Chapter 2

2209 Words
Pero nangako kasi kami na hindi namin iiwan ang isa't-isa. Ayoko rin na magkalayo kami dahil tunay na kapatid na ang turing ko sa kaniya. "Pasensiya na po kayo, Ma'am Gianna, talagang noon po ay hindi ko maiwan si Xia. Magkapatid na po ang turingan namin sa isa't-isa," sabi ko sa kaniya. Inabot niya ang pisngi ko, "Alam ko, sinabi sa akin ni Lourdes, pero, kamusta? may maayos na income ba kayo buwan-buwan? saan kayo nakatira?" "Maayos po, sa solis street po kami nakatira sa isang apartment. Nagbe-bake ako ng mga cakes at cupcakes iyon po ang trabaho ko, napupunan naman po ang aming pangangailangan ni Xia, may trabaho rin po si Xia." Tumango-tango siya. "Mabuti naman kung ganoon, pero, Lovender, huwag kang mahihiya na humingi sa akin ng tulong, ha?" "Mama." Napatingin ako sa tumawag kay Ma'am Gianna. Iyong lalake kanina... Matangkad ito, hanggang balikat lamang ako kung itatabi sa kaniya. Kulay brown ang mga mata katulad ng kay Ma'am Gianna, at ang buhok nito ay itim na itim at maayos ang gupit. "Lovender," hinila ni Ma'am Gianna ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Siya pala ang apo ko si, Eros. Eros Hector Lozrealle." Tumingin sa akin ang lalake. Ako naman ay yumuko dito. Pakiramdam ko ay kahit sino na konektado kay Ma'am Gianna ay kailangan kong bigyan ng galang. Kahit pa ang kaniyang apo. "Eros, She's Lovender. The one I was talking about in the car. Sa tingin mo ay may maibibigay kang trabaho sa kaniya?" Bigla akong napatingin kay Ma'am Gianna sa sinabi niya. "It depends on her background, Mama. I don't just give position to people..." tumingin ito sa akin, mula ulo hanggang paa, napasimangot ako, "easily. Ano ba ang tinapos?" Hindi ata alam ni Ma'am Gianna ang isasagot niya kaya't kinuha ko ang atensyon nito sa paghila ng kaunti sa kamay. "Ma'am, nagpapasalamat po ako sa tulong ninyo noon at ngayon, pero maayos na po ang aking trabaho, huwag po kayong mag-alala sa akin. At tama rin naman po ang sinabi ni sir..." tumingin ako sandali sa apo niya, "hindi dapat basta-basta nagbibigay ng posisyon sa mga tao ng ganoon kadali. Dapat munang alamin ang kakayahan nito." Sumimangot si ma'am ngunit ngumiti rin sa akin at tinapik ako sa braso. "Basta, kung kailangan mo ng tulong ay sabihin mo sa akin, ha?" tumingin siya sa isang babae, "Laida, pahingi nga ako ng business card ko." Lumapit ang isang babae sa kaniya at may iniabot. "Ito, tawagan mo ako, dito ha?" Tumango ako at nagpasalamat pero bago kami maghiwalay noon ni Ma'am Gianna ay hindi ko nagustuhan ang tingin na ibinigay sa akin ng kaniyang apo. Pakiramdam ko ba sa mga tingin na iyon ay iniisip niya na huhuthutan ko ng pera ang lola niya. Eros Hecthor Lozrealle. Mukhang may isang masama ang ugali na naligaw sa pamilya ni Ma'am Gianna. Kahit ang mga anak ni Ma'am ay mababait ngunit itong apo niya ay mukhang may ipapakita pang hindi magandang pag-uugali kapag lumapit ako sa kaniyang lola. Nang dumating ang araw na sinasabi ni Xia sa akin ay naging abal kaming dalawa. Niyayari ko ang cake na para sa stag party at siya naman ay inaayos ang isusuot ko. Maid uniform na ilang beses namin pinagtaluhan dahil napakaiksi. May sheer stockings nga pero maigsi pa rin para sa akin ang costume na iyon. "Wala na akong magagawa dito, Love, todo na ang iksi nito," sabi sa akin ni Xia. "Bakit naman kasi iyan ang ipinadala ng bossing mo? pagtuwad ko diyan kita na panty ko, eh," reklamo ko sa kaniya. "Eh, di, huwag kang tumuwad! hindi ka naman papatuwarin doon! basta, Love, five hours lang 'yon, matitiis mo naman. Assist-assist lang talaga, sinigurado ko sa boss ko iyan, syempre, hindi rin kita ipapahamak," sabi niya. "Oh, sige na, sige. Alas syete ako gagayak, room 501 sa Realle Condominium, 'di ba?" tanong ko. "Oo, tatawagan kita pag nagka-oras ako, hindi naman ipagbabawal sa 'yo ang cellphone." Nang lumipas ang oras ay tinungo ko ang condominium na sinabi ni Xia. Doon na raw ako magpalit, naroon rin daw ang isang ka-trabaho niya na kasama ko mag-a-assist. Dala ko na rin ang cake na ipinagawa. Bayad na ito, pero iyong sinasabi ni Xia na pag-aasisst na fee ay wala pa. "Ikaw iyong sinabi ni Thelle? ako si Winona, katrabaho niya," tanong sa akin ng isang babae. Tumango ako, "Lovender," sabi ko naman. "Pasok, alas otso magsisimula." Nakaayos na ang condo na paggaganapan. Ibinaba ko ang cake sa lamesa sa mismong gitna at pagkatapos ay tinungo ang silid kung saan itinuro noong babae na magbihis ako. Tumingin ako sa relo kong pambisig. Alas syete diyes na. Nagbihis ako ng maid costume na ibinigay ni Xia sa akin kanina. Hinihila ko iyon pababa dahil sa sobrang igsi. Isa pa, sa gawing dibdib ay medyo kita pa ang cleavage ko. "Tapos ka na ba?" tanong ni Winona. Lumabas ako at tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa. "Ganda mo nga, ang kinis at sexy pa, naghahanap ka ba ng trabaho? hiring pa kami for stripper, malaki kikitain mo, safe naman, walang gagalaw sa 'yo kung hindi mo gusto." Nakahawak ang isa kong kamay sa aking dibdib at ang isang kamay ay hinihila pababa ang skirt ng costume. "H-Hindi, pumayag lang ako kay Xia dito dahil walang papalit sa kaniya. Hindi ko talaga ito gawain, iyong pag-bake ng cake ang trabaho kong talaga," sagot ko. Tumango-tango siya. "Ganoon ba? sayang, ganda, oh, sige. Diyan ka muna sa loob ng banyo. Tapos isuot mo 'tong maskara. Tatawagin kita mamaya pag kailangan mo nang lumabas." "Sige..." Kinuha ko ang maskara na inaabot niya at naghintay lang sa loob ng cr. Patingin-tingin ako sa oras. Nang mag-alas otso ay nakarinig ako ng ingay sa labas. Nagpatugtog sila. Nakarinig rin ako ng boses ng mga lalake. "Love, limang oras, mabilis lang ang limang oras..." Pero nanlalamig ang mga kamay ko. Stag party ito, nakasuot pa ako ng ganito kaiksi... hindi ko lang talaga matiis si Xia. Nang makarinig ako ng katok sa pinto ng cr ay napatingin ako sa oras, hindi ko namalayan dahil sa pag-iisip, alas otso trenta na pala. Nang buksan ko ang cr ay bumungad sa akin ang mukha ni Winona. "Halika na, suot mo iyang maskara, tapos unti-unti mong tanggalin, iyong nakapula ang groom," sabi niya. Tumango ako. Iyong groom lang ba ang ia-assist ko? bakit kailangan unti-unting tanggalin iyong mask? Nang lumabas ako ng cr ay nakita ko agad ang anim na kalalakihan. Nakatayo ang mga ito habang umiinom ng alak. Nakita ko ang nakapula. Iyong groom na tinutukoy ni Winona. "Damn it! hindi ako makapaniwala na natali na talaga si Franxe. Siya pa talaga ang nauna sa ating lahat!" Nang mapadako ang tingin ng isang lalake sa akin ay nakita ko itong ngumiti. Napaharap silang lahat sa direksyon ko. Tiningnan ako ng mga ito mula ulo hanggang paa. Bumilis iyong t***k ng puso ko, ito ang unang beses na masasalang ako sa ganitong sitwasyon. "Woah! mukhang sulit ang bayad mo dito, Liyo. Grabe, 36-24-36 hmmm... sexy." Nabastusan ako sa klase ng tingin na ibinigay sa akin noong nagsalita. "Lovender, magsimula ka na," bulong sa akin ni Winona. Simula? anong simula? tatanggalin ko na ba itong maskara? ngunit nang makita ko ang alak sa gilid ay kinuha ko iyon at sinimulan na salinan ang mga baso nila. Ang sabi ni Xia ay assist lang daw. Lumakas ang tugtog sa paligid at nagkakasiya na ang mga lalake sa harapan ko habang ako naman ay hindi ko alam ang aking gagawin. "Where the hell is Hector? siya ang may-ari nitong condominium at siya pa ang late. Nasa penthouse lang siya diba?" Nang sasalinan ko ang baso ng isang lalake ay nagulat ako nang hawakan ako nito sa baywang. "Woah, ang liit ng baywang, miss, anong oras ka magsisimula? I can't wait." A-Anong magsisimula? Napaatras ako nang muling lumapit sa akin ito. "A-Ano po ba ang sinasabi mo?" tanong ko sa lalake. May itsura rin ito pero kung makatingin ay tinging manyak. "Oh, Hector is here! late na naman!" rinig kong sabi ng isa. Hinawakan ako ng lalake sa braso ko, nagulat ako nang bigla niya akong hapitin sa baywang at alisin ang maskara sa mukha ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa nito at sa pagdiin ng katawan nito sa akin. "Blaze, ang bilis mo naman diyan! hindi pa nga naghuhubad sa harapan natin ay nanguna ka na!" sabi ng isang lalake. H-Hubad?! akala ko ay assist lang?! Napatingin ako sa lalakeng tinawag na Blaze. Nagkatinginan kaming dalawa. Para bang pinagmamasdan nito ang mukha ko. "S-Sandali!" sigaw ko at itinulak ito. Napatingin na sa amin ang mga naroon sa buong silid. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko si Winona na papalapit. Tumigil ang tugtog sa paligid at nakatingin na sila ngayon sa akin. "What are you doing, woman?" magkasalubong ang kilay na sabi sa akin nung Blaze. Lumapit itong muli at nagulat ako nang hilahin nito ang tali ng suot ko na nasa gawing dibdib ko. Iyon ang tali para ma-lock ang pang itaas na maid costume na suot ko! Nasalo ko ang dibdib ko dahil doon. "H-Hindi ito ang--" Napatigil ako sa pagsasalita nang may makilala ako sa loob ng silid. Seryosong nakatingin ito sa akin at hindi inaalis sa akin ang tingin. Napaawang ang mga labi ko sa gulat. E-Eros? Eros Hector Lozrealle? i-iyong apo ni Ma'am Gianna! "Don't act virgin. Stripper ka, 'di ba? for sure marami ka na rin naikama, remove your clothes now. Don't make us wait." Napaatras ako at natumba nang humakbang palapit iyong Blaze. Nagulat ako nang kubabawan ako nito at pilit niyang inaalis ang mga kamay ko na nakatakip sa dibdib ko. "S-Sandali! m-mali kayo ng iniisip, h-hindi ako--" "W-Woah, Hector, wait..." Nakita kong hinila ni Eros ang lalake sa ibabaw ko. Tumingin ito sa akin at pagkatapos ay hinila ako sa kamay. "Damn, sosolohin pa ata! sayang, ang ganda nitong nakuha ni Liyo!" sabi nung Blaze. Nakita ko na naglapag si Eros ng cheque sa lamesa. "She's mine tonight. Here's the payment. Ako na ang magbabayad sa serbisyo nito." A-Ano? Bago pa ako makapagsalita at makausap si Winona ay hinila ako palabas ni Eros. "Hector! damn you! nauna ako diyan, eh!" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nabibingi ako. Kinakabahan. Walang kibo na pumasok kami sa elevator. He's still holding my hand. Nang nasa pinaka last floor na kami--sa penthouse ay mabilis ang mga hakbang niya na pumasok sa silid habang hawak pa rin ang kamay ko. Mabuti na lang at wala kaming nakasabay sa elevator dahil kahiya-hiya ang itsura ko. Nang makapasok kami sa bedroom niya ay nagulat ako nang bitawan niya ang kamay ko. Nakita ko na unti-unti niyang inaalis ang pagkakabutones ng puting long sleeve polo niya habang seryosong nakatingin sa akin. "Strip." Napaatras ako sa sinabi niya. "Lovender, right?" Naalala niya ako! Nang hindi ako kumilos ay lumapit siya sa akin. Nagulat ako nang kuhanin niya ang kamay ko at itinulak ako sa kaniyang kama. "The cheque was worth one hundred thousand." Napaawang ang mga labi ko nang ihagis niya sa gilid ang puting polo na suot niya kanina. Wala na siyang pang-itaas ngayon habang ang matatalim na mga mata ay nakatingin sa akin. Unti-unti siyang lumapit at ako naman ay napapaatras sa kaniyang kama. "A baker, huh? my grandmother was so kind that she didn't know her favorite woman in the orphanage is a fckng stripper." Napalunok ako. Nagkakamali siya! nakiusap lang sa akin ang kaibigan ko na si Xia para sa trabahong ito! Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Nagulat ako nang iangat niya ako at hinapit sa baywang. "B-Bitawan mo ako!" Ngumiti si Eros sa akin. Inilapit niya ang mukha at pagkatapos ay gumalaw ang kaniyang kamay at inalis ang pang-itaas ko. Sinubukan ko siyang itulak pero mahigpit ang hawak niya. "If you are not going to strip by your own then let me do it." Ang sabi ni Xia, assist lang! bakit ganito na? Tumingin ako kay Eros. I can see the desire on his eyes while looking at me. "Hayaan mo na akong makaalis! nagkakamali ka ng inaakala--" Napatigil ako nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko. "Hmmm!" sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan lang niya ang mga kamay ko at inihiga ako sa kama. Malalim ang mga halik niya sa akin at hindi ako makahinga. Ito ang unang beses na nahalikan ako ng isang lalake sa mga labi. Nakaramdam ako ng takot. Nasa isang lugar ako kung saan wala akong laban... Nalulunod ako sa paraan ng paghalik niya sa akin. Hindi ako makahinga, hindi rin niya ako binibigyan ng pagkakataon na huminga dahil sa lalim ng paghalik. Nang humiwalay sa akin si Eros ay bumaba naman ang mga halik niya sa aking leeg. Para siyang nanggigil habang hinahalikan ang parteng iyon ng aking katawan. "S-Sandali... E-Eros..." "Fck," rinig kong sabi niya. "Ahhh..." Napaungol ako nang maramdaman kong bumaba ang mga labi niya sa aking dibdib. Sinabi sa akin ni Xia na mag-a-assist lang ako sa stag party at wala sa usapan ang maghuhubad doon. Ang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap ay nasa kama ako ngayon kasama si Eros. Ang apo ni Ma'am Gianna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD