bc

Force Merry To A Mafia Boss

book_age12+
22
FOLLOW
1K
READ
HE
forced
mafia
drama
like
intro-logo
Blurb

This Book is a Work of fiction. Names , characters, some place and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiosly.Any remembrance to actual events, Place or person , living, or dead is entirely coincidental.Pop Fiction is imprint to summit books, Published by: Prescious

chap-preview
Free preview
--Chapter 1--
ZENAIDA POINT OF VIEW "Krystal sabay na tayong maglunch" "Argg huh,at anong akala mo sasabay ako sayo? Can you please get out of my sight,my poor annoying sister nakakasira ka ng beauty ko" Kasabay nang pagkakasabi niya nun ay siya ring pagtawa ng dalawa pa niyang kasama,tinalikuran niya lang ako tsaka umalis. Naikuyom ko na lamang ang kamao ko sa magkahalong pagkapahiya at galit na nararamdaman ko. Ano pa bang inaasahan ko sa kanya? She never treated me like her own sibling,even mom and dad doesn't treat me as their own child. Alam ko namang wala akong karapatang kwustiyunin sila,dahil ang totoo ampon lang ako at matagal ko ng alam yun. Sa loob ng maraming taon,puros p**********p at p*******t ang dinaranas ko sa mga kamay nila. Pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya at ang turing lang nila sa akin ay alila,oo nakakapag-aaral ako pero ang kapalit namang kabayaran nun ay ang napakaraming pasa at peklat ko sa katawan. 'Nakakainis,bat wala akong magawa!' "Hoy Zenzen! Hay naku best kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala,kung saan saan na ako napunta. Nalibot ko na nga ata buong campus jusko ka" Bungad naman ni Lea na naghahabol pa ng hininga sa sobrang hingal Si Lea ang naging kaibigan ko,or should I say my best of friend. Halos kapatid na nga ang turingan naming dalawa,sa kanya ko lang naramdaman na may halaga ako,na importante ako. She has been the person I wish for to meet,kahit papaano mayroon pa rin akong mapagsasabihan ng problema at malalabasan ko ng mga drama ko sa buhay. "Oh bat tulala ka ata?" Nabalik naman ako sa wisyo ng magsalita ito,napakunot na lang ang noo ko at saka bumuntong hininga. "Ahh wala,tara na nga punta na tayo sa canteen nagugutom na ako" Pag aya ko sa kanya As usual napakaraming estudyante pagdating pa lang namin. Agaran kaming pumila,pagdating ko sa counter tanging spaghetti at tubig lang ang in-order ko. "Ako na ang magbabayad niyan" Nabigla pa ako ng may sumulpot na lalaki sa tabi ko "Oh my god si Chase" "Ang gwapo niya talaga" Rinig kong bulungan nang mga babaeng nakasunod sa likuran namin,he's Chase Alcantara ang captain ng Fire Eagle ang basketball team ng Lightsum University,ang school namin. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya,aaminin ko gwapo siya,matangkad,maputi,matalino,at mabait. Kumbaga siya ang matatawag na ideal boyfriend,pero ni-minsan hindi ako naattract sa kanya lalo na at mailap ako sa mga lalaki. "Wag na,may pambayad naman ako" Seryosong sambit ko sabay abot ko ng card sa cashier Mabilis akong umalis sa kinalalagyan ko at saka naghanap ng puwesto,inantay ko si Lea na makabili ng pagkain niya. "Best,ganda mo talaga ahh---akalain mo nilapitan ka ng isang Chase Alcantara at di lang yun ililibre ka pa kaso tinanggihan mo chance na sana yun oh para magkalapit kayo,choosy ka ba?" "Hindi noh,at saka di ko naman gusto na maging close kami. Wala din akong interes sa kanya" Wala sa mood kong sabi Daldal lang ng daldal si Lea habang ako tahimik lang,sanay naman na ako sa paguugali niya. Pagkatapos kumain ay di na rin kami nagtagal at napagpasyahang magpalipas muna ng oras sa garden ng LU (Lightsum University). "T-teka nga Zenzen bakit namumula yang binti mo? Parang pasa ata yan ahh" Tinignan ko naman ang parteng sinabi ni Lea at agad kong inayos ang suot kong skirt para takpan ito. "I-ito ba a-no kasi nabunggo ako sa upuan n-nung nakaraang araw" Pagdadahilan ko sa kanya "Ako pa lolokohin mo? Tss best,alam ko naman yang pinagdadaanan mo ehh. Ano? Binugbog ka na naman ba ng so called 'MOMMY' mo?" "Hindi naman sa ganun,kasalanan ko rin kasi nabasag ko yung mamahaling vase sa bahay k-kaya nagawa niya akong saktan" "Alam mo---bakit kasi di ka na lang umalis,lumayas?" "Hindi naman ganun kadali yun,siguro payment ko na rin toh sa lahat ng pagkakautang ko sa kanila. Kaya ko pa namang magtiis,for now gusto ko lang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko para once na nakapatagpos na ako kaya ko ng buhayin ang sarili ko ng walang tulong nila" Tinapik ni Lea ang braso ko,nginitian ko naman siya. "Basta best,magpakatatag ka ahh nandito lang ako. At si-----Chase" Pang aasar pa niya kaya sinamaan ko toh ng titig "Itigil mo na nga yan tss" Akmang tatayo na ako ng may biglang pumatid sa akin dahilan para masubsob ako at magasgasan ang tuhod ko. "Hoy Zenaida,wag ka ngang makalapit lapit kay Chase. Your too flirty aren't you? Chase is mine,you think papatulan ka niya? Stupid" Boses iyon ni Krystal "Fyi lang si Chase ang lumapit sa kanya hindi siya,palibhasa di ka niya type kaya naiinggit ka sa kapatid mo diba?!" Rinig kong bulyaw ni Lea "How dare you talk to me like that you ugly b*tch!" "Ugly b*tch mo mukha mo atleast di mukhang clown!" Pinilit kong tumayo at pumagitna ako sa kanila. "L-lea tama na yan,ako ng bahala dito" "Hindi best ehh,itong imp*kta mong kapatid sumusobra na kaya dapat turuan ng leksyon" Pinakalma ko naman si Lea bago hinarap si Krystal,gustong gusto kong gum*nti sa kanya kaso sobrang hina ng loob ko para gawin iyon. "Hindi ko naman gusto si Chase,sayo na siya Krystal. P-pangako di na ako lalapit sa kanya kahit kailan,lalayo na ako" "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo,and can you please shut your friends dirty mouth. Kapag sinubukan ulit lumaban sa akin niyan ikaw ang mananagot Zenaida" Pagbabanta pa niya bago tinabig ang balikat ko at naglakad palayo "Best naman bakit ba hinahayaan mo lang siyang ganunin ka?" "Ayos lang Lea,I can handle it" "Hayss tara nga sa infirmary nang magamot yang sugat mo" _____ _____ DIOR POINT OF VIEW BANG! BANG! BANG! Tuloy tuloy na putok ng b***l ang narinig ko,I can't even count how many times I hear those loud noises. 'Ma,pa gumising kayo pleass wag niyo akong iwan huhuhu-----ma,pa!' . . . I wont forget the worst nightmare I have,I was 10 years old that time. Sa harap ko mismo pin*tay ang mga magulang ko,until now lagi ko pa ring naaalala ang senaryong yun. 13 years na ang nakalipas but that unforgettable day will remain,marami nang nagbago including me,well I've change also a lot. "Mr. Fuentes,sabi ng piloto isang oras na lang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan natin" I just nodded to one of my men,I took a sip from the bottle of wine I was holding. Handa na akong bumalik,I will seek for vengeance to what my parents has suffered for. Hindi ako magpapakita ng awa,binago ako ng pangyayaring yun mas matigas pa sa bato ang puso at damdamin ko. 'The old Dior has died,the new one rise' "Boss nakahanda na rin ang kotse na susundo sa inyo pagbaba natin,didiretso na po ba tayo sa Casa?" "Yes ofcourse" I seriously reply Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng magring ito,napailing ako ng makita sa screen ang pangalan ng tumatawag. [Mr. Fuentes,nakuha ko na lahat ng impormasyong kailangan niyo tungkol dun sa pinaiimbestagahan n'yo. Lahat ng files nakalap ko na,at yung contract at deal na pinagawa niyo ready na rin] "Good,I will see you later to get all of it" [Aasahan ko po iyan] Agad akong naghang up I smile,tumingin ako sa relong suot ko para i-check ang oras. I bit my lower lip then took a deep breath,inayos ko ang suot kong blazer at saka sumandal sa kinauupuan ko. 'I will be their darkest daymare,this will going to be fun and b****y' __________________________________

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook