PROLOGUE
"Oh? Napatawag ka?"
Bagot kong sinagot ang tawag ni Karlyn, ang kaibigan ko. It's Sunday morning, nakahilata ako rito sa malambot kong kama. Wala masyadong ginagawa, hindi naman makapag bonding. Paano, sila mom and dad are not here. Si Kuya, may date ng girlfriend niya tapos inasar pa 'ko kanina na mag-isa ko na lang dito. Wala rin ang mga kasambahay, day off nila tuwing sunday. Pumunta ako kanina ng gym malapit lang sa subdivision, to do some exercises.
And also, umuuwi ako rito sa bahay kapag walang pasok or trip kong umuwi. Mag isa ko lang sa condo, ayaw naman kasi ako samahan ng kaibigan ko.
"Lily, tara. Punta tayong mall. Bibili ako ng mga bagong damit!" She giggled. Napakunot ang noo ko, nagtataka kung bakit nag-aaya pa e, siya lang naman bibili. Pero, wait? Jesus. Marami na siyang damit kung alam niyo lang. Hindi na nga maisara ang walk-in closet niya, for f*****g f**k's sake.
"What?! Bibili ka na naman ng bagong damit? Eh, mas marami ka pang damit kaysa sa 'kin. Hindi mo naman nasusuot 'yong iba. So bakit bibili ka pa ng bago?"
"Sige na, hoy! Samahan mo na 'ko, lilibre naman kita, ah," parang lumiwanag ang mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Tsaka, boy hunting na rin tayo."
"Oo na, tsk. What time ba?" Bored kong tanong.
"I'm already here," she answered cheerfully.
I sighed. Kahit kailan talaga tuwing mag-aaya 'yon pero naroon na sa pupuntahan niyo. "Okay, wait me there in 30 minutes. Don't be so excited, brat."
"Hoy, I'm not brat-"
She was about to protest pero pinatay ko na ang tawag at agad na pumuntang banyo upang maligo, alangan namang matulog. After taking a bath, I wore white long sleeve crop top and black high waisted jeans, kaya lalong lumitaw ang maputi kong balat sa tiyan. Nagsuot din ako ng white adidas shoes.
Ginawa ko na lang bun ang buhok ko at nag-iwan ng ilang hibla. Nag-liptint lang ako at nagpulbos. I don't usually wearing a make up's, kapag may events lang. Hindi ako sanay 'no. Sinuot ko na ang sling bag kong color red. Siyempre, hindi mawawala ang regalo sa 'kin ni mom, ang gold necklace. Umalis na 'ko sa kwarto at nagtungo na sa sasakyan ko.
"My God! What the f**k!" Mura ko nang ma-stuck ako sa kalagitnaan ng traffic. Kainis! Wrong timing, kung kailan nagmamadali.
Habang naghihintay, tinext ko muna si Karlyn. Baka naiinip na 'yon. O kaya naiinis na dahil antagal ko.
To: Karlyn
Naabutan ako ng traffic, ampucha. Baka ma-late ako ng ilang minuto.
Message sent.
Nag-scroll muna 'ko sa news feed ko nang maya maya ay may lumabas na text sa screen ng phone ko.
From: Karlyn
Wew. Baka naman nakikipag date ka? Ikaw, ha!
Parang tanga. Ni kalandian nga wala ako, ka date pa kaya. Siraulong 'to! Kung ano-ano pinagsasabi.
lilyval: Hah! Jowa nga wala ako. Anong sinasabi mong ka date r'yan, hmpf!
karfaith02: HAHAHA Sorry na. Oo na, bilisan mo na lang. Nagmumukha na 'kong tanga rito. Dalian mo.
lilyval: Yes, lola ko.
karfaith02: Ulol
Hindi na lang ako nagreply at sinimulan nang paandarin ang sasakyan ko, nakarating naman ako kaagad. Ampochi! Nakalimutan kong itanong kung nasaan siya. Dahil sa dakilang tamad, tinawagan ko na lang.
[Hoy, gago! Nasaan ka banda?! Argh, bakit ba kasi hindi ko naitanong kanina.] Panimula ko nang sagutin niya ang tawag. Lumingon lingon ako sa paligid para makita siya.
[Anong gago ka r'yan?! Mas gago ka! Gago na nga, makakalimutin pa,] narinig ko pang suminghal siya.
[Okay, uuwi na lang ako. Bahala ka r'yan,] pangongosensya ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya. Marupok na 'to.
[Sorna, hoy! Ikaw kasi, eh,] paninisi niya sa 'kin. Tumaas ang sulok ng labi ko. Ako talaga ang sinisi ng bruha.
[Bakit ako?] Pinagtuloy ko na lang ang paglalakad ko habang kausap pa rin siya.
[Aish! Bilisan mo. I'm here at Starbucks, nagugutom na 'ko.] Alam ko nakanguso 'to kahit 'di ko nakikita.
[Bakit kasi hindi ka pa kumain muna. Hinintay mo pa 'ko,] sambit ko na sinamahan pa ng iling, nagmukha na tuloy akong tanga. Umiiling mag-isa.
[Hindi pa naman kasi ako gutom kanina, ih,] tanggol niya sa sarili. Patago akong umirap.
[Bye na nga.] I ended the call.
Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pintuan at pumasok na sa loob. Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan, siguro mapapagalitan ako ng kaibigan ko. Hindi ko na lang inisip 'yon. Palinga linga ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Lily!" Napalingon ako, and there she is, I saw her waving her hand. I smiled at her. Agad ko siyang pinuntahan at umupo sa tapat niya.
"Anong gusto mo?" Tanong niya pagkaupo ko.
"Uhm... Libre mo ba talaga?"
"Of course, yes! So, ano nga gusto mo?"
I slightly scratched my forehead.
"Can I go to restroom first?" She nodded. Dali dali akong pumunta ng banyo at pabalibag na binuksan ang pinto ng cubicle. Grabe, ihing ihi ako kanina pa. Nak ng tupa! Tiniis ko lang.
I was about to open the door when I heard a voice. Talking to someone. Her voice, looks sounds familiar. Hindi sa chismosa ako pero maririnig ko pa rin, medyo malapit ako kung saan siya naka pwesto
"You know what? Kaunti na lang mapapa sa akin na siya. Panira lang 'yang sila Karlyn at mga kasama niya." Teka sino tinutukoy nila? At bakit nadamay pangalan ni Karlyn?
Narinig kong bumukas ang faucet at sumunod na bumukas 'yung main door. Nang masigurong wala na ngang tao. Umalis na rin ako.
"What took you so long?" Naiinip na tanong niya.
"Uh," naghahanap ako ng ipapalusot. Kinamot ko ng bahagya ang tungki ng ilong ko. "Nag ayos lang." Pagsisinungaling ko.
Mukha naman nakumbinsi siya at may patango tango pa. "Order lang ako," paalam ko at umalis na. Pumila muna ako, hindi naman na gaano karami ang nakapila kaysa kanina. Naghintay pa ako ng ilang minuto, and turn ko na. May nakasabay pa ata ako, e.
"What's your order ma'am?" Tanong nitong isa sa mga workers na nagpapa cute sa 'kin, mukha namang aso. Tumingin tingin ako sa taas at naghanap. Napasulyap ako sa kasabay ko. Infairness, ang pogi. A thought suddenly came to my mind. I giggled at myself.
"1 chocolate donut," ngumiti muna siya at sinulat ang sinabi ko. Naramdaman kong may nakatingin sa 'kin, sumulyap ako at nakita ang mukha niya. What the f**k?! Bakit siya pa? Sa dinami daming pwedeng makasabay, siya pa talaga.
Kairenz Fort Suarez, huh.
Binalik na niya ang tingin sa kausap niya at um-order. Pasimple ko siyang inirapan at tinuon na rin ang pansin sa kaharap ko.
"How about drinks po?" Rinig kong tanong nung kasama niya. Tinatanong din 'yung katabi ko.
"Kayo po ba ma'am? Ano po 'yung drinks niyo?" Nagulat ako nung parehas naming sinabi ang order namin.
"Caramel macchiato." Sabay kaming napalingon na dalawa at nagkatinginan. Binalik ko na ang tingin sa harapan at hinintay ang inorder ko.
Biglaan kong kinuha nang matapos ito kaya gulat ang mukha nung nagbigay ng order ko. Binigay ko na ang bayad at nakasimangot na bumalik na sa kung nasaan ang kasama ko.
"What's with your face? Bakit para kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" Salubong agad sa 'kin ni Karlyn.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Ang OA niya magreact, promise. Napatayo pa siya tapos naupo rin nang may lumingon sa pwesto namin.
I remember what happened earlier when our eyes met again. He looked away and acted like nothing. Like just we're stranger to each other.
Why did he courted me if he didn't love me?
Or did he courted me because it was just a dare.
"Hoy, halika na," sigaw sa akin ng kasama ko.
Did he really cheat on me?
Or he should have to explain it but I didn't listen to his explanations.
"Are you feeling okay?" She asked.
Did he really hurt me?
Or I was the one who hurt him.
"Yuhoo! Earth to Lily? Buhay ka pa ba?" Kinalabit ako ni Karlyn.
Did he used me to make his ex jealous?
Or he didn't