DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are not suitable for very young age.
***
"Lizelle Aily Valencia!"
Tamad kong inangat ang ulo ko at tinignan kung sino ang nang-istorbo ng tulog ko. Nagising din ang dalawang kasama ko. Nakita ko si Ms. Mendez na nag-uusok na ang ilong sa galit at masama ang tingin, nasa akin na rin ang atensyon ng mga kaklase ko. Nanatili akong nakaupo, walang pakialam sa paligid.
"Yes?" Antok kong tugon. Bakit ba sa tuwing tinatawag ako, kailangan buo ba dapat? Hindi ba pwedeng Lily lang? Or kaya Ms. Valencia?
"Who gave you a permission to sleep during my class?" I rolled my eyes at her.
"Ako," mas lalong sumama ang tingin niya. If I know she have a crush on our Principal. Or should I say, my Uncle. Look at her, she always put a make up on her face, nagpapaganda. Kasing kapal naman ng libro.
"Matutulog ako sa gusto ko, kahit anong oras," pagpapatuloy ko.
She was about to say something but the bell rangs. Padabog siyang nagligpit ng gamit niya. "Goodbye class," magsasaya na sana ang mga kaklase ko nang pinatahimik sila.
"Shh. Be prepare, you have a long quiz tomorrow." Anunsyo niya bago umalis. Last subject namin ang sa kanya. It's already twelve o'clock in the afternoon, lunch break na namin.
Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Karlyn, humarap ako sa kanya at tinaasan ng kilay, na waring naghihintay ng sasabihin nila.
"Hintayin mo naman kami, marecakes," she pouted. Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Yena.
"Oo nga, para naman hindi mo kami kaibigan," for the second time, I rolled my eyes.
Bumuntong hininga ako at bored silang tinignan. "Fine. Parang may magagawa pa ako."
Tumalikod na ako saka nakapamulsa akong naglakad sa pintuan, hinihintay sila. Naglakad na sila palapit sa 'kin at sabay na pumunta sa cafeteria.
Habang naglalakad kami, may narinig akong parang nag-aaway. Lumapit ako kung saan nang-gagaling ang boses na 'yon. Si Cham kasama mga alipores niya at 'yung babaeng hindi pamilyar. Madaming nanonood pero hindi man lang naisipan patigilin sila.
"Anong nangyayari rito?" Kalmadong tanong ko, nakapamulsa pa rin hanggang ngayon.
"Isn't that obvious?" Irap ni Cham. I just smirked at her.
"Ms. Chamberlain Taliah Versoza, care to tell what's happening here?" Nahuli kong napalunok siya dahil siguro sa lamig ng boses ko, pati na rin ang iba pang nakarinig.
She did not respond. Nilagpasan ko na lang siya at pinuntahan ko 'yung babae. "Are you alright?" Malamig kong tanong.
Napaatras siya nang kaunti. Kahit naman malamig akong makitungo sa mga tao, nag aalala pa rin ako sa kanila kapag may nangyaring hindi maganda. Hindi ko nga lang pinapahalata.
Sienna and Karlyn followed me. Binalik ko 'yung tingin sa kausap ko.
She slightly nodded.
"Okay, then. What's your name?" I asked. I don't know her name yet.
"Ashanti. Ashanti Selene Romary. You can call me Shanny or anything that would you like," she formally introduced herself.
The two also they formally introduce themselves. "Hi! I'm Karlyn Faith Gomez. Kaibigan ko si Lily," nakipagkamay pa siya.
"Yoo, there. The name is Sienna Venniz Castillo, nice to meet you. Yena for short."
I was about to introduce myself too but she cut me off. "I know you,"
My eyebrows furrowed. "You're the President of whole section, right?"
I nodded.
"Well..." Tinigil ko muna ang pagsasalita para makakuha ng bubble gum sa bulsa at walang pakialam na tinapon kahit saan. "How? New student?" I casually asked while chewing a gum.
"Yep. Actually, hinahanap ko nga kanina 'yung magiging room ko tapos nakasalubong ko 'yung babaeng tinawag mo Pres, na Cham,"
"Lily na lang, too formal," singit ko sa pagdadaldal niya. "Ano ba room mo?"
"Uhm," nagaalinlangan pa siya kung sasabihin ba niya o hindi. She had no choice. "Kaklase ko ata kayo,"
"Samahan ka na namin," alok ni Yena sa kanya. "But before that, kumain muna tayo, nagugutom na 'ko." Umakto pa siyang hinawakan ang tiyan niya.
"Palagi ka namang gutom," pambabara ni Karyln kaya sinamaan siya ng tingin ni Yena.
"Gago," she hissed and raised her middle finger to Karlyn who's now walking towards me.
"Tapos na kayo mag-away?" Inip kong pagsisingit at simaan sila ng tingin. Mga hindi na nahiya. Kanina pa kami nakatayo rito, patuloy pa rin sila sa pag-aaway. Both of them looked at me.
"Tara na nga," sa bawat dinadaanan namin, napapatingin sila sa 'min, sa akin pala. I ignored them. Kapag ba tinignan ko sila pabalik, may mababago ba? 'Di ba wala.
We're here at the classroom. Tapos na kaming kumain. Si Yena ang pinakamaraming nakain. Ewan ko ba kung kain pa ba tawag doon o lamon. Ako, kaunti lang. Hindi ako pala-kain. I prefer eating pasta than meal.
"Class dismissed. We will continue our topic again the day after tomorrow, dahil vacant niyo sa 'kin bukas. Ayon lang, goodbye class."
We bid our goodbye's also to Mr. Smith before he left. Nauna na 'kong umalis sa kanila. Tinatawag pa nila ako pero hindi ko na sila tinapunan ng tingin, magpapahintay lang naman sila.
"Happy birthday to Lance Jaden Valencia of University of Santo Tomas! Take note, he is still single and ready to mingle. He is an engineering student!"
I just rolled my eyes after hearing that damn voice from the speakers. Today is Kuya's birthday and we're here at Urban QC.
Wala naman talaga akong paki, sinama lang talaga ako ng magaling kong Kuya to celebrate his birthday, kasama mga barkada niya.
Naparami na ata ang nainom ko, lumalabo na rin mata ko.
Mag uumaga na nang makarating kami sa bahay at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama dahil hilong hilo na ako. Pucha, hindi na talaga ako iinom nang marami.
Kinabukasan, gumising akong may hangover! Nakalimutan kong uminom muna ng tubig, hindi ko na nagawa sa sobrang antok at hilo. Bumangon ako kaagad at naligo. I wore my uniform.
Nauna nang umalis sa 'kin si Kuya since hindi naman siya gaanong lasing kagabi. Bagot na bagot akong naglalakad papunta sa room nang harangin ako ni Cham, sa likod niya ay mga kamukha niya. I mean, mga kasama niya.
"Look, who's here. We are not done yet," Cham said while smirking. Anong pinagsasabi nito? Ni hindi ko nga alam kung kailan kami nagsimula. Sa halip na sumagot, tinitigan ko lang siya.
"Hah! Magsalita ka, pipi ka ba?!" Katulad kanina, hindi ko na lang siya pinansin.
Tinuloy ko na ang paglalakad ko. Hindi pa man ako nakakalayo nang magsalita na naman siya. Dumadami na ang mga nanonood. Bwiset, argh! Kailan ba siya titigil?
"Huwag mo 'kong tatalikuran habang kinakausap ka! Baka gusto mong isumbong kita sa Principal? Hindi porket president ka, akala mo sa 'yo 'tong university!" Palihim akong napangisi. You'll find out soon.
"Humarap ka, aba! 'Wag mo akong pinagmumukhang baliw dito! Hoy! Sinabi kong humarap ka- "
I cut her off that made her gasped and shocked. Tinaas ko ang kamao ko, nakatalikod pa rin. "Talk to my fist."
____________________________________________________________________________
:)