"Sana all naka perfect sa quiz kanina."
Hindi sa nagmamayabang, pero totoong ako lang ang nakakuha ng mataas na score kanina sa subject ni Ms. Mendez. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Shanny, tinuon ko na lang sa kinakain ko. Magmula nang sinamahan namin siya kahapon papunta sa room, nakipagkaibigan na 'yung dalawa. Gusto pa nga nilang isama sa grupo. Bukod sa tatlo lang kami, pumayag na rin ako.
I look at my wrist watch. It's 12:45 pm. May natitira pang ilang oras bago mag-umpisa ang klase. "Let's go. Finish your foods. We have 15 minutes left." Tumayo na 'ko, gano'n din sila. Si Yena, may nakasubo pang pagkain. Matakaw talaga.
"Good afternoon, class," bati ni Mr. Facun. His subject was Science. My classmates stood up and they also greeted back. Oo, sila lang, tamad akong tumayo. He sighed as he turned his gaze to me.
He was discussing while asking some questions. Humalukipkip ako, hindi iniintindi ang sinasabi niya. "Therefore, the Philippines, being an archipelago and bordered by bodies of water, is frequently visited by typhoons. In fact-"
He suddenly got interrupted when we heard a double knock from the door. He opened it and there we saw a four boys. I think they are the transferee. Naikwento ni Uncle na may lilipat daw dito sa 'min.
"So, are you the transferees'?" They all nodded except the guy who was wearing a blank expression, like mine. "Introduce yourselves then,"
Naunang pumasok 'yung mas matanda sa kanila, ata. "Hello. I'm Marvin Clyde Miller. I hope we'll become friends." Nakangiti niyang pagpapakilala na naging dahilan ng pagsigaw ng mga babaeng malalandi. Sinuway naman sila ni Mr. Facun.
Sumunod naman sa kanya ang nasa likod niya. "John Cedrick Riley is my name. Still single, can you be my girlfriend?" He winked at us and playfully smirk. Again, tumili na naman mga kaklase kong babae.
"Marc Russell David. The second member of the group. You can call me anything," bored na pakilala nung katabi ni Cedrick sa kaliwa.
Lastly, the guy who's still expressionless face. "Kairenz Fort Suarez, their leader." He said coldly. I don't care if he is cold too. Umub-ob ako, pinipilit matulog. Naramdaman kong may sumiko sa 'kin. I glared at Karlyn.
"Oh?" Nginuso niya 'yung mga lalaki sa harapan. Tinaasan ko siya ng kilay, wala sa mood makipag usap. "Bakit?"
"Baka may balak kang pansinin sila?" Asa siyang papansinin ko sila. Duh, never! In their dreams. "No way, they're not important. Such a waste of time," ibubuka pa sana niya bibig niya nang magsalita si Prof.
"Alright, then. Since the four of you already introduced yourselves, you may now take your sits." Sinenyasan niya ang apat na maupo na sa dulo, sa likod namin to be exact.
Mr. Facun checked his phone. "Wala na tayong oras," he put his things inside his bag. "But you have an assignment. Isesend ko na lang sa group chat. For those transferees', you can ask to the President, the girl infront of Mr. Suarez about our topic. Bye, be behave." He reminded us.
"Anong meron?"
Bungad ko nang marating ang opisina. Hindi na ako nag abalang kumatok, bubuksan din naman. Muntik na niyang mabitawan ang cellphone niya sa gulat.
"Jusko kang bata ka! Aatakihin ako sa puso. Hindi uso kumatok sa 'yo, ano?" He sarcastically said. Pumunta talaga ako dito para tumambay, magpalamig na rin. Ang boring kaya sa room. Instead of answering him, I sat on the couch.
"Sino 'yung ka-chat mo?" Tanong ko. Napansin ko kasi kaninang ngumingiti ngiti siya, ganyan kapag kinikilig.
Sanay na kasi silang ganito ako umasta. Na hindi gumagalang. Pero kapag si Lolo, gumagalang ako. Grabe magalit 'yon.
"Wala, ah," he denied.
"Wala? So, why are you smiling like an i***t, huh?" I made a face. "C'mon, you're my Uncle naman, baka matulungan pa kita." Ewan kung magagawa ko, wala naman akong alam sa love chuchu na 'yan.
I heard him chuckle. "Hay. Wala talaga akong takas sa 'yong bata ka,"
I grinned. "Sino nga?"
"Si uhm..." Nakatitig pa rin ako sa kanya, gustong malaman kung sino. He showed me his phone and I saw her name. I frowned. Nagbago bigla timpla ng mukha ko.
"No way!"
"But why? Is there something wrong?" Kinuyom ko ang palad ko, nagpipigil ng inis.
"There's no way you're chatting that girl,"
Napalitan ng inis ang mukha niya. "At bakit bawal kong i-chat?! Ayaw mo bang magkajowa ang Uncle mo?"
I smiled bitterly.
"Wanna know why? Simple, she is the mother of my ex." I still remember how we met. How we spent days together. How we always fought. And how he cheated to me. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila maghalikan ng kaibigan ko.
Kaya nang maghiwalay kami, hindi na ako nagtitiwala sa ibang tao. Walang alinlangan akong nakipaghiwalay sa kanya dahil alam ko sa umpisa manloloko na talaga siya. Hindi na rin ako ang unang nakikipagkaibigan.
"Sorry, sorry. I didn't mean it," he apologized. "Sige, hindi na 'ko makikipag chat sa kanya. Hindi na rin ako makikipagkita. Just forgive me,"
I shook my head. "Huwag ka ngang OA, Uncle. Anong akala mo sa 'kin, inaaway ka? Hah! Pambata na 'yon, oy! Libre mo na lang ako, kung gusto mo makabawi."
Bahagyang sumimangot 'yung mukha niya matapos marinig ang huli kong sinabi. "Wait, ayusin ko muna mga gamit ko. Saan ba gusto mo?"
Biglang lumiwanag ang mata ko. "Sa mall. Tapos kain tayo sa Korean Restaurant. Bilisan mo," parang bata kong sabi. Namiss ko kasing kumain doon. "Oo, na,"
Nagmamadali niyang inaayos ang mga gamit niya, muntik nang matapon 'yung kape niya.
"Baka may gusto kang bilhin o gusto mo pang kumain? Nahiya ka pa, ubusin mo na pera ko." Sarkastikong tanong niya pagkatapos namin kumain. Malapit lang naman, kaya ilang oras nakarating na kami dito.
"Balik na tayo roon, naiwan ko mga kaibigan ko. Hindi kasi ako nagpaalam. Paano, gusto kong mapag-isa." Wala siyang nagawa kundi bayaran ang kinain namin at umalis na.
"Besprend!"
Kabababa ko lang sa kotse at sumalubong agad sa akin ang sigaw nilang tatlo, hindi alintana ang mga tao sa paligid. Inis ko silang nilingon.
"Bakit mo naman kami iniwan?" Shanny asked. "Wala tuloy kaming kasama," she continued. Nagtaka sila nang lumabas galing sa loob si Uncle. Nagbigay naman sila ng galang, tinanguan lang sila ni Uncle.
"Una na 'ko, bata. 'Wag kang gagawa ng gulo, kung ayaw mo makarating 'to sa Lolo mo," banta niya.
"I'm not bata anymore." He just laughed at me.
"Hoy! Bakit mo kasama si Principal?!" Tanong ni Karlyn. Si Yena, mukhang may hinahanap. Pagkain na naman siguro, akala niya bibilhan ko siya. Nagkibit balikat ako.
"Hoy, bakit nga? Kanina ka pa namin hinahanap, malalaman na lang namin na nakasakay ka sa mamahaling kotse," pangungulit niya at kunwaring nagtatampo. I sighed before answering her.
"He is my Uncle. Masama na bang makipag bonding?" Hindi sila nakapagsalita dahil sa bigla. Nang makarecover, sabay sabay silang sumigaw.
"He is your- what?!"
"My Uncle?" Patanong na sagot ko sabay taas ng kaliwang kilay animo'y hindi pinansin ang nasabi sa kanila.
"E, bakit hindi mo naman sinabi sa 'min. Nakakatampo ka na," umakto pa silang iiyak na. Mga 'to, matatanda na may pagkaisip bata pa.
"Pake niyo?" Nakita ko naman kung paano sila ngumuso. Nakalagay sa isang bulsa ang kamay ko habang nakahawak sa strap ng bag ko ang isa. "Hindi naman kayo nagtanong in the first place."
____________________________________________________________________________
:)