05

1122 Words
"Hep! At saan mo balak pumunta kang bata ka, ha?" Lumingon ako kung sino 'yung sumigaw at nakitang si Kuya Lance. Magkasalubong ang kilay nito, para na siyang Tatay sa itsura niya. Balak ko sanang umalis at magliwaliw kaso naabutan ako. Masyadong mabilis ang araw, ilang week na lang balik school na naman. "Sa Mall, magpapalamig lang ng ulo." Walang gana kong sagot. Nabwibwiset na 'ko dito sa bahay. Not totally na nabwibwiset, puro na lang kasi tulog, kain, magbasa ng libro, at maglaro ng online games ginagawa ko whole week. Nakakasawa. "Sama ako. Magbibihis lang ako," nagmamadali siyang umakyat. Napabusangot ako. "Sasama ka? 'Wag na." Napatigil siya at nagmamakaawang humarap sa 'kin. "Fine. Get out the f*****g ass of yours." Tuwang tuwa siyang umakyat. Napailing na lang ako sa kanya. May pagkachildish siya minsan, daig pa 'yong mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit naging Kuya ko 'yon. Magkaibang magkaiba kami ng ugali. "Sabi mo mabilis ka lang? Bakit daig mo pa mga babae sa sobrang kupad mo kumilos." Napatayo ako ng pagkakaupo sa pagbaba niya. Mag iisang oras na ata akong naghihintay, e. "Excuse me?" Tinarayan ako, aba! Bakla ba 'tong Kuya ko? Well, hindi ko naman ipagkakalat hehe. Nagtaka siya nung gumilid ako para magkaroon pa ng space. "Oh... Daan ka na." Sinamaan niya 'ko ng tingin, gumanti rin ako. "Sabi mo kasi 'excuse me', e." Ginaya ko pa boses niya. "Iyong totoo, lalaki ka ba talaga? May dalaw ka yata ngayon." Asar ko. I heard Kuya tsked. Kahit kailan talaga, pikon itong isang 'to. "Tara na nga. Baka hindi ako makapagtimpi, kung ano pa magawa ko sa 'yo." Nauna na siyang naglakad palabas. "Go on. Gawin mo kung anong magagawa mo sa 'kin," panghahamon ko. Inismiran lang ako at hindi pinansin sinabi ko. "So..." Pambibitin niya. "Kaninong sasakyan gagamitin?" Tanong niya. "Sa akin," simpleng sagot ko. Uupo na sana siya sa driver's seat but a thought came to my mind. I smiled devilishly. "Creepy. Why are you smiling like that? May pinaplano ka, 'no? 'Wag mo nang ituloy, please lang." Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik lang. "Palit tayo, ako magda-drive." Para naman siyang pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa mukha niya. Gusto kong matawa. "Ayaw ko! Ako na." Agad siyang tumanggi. "Bawal ka magmaneho, hindi pa pwede." Tumaas ang isang kilay ko. "Psh. Pwede na kaya. Ayaw mo lang ako ang magmaneho dahil natatakot ka." Ngumiti ako ng nakakaasar. "H-hindi... ah." He denied. Kinulit ko siya nang kinulit. Tinakot ko pa nga para lang pumayag. Inumpisahan ko nang magmaneho. Halos dasalin niya na lahat ng santo dahil sa bilis ng pagmamaneho ko. "Ampucha. Hindi na talaga ako papayag sa susunod kahit mangulit ka pa." Reklamo niya nang makarating sa parking lot ng Mall. Agad siyang bumaba at nagsuka sa gilid-gilid. Bumaba na rin ako at hinintay siyang matapos sa pagsusuka. Pinunasan niya muna ang bibig niya bago kami pumasok sa loob. "Kain muna tayo. Nagugutom na ako." Naglilibot kami nang bigla siyang nagyaya kumain. Tinanguan ko na lang siya. Gutom na rin ako, hindi na 'ko nakakain sa bahay kanina. "Takaw, ah." Nilingon niya 'ko saka sinimangutan dahil sa sinabi ko. Pinarinig ko talaga. Katatapos lang namin um-order at maghanap ng upuan pero itong kasama ko lumamon agad, amp. 'Di man lang ako hinintay. Asarin ko nga siya mamaya pagkatapos kumain. Sana maalala ko, amen. "Look, Kuya, oh. Tumataba ka na. Takaw mo kasi," tinignan ko reaksyon niya. "Wala na magkakagusto sa 'yo, ouch." Dagdag ko. "Ikaw, kanina ka pa nangaasar. Susumbong na kita kay mom and dad para grounded ka." Banta niya. As if naman na matatakot ako. Bineletan ko lang siya. "Ang sabihin mo, bakla ka lang." I teased him again. "Masyado akong gwapo para maging bakla!" Napalakas pagkakasabi niya kaya napalingon 'yung mga katabi namin. "Hala, humangin ata." Hindi makapaniwalang sabi ko. "Grabe, ang hangin, Kuya." Sa sobrang pagkainis niya, niyaya niya na 'kong umalis doon sa pinagkainan namin. "Tara na nga, bwiset!" Nauuna siya sa 'kin maglakad. Habang naglalakad, nakasulubong ko si Jace, may kasama siyang babae. If I'm not mistaken, siya na siguro 'yung babaeng mahal niya. Natigilan siya nang makita ako. Binati niya 'ko at binati ko rin siya pabalik. Pinakilala ko si Kuya, ganon rin siya sa kasama niya. Nagpaalam na rin siya dahil may pupuntahan pa daw sila. Nginitian ko lang sila nang tipid at hinila na si Kuya. "Hoy. Makahila ka wagas, hindi ako mawawala, okay?" Pabalibag kong binitawan ang kamay niya. "f**k, ang sama mo!" Hindi ko 'yon pinagtuonan ng pansin at nagtanong. "Saan tayo pupunta?" "Aba, malay ko! Hinila hila mo 'ko, hindi mo naman pala alam kung saan tayo pupunta!" Inis niyang sagot habang hinihilot kamay niya. "Hintayin mo na lang ako, magc-cr lang ako." Paalam ko at hindi ko na hinayaang sumagot siya. Kanina ko pa nararamdaman na may nagmamasid sa 'kin, binabalewala ko lang. Tapos na akong gumamit ng banyo at bumalik na sa kung saan ko iniwan kasama ko. "Uwi na tayo. Gusto ko na magpahinga." Dahilan ko. Naabutan ko siyang may kinakalikot sa phone niya. Katext siguro mga tropa niya o mga kalandian niya. "Akin na 'yung susi, ako na magmamaneho." Paalala niya. Hindi na 'ko pumalag at binigay na 'yung susi sa kanya. "Mauna ka na pumasok, may nakalimutan ako." Sabi ko nang makarating kami sa labas ng Mall. "Bilisan mo, okay?" Tumango lang ako bilang tugon. Saktong pagkapasok niya ay ang paglabas ng taong kanina pa nagmamasid sa 'kin. Medyo malayo kami kung saan nakapwesto 'yung kotse namin. "Anong kailangan mo?" Malamig kong tanong sa kausap ko. Nakita kong ngumisi siya. "Ikaw kailangan namin." Ginantihan ko rin siya ng ngisi, mas nakakakilabot. "Tinatayo tayo mo d'yan? Start na. Dami pang satsat. Palibhasa matanda na." Pang iinsulto ko. Mukha namang nainsulto ko siya. Nauna siyang sumugod, puro iwas lang ako sa binibigay niyang atake. "Ano! Puro iwas ka na lang ba?!" Nagagalit na si Tanda. Hindi ko siya pinansin. Nang mapagod siya, saka ko kinuha ang pagkakataon na 'yon at sinakal siya nang mahigpit. "Sino nagutos sa 'yong sundan mo 'ko?" Tanong ko kahit alam ko naman na 'yung sagot. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya nang hindi siya sumagot. "Si B-boss p-po.." Nahihirapan niyang bigkas. Napangisi ako. 'Yong bwiset na 'yon. "Any last message? Bago mo makita si Mr. Satan?" "P-please 'w-wag po... P-parang awa-a niyo na-a.." Hindi ko siya pinansin at tinuluyan na siya. Tinamaan ko siya sa vital parts niya. Niligpit ko ang nagawa kong kalat. "Ang tagal mo. Naiinip na 'ko kakahintay, ah!" Salubong niya sa 'kin nang makapasok sa loob ng kotse. "Pake mo ba!" Singhal ko. Napanguso siya. Hindi ko na lang siya tinignan at binaling ang tingin sa labas. "The moon is beautiful," Bulalas ko bigla nang pagkakita sa liwanag ng buwan sa labas. Bumaling ako kay Kuya. "Isn't it?" "Tanga. Anong malay ko d'yan? Kita mong nakafocus ako sa daan," sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Pumikit muna ako dahil malayo layo pa ang bahay namin. Nagising ako sa sampal ng Kuya ko. "Aray ko, gago! Ba't mo 'ko sinampal?!" "Tinapik na kita nang ilang beses, hindi ka pa rin nagigising. Ginawa ko na lahat pampagising, walang epekto. Tulog mantika ka talaga." Reklamo niya. "Letse. Hindi ka talaga sweet sa 'kin pero sa iba todo effort ka." Nginisihan niya 'ko. "Don't worry, ikaw lang baby ko. Baby biik." Asar niya. Bumawi talaga. hayop. "Wala ka talagang kwenta. Bwiset! E, kung binuhat mo na lang sana ako kaysa sampalin nang malakas." Pagmamaktol ko. ____________________________________________________________________________ :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD