga kamay ko sa kaniyang dibdib at sinubukan siyang itulak ngunit para siyang pader sa tigas. Ni hindi manlang siya gumalaw. Nang muli ko siyang subukan na itulak sa dibdib ay kinuha niya ang mga kamay ko at mahigpit iyong ipininid sa kama. "Sinabi ko na, hindi ito katulad ng iniisip mo," matigas kong sabi sa kaniya. "Hindi ba? you are a stripper, some stripper agree to have a night with one of the bachelors in a stag party. We are used to that. Ano ang hindi katulad ng nasa isip ko, Lovender?" Gumilid ang ulo niya at ngumiti siya, "O baka naman kulang pa ang isang daang libo?" Napasinghap ako sa sinabi niya. Nang sisipain ko sana siya sa kaniyang pagkalalake para depensa ay mabilis niyang iniipit ang aking hita gamit ang kaniyang hita. "A-Ano ba..." "My fckng friend almost strip you inside that fckng condo, Lovender. Paano kung hindi ako pumunta kanina? ano ang nangyari sa 'yo?" Ano ba ang sinasabi niya? "Trabaho ko iyon! ang sinabi sa akin ni Xia ay mag-a-assist lang! nakita mo ba iyong kasama ko noon sa orphanage? iyong babae na kasama ko. Kaibigan ko iyon, siya ang nakiusap sa akin na pumalit sa kaniya para ngayong gabi sa stag party na iyon! hindi ako stripper!" Natigilan si Eros. Kitang-kita ko iyon sa kaniyang mukha. Lumuwag rin ang pagkakahawak niya sa aking pulusuhan. "Are you lying?" tanong niya habang salubong ang mga kilay. "Nagsisinungaling ka ba para lang mapagtakpan ang imahe mo sa akin? takot ka ba na sabihin ko kay grandma ang tungkol dito?" Malakas ko siyang itinulak at sa pagkakataong iyon ay nagtagumpay ako na makalayo sa kaniya. Mabilis akong tumayo habang takip ng aking dalawang kamay ang aking mga dibdib. "Isa akong baker! nagbe-bake ako ng mga cakes, cupcakes at cookies dahil iyon ang trabaho ko! hindi ako nagsinungaling kay Ma'am Gianna dahil totoo ang mga sinabi ko sa kaniya! ngayon kung iyong ibinayad mo kaninang isang daang libo ang inaalala mo dahil naialis mo ako sa condo na iyon ay sige, babayaran kita!" Nakatingin lang ang mga mata niya sa akin. Nang umangat ang sulok ng labi niya ay napaawang ang bibig ko. G-Guwapo siya, oo... maganda rin ang katawan niya. Pero demonyo ang ugali niya! Pero bakit ang bilis ng t***k ng puso mo, Love?! "Okay, then, pay me," sabi niya at inilahad ang kaniyang palad sa akin. Napalabi ako. Paano ko siya mababayaran? tiyak na walang bayad na maibibigay kay Xia dahil itinakas nga ako ni Eros sa stag party na 'yon. Saan naman ako kukuha ng isang daang libo? "Where is it? pay me now. Kapag nabayaran mo ako ngayon ay sige, maaari ka nang umalis." Napaatras ako nang tumayo siya at naglakad palapit sa akin. "I-Ibabalik ko sa iyo iyong isang daang libo! h-hindi ngayon, basta ibabalik ko!" sagot ko sa kaniya. Palapit siya ng palapit sa akin at ako naman ay paatras ng paatras. Nang maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod ay napalingon ako doon. "I need it now." Ang lalim ng boses niya ang nakapagpatingin sa akin pabalik sa kaniya. Nakita ko ang madilim na mga mata niya na nakatingin sa akin, bumaba iyon sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng hiya nang magtagal ang mga mata niya doon. "B-Babayaran ko nga!" sigaw ko upang kuhanin ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil tumingin siya sa aking mga mata. "Paano mo babayaran? paano ako makakasigurado na hindi mo ako tatakbuhan?" "That's one hundred thousand. Kikitain mo ba iyon sa pagbe-bake mo ng cake, Lovender?" Napasinghap ako nang hapitin niya ako sa aking baywang at ilapit sa kaniya. "O-Oo, k-kaya kong bayaran iyon--" "You can actually pay me that one hundred thousand for one night. Ngayon gabi..." Dumako ang kaniyang bibig sa aking tainga. Naramdaman ko na kinagat niya iyon. "E-Eros..." Nang bumalik ang mukha niya sa akin ay bigla niya akong hinalikan ng malalim. "Why do you call my name like you wanted me to fckng kiss you?" A-Ano? hindi naman ganoon! "H-Hindi no!" Nang subukan kong itulak siya gamit ang siko ko ay dalawang kamay na niya ngayon ang nakahawak sa baywang ko. "I am not kidding when I said that you could pay that one hundred thousand tonight, Lovender. Ayaw mo ba non? mas madali 'yon. One night with me. s*x" Hindi ako nakapagsalita. This is not my job. Hindi ko kaya ito. s*x? no... I can't do that to pay that one hundred thousand. H-Hindi ko kayang ipagpalit ang virginity ko sa pera. "B-Basta babayaran kita--" Tumalikod si Eros sa akin at kinuha ang cellphone niya. "I need the money now. Kung hindi mo maibibigay sa akin ay tatawag ako ng pulis at ngayong gabi lang rin at makukulong ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. H-Hindi... "A-Ano? b-bakit? wala naman akong ginawa sa 'yo." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Umangat ang sulok ng labi niya at tumaas ang mga kilay sa akin. "I can make them believe that you did something to me, Lovender... I am a Lozrealle, a Billionaire. I can pull things that you don't think a person can..." Bigla akong nakaramdam ng takot. Bakit ko nga ba nakalimutan? sa mundo nilang mayayaman kayang-kaya nila kaming tapakan at mapaikot sa mga palad nila. Nang marinig ko ang sinabi niya ay dahan-dahan na bumaba ang mga kamay ko. Wala akong one hundred thousand. Takot akong makulong. Kahit kailan ay hindi ako gumawa ng masama. Nang makita ko ang pagnanasa sa mga mata ni Eros habang nakatingin sa akin ay kinuyom ko ang aking mga kamay. Isang gabi lang... isang gabi lang, Lovender. "S-Sige..." "P-Payag na ako sa gusto mo. N-ngayong gabi lang." Ibinaba ni Eros ang cellphone na nasa tainga niya habang nakatingin sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay muli akong nagsalita. "K-Kaso v-virgin pa kasi ako, Eros..." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sandali at biglang inilayo ang tingin sa akin. Sinilip ko siya, nakita ko ang namumula niyang tainga. Tutop din niya ang kaniyang bibig. Magsasalita pa sana ako ulit nang tumalikod siya sa akin at pagkatapos ay biglang lumabas ng silid niya. Anong nangyari sa kaniya? bakit bigla siyang umalis? Nakatayo lamang ako doon at hindi gumagalaw. Iniisip ko kung may nasabi ba akong hindi maganda kay Eros. Inamoy ko rin ang aking mga braso kung mabaho ba ako pero hindi naman. Nang bumaba ang tingin ko sa aking dibdib ay mabilis ko iyong tinakpan ng aking mga kamay at kinuha ang pang-itaas ng maid costume na suot ko kanina. "H-Hindi naman ako maaaring umalis sa condo na 'to na itong maid costume ang suot ko." Nilibot ko ang aking mga mata sa buong silid ni Eros, nang may makita akong pinto ay pumasok ako doon. Napansin ko ang maraming drawer. Binuksan ko ang isa at nakita na puro tshirt ang naroon. Kinuha ko ang isang itim na tshirt niya at kaagad iyong isinuot. Hinubad ko na rin ang skirt ng maid costume at kumuha ako ng isang boxer niya. Wala na akong pakialam. Dahil mas kahiya-hiya kapag may nakakita pa sa akin sa labas na naka-maid costume ako. Lumipas ang labing-limang minuto. Mukhang umalis ng kaniyang penthouse si Eros dahil hindi na siya bumalik sa silid niya. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at isinarado ang pinto ng walang ingay. Palinga-linga ako sa paligid dahil baka bigla na naman sumulpot ang lalakeng iyon. Akala ko talaga kanina ay katapusan ko na. Wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang talagang ibigay sa kaniya ang sarili ko dahil ayoko naman na makulong. Hindi rin ako makapaniwala na gagawa pa siya ng paraan para lang makulong ako. "Love... isang daang libo ang utang mo kay Eros ngayon." Napapikit ako ng mariin nang maalala ang halagang iyon. Hindi ko naman kasi sinabi sa kaniya na magbayad siya ng isang daang libo para maitakas ako sa stag party kanina. Kaya ko naman magpaliwanag, saka andon naman si Winona. Masasabi ko naman ang totoo na hindi ako pumunta doon para maging isang stripper. Puwede niyang tawagan si Xia para makumpirma sa kaibigan ko ang totoo. "Nasaan ba yung daan palabas--" "What are you doing here, Ellaine?" Nang marinig ko ang boses ni Eros ay mabilis akong nagtago sa gilid. Teka, Ellaine? sino iyong kausap niya? "Eros, why are you so cold? kababalik ko lang galing ng italy. I came here because I missed you so much, babe." Babe? Nanlaki ang mga mata ko. Girlfriend niya kaya ito? patay kung ganoon! sobra na iyong kahihiyan na dinanas ko kanina sa stag party mukhang mapapahiya pa ako dahil sa sitwasyon ko ngayon. "Do you think I am--" Natigilan si Eros nang magawi ang mga mata niya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Ako naman ay nagtago pa sa gilid upang hindi nila makita. Napayuko ako at nakagat ang aking pang-ibabang labi. "Eros, hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin? I know that you are just being cold because I went to italy. Andito na ako, oh..." Mukhang girlfriend nga niya ang babaeng ito. Pero bakit naman mukhang nagmamatigas si Eros? nang muli akong sumilip sa kanila ay napaatras ako nang makitang nasa harapan ko na ang demonyo. "E-Eros," sambit ko at umangat ang tingin sa kaniya. He smirked and grab my hand. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinila niya ako at ngayon ay nasa harapan na kami ng babaeng kausap niya. Yumuko ako nang titigan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Wala pa akong suot na tsinelas. Nakayapak lang ako! "This is my woman, Ellaine. I have a girlfriend. Sinabi ko na sa 'yo, sa oras na umalis ka nang araw na 'yon ay wala ka nang babalikan pa." Napatingin ako kay Eros nang magsalita siya. Anong 'this is my woman?' at 'I have a girlfriend' kanina lang ay nais niya akong ipakulong! "Leave." Malamig ang tono ng boses niya at wala ring ekspresyon ang kaniyang mukha habang nakatingin sa babae. Nang mapadako naman ang aking tingin kay Ellaine ay nakita kong nakaawang ang bibig nito habang nakatingin kay Eros. Mukhang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ni Eros sa kaniya. "W-Who is she? y-your woman? Eros... you can't do this to me--" "You left me. I beg. I know my worth, Ellaine." Beg? nagmakaawa siya? Sa nakita kong ugali ni Eros ay parang hindi ko mapaniwalaan na kaya niyang magmakaawa. Mukhang minahal niya ng totoo at sobra ang babae na nasa harapan namin ngayon. "Do you think I will believe you?" tanong ni Ellaine at tumingin ito sa akin, "At ikaw? sino ka ba? why are you here in my boyfriend's house? are you his maid?" Ako nalilito na ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung mag-ex sila o sila pa rin. Sinasabi ni Eros na wala na itong babalikan. Pero isa lang ang sigurado, mukhang ako na naman ang maiipit dito. "M-Miss, nagkakamali--hmpp!" Sinamaan ko ng tingin si Eros nang bigla niyang akong akbayan at takpan ng kaniyang kamay ang aking bibig. Ano ba ang gusto niya?! "Just look at her, Ellaine. Sa tingin mo ba ang babaeng ito ay kasambahay ko? she's wearing my shirt..." Buwisit. Oo nga pala. "Also..." Nagulat ako nang iangat ni Eros ang tshirt niya na suot ko. "She's also wearing my boxer. She's my woman, Ellaine, don't insult her in front of me." Kung iba ang sitwasyon namin at kung totoong kasintahan niya ako ay kikiligin ako sa sinabi niya pero hindi, eh. Kanina lang gusto niya akong ipakulong! gusto niya pang makipag-seks sa akin para lang mabayaran ko iyong isang daang libo na iniwan niya sa mga kaibigan niya sa stag party! "E-Eros... you can't do this to me. I-Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumalik... iniwan ko ang modeling dahil sa 'yo. Sinabi mo na kung aalis ako sa pagmo-model ay magpapakasal na tayo, hindi ba?" Kasal? ganoon na kalalim ang relasyon nila! Napatingin ako kay Eros. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, hindi naman ako makapagsalita dahil takip-takip pa rin ng demonyo ang bibig ko. Gusto ko nang umuwi para masabunutan ko si Xia! "Yes. I told you that I am going to marry you if you quit modeling but that was two years ago, Ellaine. When you were still in my arms. When we were still happy. All of it... was in the past." Umiling ng sunod-sunod si Ellaine. Nang makita ko na may tumulong mga luha sa kaniyang mga mata ay nakaramdam ako ng awa. Ayoko naman na gamitin ako ni Eros para lamang mapaghigantihan itong ex niya kaso wala akong magawa dahil sa nangyari kanina. Isa pa, takip-takip pa rin niya ang bibig ko. "N-No..." Mukha naman maaayos pa nila itong dalawa dahil sa nakikita ko sa mga mata ni Ellaine ay puno pa rin iyon ng pagmamahal habang nakatingin kay Eros. "Eros... please..." "Leave." Mariin na pumikit si Ellaine at tumango ito ng dalawang beses. "Aalis ako ngayon pero hindi ako titigil na makuha ka ulit, Eros." Nakikita ko ang determinasyon sa mga mata nito habang nakatingin ng diretso kay Eros. Mahahalata naman, sa klase ng tingin, sa mga salitang binitawan niya ay mahal pa talaga niya itong demonyo sa tabi ko. "Isang taon pa lang nang umalis ako. Alam ko na hindi ka pa nakaka-move on," sabi ni Ellaine at tumingin ito sa akin, "she's just a fling. Alam ko. Babalik ka rin sa akin, Eros." Fling?! kahit kailan ay hindi ako papayag maging fling! lalo na ng isang lalakeng may lahi ni satanas. Nagtataka nga ako kung totoo bang Lozrealle si Eros dahil mababait ang mga Lozrealle. "Sisiguruhin ko iyan. Hindi ako titigil." Nang maramdaman ko na bumaba ang kamay ni Eros sa aking baywang at nang pisilin niya iyon ay napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin na para bang sinasabi niya na magsalita ako tungkol sa nangyayari. Nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya. Bumaba ang bibig niya sa gilid ng tainga ko at bumulong. "Do something, act as my girlfriend." "I will get you back, Eros," sabi ni Ellaine at tumalikod ito. Si Eros naman ay iniharap ako sa kaniya. "Say something to her," sabi sa niya sa akin sa mapanganib na tono kaya ang ginawa ko ay tinawag ko ang ex--girlfriend niya. "S-Sandali!" sigaw ko kay Ellaine. Huminto ito at tumingin sa akin. Pinalis pa nito ang mga luha na nalaglag sa magkabilang pisngi. "What?" tanong ni Ellaine. "Ingat ka palabas," sabi ko at ngumiti. "What the fck?" rinig kong mura ni Eros sa tabi ko. Aba, ano ba ang gusto niyang sabihin ko? akala niya ba makikipagbardagulan ako dito sa ex niya at sasabihin na, 'Hinding-hindi mo makukuha sa akin si Eros dahil akin na siya ngayon!' No way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD